Siniko ako ni Joyce

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Siniko ako ni Joyce. "Hahahaha seryoso?  Lakas ng tama ni Sir Junior,  a.  Angry bird talaga?" At humagikhik ito ng tawa.

Natulala ulit ako nang tinitigan ko siyang nakikipag usap ni Kuya Larry. Suot niya ang isa sa mga binili ko kaninang shirts. Grabi siya!  Akala ko magmumukha siyang timang pag isusuot niya yan pero bakit parang ang cool niya tignan?  Gosh!  At ang ho... -fine oo na,  aaminin ko na.  Ang hot niya. Napangisi ako.

Di ko na namalayan na lumapit na pala siya sa akin. 

"Tapos kana?"

"Ay!  Angry bird! Ano ba!  Nanggugulat ka naman." Kako. Napatingin agad ako sa paligid. Alam kong pinagtitinginan na naman kami ng mga kasamahan ko. Hahay,  dagdag usapan na naman to tungkol samin.

"Bagay ba?" Tanong niya.

"A-ang ano?"

"Ito..." Sabay turo sa suot niya. Akala ko tayo. Charot!

"Uh,  eh. Oo,  bagay naman."

"Okay,  tara! Uwi na tayo. Antok na ako, e." Sabay hila sa kamay ko.

"Wait,  di pa ako tapos di... -"

"Iwan mo na diyan,  sila na bahala niyan. Alam ko pagod kana. Tara na." Hila hila pa rin niya ako hanggang makarating kami sa parking area.

Hindi tama to.

"Chard..."

"Hmmm?" Patuloy pa din ang paglalakad niya.

"Ano ba! Bitawan mo ako." Bulyaw ko.  Nagulat siguro siya kaya napabitaw siya agad at napatingin sa akin.

"Hindi mo dapat ginawa yun!" Kako.

"Ang alin?" Kunot noo niyang sabi.

"Hindi kasi tama,  e." Medyo inis kong sagot.

"Ang alin nga?"

"Ito?  Yung bigla bigla mo nalang akong hinihila tapos maraming nakatingin satin. Alam mo bang pinag fifiestahan na tayo  ng chismis sa loob tapos dadagdagan mo ba? Chard naman...  Tsaka,  dami pa kayang gawain doon sa loob! Kailangan ko pang tumulong doon. Ano nalang ang iisipin nila?"

"Pagtatalunan ba natin to?" He sighed. "Isipin nila ang gusto nilang isipin. Tara na antok na ako." Ito na naman siya. Ayaw makinig. Ugh!

"Hindi porket nanliligaw ka masusunod mo na lahat ng gusto mo sa akin." Medyo natigilan siya doon.

"Fine,  bumalik ka doon."

Napatingin ako sa kanya. Ganito ba siya palagi? Dapat siya nasusunod?  Nagagalit pag di pinagbigyan ang gusto?  Haaay!  Ano ba tong napasok ko.

Tumalikod ako at naglakad pabalik. Hindi naman ako  nakaligtas sa mga madududang tingin ng mga kasamahan ko sa trabaho pero di ko muna yun papansinin. Wala ako sa mood para mag explain sa kanila kung ano na ang nagyayari sa paligid ligid. Ang nakakaalam lang talaga sa totoong sitwasyon ko ay ang pinsan ko.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now