"O, nakauwi lang? Mang iiwan na? Ano to?"  Ay! Oo nga pala may kasama pala akong asungot.

Nilingon ko siya at napangiti ako. Ang cute niya tignan. He carried my handy bag on his right shoulder tapos dala din niya ang isang malaking bag na may lamang mga pasalubong sa kabilang kamay at may bag pack pa sa likod niya. Hahaha bet na bet ko siyang makita na ganito, naghihirap. Wahahahaha

"Anong nginingiti ngiti mo diyan? San na next stop natin?"

"H-ha? Aw, taxi tayo. Kailangan nating magpunta sa Bus terminal."

"Ano? Sasakay pa tayo ng bus?"

"Shhh, lakas ng boses mo. Oo, kailangan pa nating bumyahe sakay ng bus bago tayo makarating samin."

"Ha? Di pa ba dito yun?"

Napabuntong hininga ako. "Magpaiwan kana lang dito o di kaya magpa book ka ng flight pabalik. Mas mainam yun. Ang reklamador ha!" Mataray kong sabi.

"Haaay, never. San ba? Tara na." At na una pa siyang naglakad. 'Tong taong to.

Sumakay kami sa di aircon na bus. Na miss ko kasing sumakay ng ganito. Yung nagbabyahe ka na nalalanghap mo yung sariwang hangin at tanaw na tanaw mo ang magagandang tanawin na nadadaanan mo. Haaaay, ito na. Uuwi na talaga ako. Tay! Ma susurprise ka talaga. Hintay ka lang!

"Maine ang init. May aircon na bus naman doon, o? Dun nalang tayo." Reklamo niya.

Tinignan ko siya ng masama. "Dun ka! Bahala ka."

"Maine, di ako nakakahinga sa init dito, e. Mag taxi nalang kaya tayo?"

"Nahihibang kaba? Mag aapat na oras pa yung byahe natin papunta samin tapos mag tataxi?!"

"Tatlong oras pa???!" Gulat niyang sabi. Napatingin naman yung mga pasahero sa loob ng bus samin.

"Ano ba! Lakas lakas ng boses mo."

"Bakit ang tagal pa? Pagud na ako Maine." Para siyang batang nagrereklamo. Ang cute. Pero ha, ang reklamador niya talaga.

"Ang ingay mo kanina kapa ha! Umuwi kana lang kaya?!" Inirapan ko siya. Hindi na siya nagsalita at natahimik nalang siya sa kina uupo.an niya.

"Hi, naay nag lingkod diri? Pwede makig tapad?"
(Hi, may upuupo ba dito? Pwede maki upo?)

"H-ha? A-ano po?" Rinig ko ang sabi ni Chard sa babae. Hindi talaga ako umimik at nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

"Ay? Tagalog ka pala. Uhm, pwede bang umupo? Dito?" Turo niya sa bakanteng upo.an sa tabi ni Chard. Tatlo kasi ang pwedeng umupo sa kina uupo.an namin.

"H-ha? Uhhh" kinurot ako ni Chard.

"A-aray! Bakit ka ba nangunguro...-" shit! Ang gandang babae. Hindi ko mapigilan ang mamangha sa babaeng kumausap ni Chard. Ang puti puti at ang sexy niya. Shooocks!

"Oo, upo ka." Pangiti kong sabi sa kanya. Umupo naman ang babae sa kabilang dulo. Napagitnaan namin si Chard. Haaaay, makatulog na nga lang muna.

An hour after... Nagising ako na may nagtatawanan. Haaay! Ang iingay! Uuugh. Maganda na yung tulog ko, e. Dumilat ako at napatingin ako sa gilid.

"Talaga? Hahahaha Nako Chard! Nakakatawa naman yung experience mo. Hahahaha" sabi nung babaeng naki upo katabi ni Chard. Seryoso? Magkakilala na? Agad agad? May pa hampas hampas pa sa braso at ito namang isa gustong gusto naman niya ang binibigay na atensyon ng babae.

"Oo, tapos alam mo ba after nung nataliso...-"

"Chard, gutom ako." Sambat ko sa kanila.

"Uy, gising kana pala. San na yung binili natin kanina?" Sabi ni Chard sa akin, aba! Talagang nag i.enjoy ang mukong sa byaheng to ha.

"So ayun na nga... San na nga tayo sa usapan? Hehehe sorry." Binalik naman niya ang atensyon sa babaeng katabi niya. Abay gago'ng to.  "Ay, oo. After nung natalisod ako paakyat ng stage diba medyo uhmm nakakahi...-"

"Chard, water please." Kako, nakakainis ha! Kakakilala lang nilang dalawa tapos kung maka chika parang magkakilala na for 100 years.

"Maine, may water bottle ka diba? San mo yun nilagay? Haaaay."

"Ubos na." Nasa bag ko, naalala ko. Pero di ko ilabas yun. Hmmp!

"Talaga lang ha. O, sige ito. Drink mine." Inabot niya sakin yung water bottle niya.

"Tapos Chard ano na yung nangyari?" Pangiti ngiting sabi nung babae.

"So ayun na nga, sobrang nakakahiya yung nangyari saki..."

"Chard, you like this? Sarap nitong pizza nila o, subu.an kita ha?" Sambat ko ulit. Napatingin naman ng masama yung babae sakin. Heh! Pake ko ba. E, sa nakakainis, e. Kung alam ko lang na ganito pala mangyayari di ko nalang sana pina upo yang babae'ng yan dito. Samok!

Habang sinusubo.an ko si Chard di mawala wala yung ngiti ko sa isipan ko.

"Tama na Maine... Mabibilaokan na ako nito."

Ay, Dios ko. Halos pinaubos ko pala sa kanya ang isang slice na pizza. Hahahaha mas mabuti nga para di na sila mag usap nung babae. Kain kana lang ng kain Chard. Di ko siya pinansin at patuloy pa din ang pagsubo ko sa kanya.

"Pasensya kana ha? Hehehe ikaw? Gusto mo? Pizza, o." Alok niya sa babae.

"Ay, okay lang. Di na. Busog pa ako." Pangiti niyang sabi. Sarap hambalusin ng water bottle, o. Seees, nagpapa cute masyado.

Ito namang isa ini.entertain masyado kaya nagpapapansin yun. Kainis!

"Girlfriend mo?" Natigil ako sa pag nguya sa tanong ng babae sa kanya. Napatingin naman si Chard sakin.

"Hapit na."

At yun lang ang naging huling salita ng babae hanggang bumaba na siya sa bus.

•••
"Malapit na" Dios ko, kailan ba?! 😂😂

Miss you all. Busy po talaga. As in!

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now