Langya!  Walang kahiyahiya!!!  Narinig pala talaga niya yun.  Kasi naman,  e. Nakakainis! "Ano nginingiti ngiti mo naman diyan?" Mataray kong sabi.

"Wala,  masaya lang. Bakit ba? Tara na nga...  Sa sasakyan na natin pag usapan to."

Wala na akong choice,  as if naman mananalo ako sa katigasan ng bungo ng isang to. Ahay.

Naging tahimik ang paglakbay namin pauwi ng boarding house. Sa daming nangyari sa amin kanina mukhang na drain ako ng husto. Hooo!

"Maine,  kanina nga pala...  I'm really sorry. Sorry kong na unahan na naman ako ng galit. Sino ba naman kasi ang di magagalit nun diba? Excited kaya akong makita ka tapos yun bunungad sa akin. Ahay. Tsaka malay ko ba na kinausap mo siya para ipa... -" tinakpan ko bibig niya. "Dahil... -"

"Hep!  Okay na,  okay na. Wag mo ng i.ulit..  Okay?"

"E,  sa ang sarap pakinggan,  e. Hahahaha"

"Para tong ewan,  diyan ka na nga."

"Uy,  sandali naman. Di pa tayo nag uusap ng masinsinan."

"Pagod na ako Chard,  bukas na."

"Wait lang nga...  So totoo yun? Kinausap mo siya na huminto na dahil may mahal ka ng iba at ako yun?" So ganon?  Kung makasalita abot batok din ang ngiti?

"Sabing wag ng ulitin, e. Nakakainis ka."

"E,  ang sarap sarap lang talaga pakinggan, e. Hayaan mo na ako. Nagbubunyi ang buong katawan at kaluluwa ko ngayon." Di pa rin mawala ang ngiti niya.

"Bahala ka nga diyan." Inirapan ko siya.

"Maine,  last na lang..." He sighed. "Galit ako kanina,  sobra! pero di ibig sabihin nun I give up on you. Di ako pinanganak na di tinatapos ang kung anong sinimulan ko kaya asahan mong bubuntot at bubuntot ako sayo. I'm gonna make you mine diba? Kaya maghihintay pa din ako. Tsaka sapat  na sakin ngayon na malaman ko na mahalmonarin pala ako. Hindi mo alam kung paano mo ako pinakalma nung sinabi mo yun kanina."

"Halata nga,  dahil sa pagkakalma mo nalinis mo ang buong Bar mo. Hahahaha"

"Grabi ka naman,  pero seryoso. First time ko yun ginawa dahil sa kasiyahan ko. Tsk!  Iba pala talaga ang epekto pag mahal ka rin ng mahal mo. Nakaka ganang gumalaw." Ugh. Nakakainis ka. Pinapakilig mo ako gago ka.

"Parang timang to! Hahaha Sige na nga..  Oo na,  okay na."

"Anong okay na?  You mean ano..  Uhm,  tayo na?"

Krooo krooo.

"H-ha?  Wait lang naman. Nalaman mo lang na mahal kit-"

"Mahal din kita." Abay loko to. Sinagot ba naman.

"Sandali nga sabi,  patapusin mo muna ako. Ang atat, e."

"Ay sorry sorry sorry... Sige go on. Makikinig ako."

"So ayun na nga. Uhm, alam mo naman kung sino talaga ang priority ko ngayon diba? S-si tatay. Uh, pwede bang ipagpaalam muna natin to sa kanya?"

"Oo naman!  Bakit hindi,  plano ko naman talaga gawin yan Maine. Kahit sa personal pa." Ha?

"S-sa personal?"

"Oo,  napag isipan ko na din to. I want to meet your tatay personally. Pwede tayong umuwi sa probinsya niyo para makapagpaalam ako ng pormal sa kanya at para na din masagot mo na ako." Atat talaga,  e. Hay nako. Pero seryoso? Gosh!

"D-di nga?"

"Oo nga sabi,  paulit ulit?" Ayan na naman siya.

"Okay,  sinabi mo yan ha!"

"Oo,  basta ha?  Sasagutin mo na ako ha?"

"Pagpayag si tatay..."

"Ha?  Bakit ayaw ba niya sakin?"

"Baka. Suplado ka kasi,  maldito,  mainitin ang ulo,  walang puso,  pangit ang ugali..."

"Pero mahal mo naman."

"Yun lang. Ay!  Huy!  Di, a."

Tumawa siya ng pagkalakas lakas. Tong gagong to. Hinuhuli pa ako.

"Sinabi mo na. Klarong klaro." Sabay kindat. Ani ba!  Napapadalas na yang kindat na kindat na yan ha!  Dukutin ko kaya yang mata mo.

"Ay nako!  Bahala ka na nga. Sumunod ka kung gusto mo basta ako magpapahinga na."

"Maine,  sandali..."

"Kanina kapa sa 'sandali,  sandali' e,  sandaliin ko din kaya yang buhay mo."

"Last nalang kasi...  Di ako makakatulog dito ngayon. Maaga alis ko bukas. Sa gabi pa tayo magkikita." Haaay,  na naman?

"O,  bakit?"

"Tingin ka muna sakin." Tinignan ko naman siya sa mata. Haaay,  nakakamiss kang kasama araw araw tukmol ka. Medyo busy kana lately,  e.

"I love you Maine." OMG.

"I love yo.. -myself. Hahaha nakakainis ka!  Umalis kana nga."

Humagikhik naman siya sa kakatawa. "Rinig ko yun,  clear na clear.

"Bahala ka diyan!" Siraulo. Panagutan mo tong kilig ko. Gago ka.

•••

WOOOAH!  YOKO NA!

Happy Wendesday to all. 😍😍
God bless.

No Empty SpacesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora