Halos kalahating oras din kaming nagligpit doon bago pa kami natapos.
As usual, uuwi na naman si Joyce sa bahay ni Top kaya mag isa na naman akong uuwi. Naglalakad ako patungong sakayan ng dyep nang may bumusina sa likuran ko.
Hindi pa pala siya umuuwi? Akala ko pagod to?
"Sakay kana."
Para iwas tsimis at mukhang wala namang nakapansin dahil kukunti na ang pasahero... Agad akong pumasok sa sasakyan.
"Akala ko umuwi kana."
"Hinintay kita hanggang matapos."
Tahimik ulit kami. Medyo inaantok na din kasi ako kaya di kami nagkikibu.an.
"Uhm, Maine?"
"Hmmm?"
"Sorry nga pala kanina ha? D-di ko dapat ginawa yun. Akala ko kasi okay lang sayo." Good boy ka din naman pala. Marunong mag sorry.
"Okay lang. Wag mo ng uulitin yun. Ayaw ko lang naman na madadagdagan na naman ang tsimis natin sa loob kaya umiiwas ako Chard."
"Sorry!"
"Okay lang." I smiled at him. Napawi tuloy yung pagka irita ko sa kanya dahil nag sorry na siya. "Nga pala... Bakit yan sinuot mo?" Tanong ko. Sinuot na niya na di pa nalalabhan? Yuck!
"Maganda kaya! Tsaka pili mo to kaya sinuot ko na talaga... Pinalabhan ko na agad kanina para masuot ko na ngayon. Salamat nga pala nito." Pangiti niyang sabi. Grabi siya.
Binigyan ko siya ng hilaw na ngiti kasi naman kasi... Pinagtripan ko lang naman siya tapos pinasalamatan pa ako. Tsk! Buti nalang bagay sa kanya tong damit pati yung print akmang akma sa pag uugali niya. Hahaha joke.
Nakarating na kami sa boarding house... Tonight, dito siya matutulog. Siya sa kama ko, ako naman kay Joyce. Siguro dahil sa kapaguran ay di na kami nakapag kwentuhan dahil antokyo Japan na.
Kinaumagahan nagising kami sa malakas na katok sa pinto.
"Maine... Sino ba yan? Ang aga aga disturbo." Reklamo ni Chard. Ako din kaya nagulat. May sariling susi kasi si Joyce kaya di na yun kakatok kung uuwi.
"Di ko alam... Pakibuksan mo nga!" Kako at nagtalukbong ulit sa kumot.
"Anong ako? Ikaw na. Ikaw may-ari dito, e" padabog na sabi niya.
Haaay. Nakakainis naman talaga kasi tong kumakatok. Ang aga aga. Imposible naman ang landlord namin dahil kakabayad lang namin last week.
Pagkabukas ko sa pinto... Bumungad sa akin ang isang nakangiting lalaki. Leo.
"Good morning beautiful! Flowers for you." Hala!
"Leo... N-napaaga ka ata?"
"I want to start my day with your smile kaya ito... Pinuntahan na kita. Uhm, Can I uhm.. Come in?" OMG! Hindi pwede! Dios ko!
"H-ha? Wait ka lang dito. Uhm, kukuha lang ako ng jacket tapos lalabas tayo. Wag kanang pumasok magulo kasi sa loob." Kako.
"Okay..."
Mabilis ko sanang isasarado ang pinto nang tawagan ulit ako ni Leo.
"Maine... Wait lang."
"Bakit?"
"Yung flowers." Ay! Shunga ka te.
"Oo nga pala. Akin na. Salamat."
Nagpunta kami ni Leo sa malapit na bukas na kainan at doon na nag agahan. Nag kwentuhan din kami sa aming mga buhay buhay. Hindi ko namalayan ang oras at umabot na pala kami sa halos dalawang oras na kwentuhan. Agad akong nagpaalam sa kanya. Paano ba naman... May isa pa pala doon na walang kain sa bahay. Nag take out ako ng pagkain at dagling umuwi.
Hindi na din ako nagpahatid kay Leo. I'm sure gising na yung isa baka makita pa siya. Haaaay.
Pagkapasok ko sa loob ng kwarto doon pa ako nakahinga ng maluwag pero bakit parang iba din ang sinasabi ng isip ko? Dapat nga kay Leo ko to maramdaman pero bakit kay Chard? I feel like I'm cheating on him dahil nakikipag kita ako kay Leo. Uugh! Di naman kami, a. Bakit ko ba iniisip ito?
"Nakauwi kana pala..."
Nagulat ako. Gising na pala talaga siya. Nakaupo siya sa kama at harap niya ang maliit na mesa na may kape.
"Oo, sorry di na ako nakapaalam sayo. Ito may dala pala akong pagkain dito. Binili ko to para say...-"
"Wag na. Nag kape na ako. Ang aga niyo namang nag date sa masugid mong manliligaw." Aniya, walang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Chard..."
"Okay lang... Nga pala! Aalis na muna ako. Kita nalang tayo mamaya."
Tumayo siya at lumapit sa akin at nagtama ang aming mga paningin.
"Gagawin ko ang lahat para mapasakin ka Maine. I love you."
OMG.
•••
OMG talaga! Hahahaha
Di ako naka shield kay Chard. Wooah!!
Anyway, kahapon po inayos ko ang story nato kaya inunplush ko lahat. Sorry po kung nagkalat po ako sa notif niyo. May nakapag message kasi sakin bakit wala daw to sa ranking. Hahaha hindi naman po ako after sa ranking ba... Pero trinay ko lang baka makapasok pero after nung ginagawa ko kahapon wala pa din so okay lang! 😊
Salamat po sa patuloy na pagbabasa nito at sa YAMH2. Love you all. God bless po.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
25 • Two
Start from the beginning
