Napailing ako at napatawa nang maalala ko ang mga binili ko para sa kanya. Malamang mag aalburuto na naman yun pag nakita niya yun.  Hahahaha

Kinagabihan di ko siya nakita. Malamang busy na naman yun at nasa opisina niya.  Hmmm!  Magtrabaho kana lang kaya Mai wag mung isipin ang mga destructions. Haaay! My sweet destruction.  Nakakainis.

Kinuha ko ang tray at ang pamunas ng ng mesa at nagtungo sa table na bakante para linisan ang kalat.

"Mai?" Isang sobrang pamilyar na boses ang tumawag sakin. Goodness!  Sana hindi siya.
Di ko pinansin at nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

Nang nasa medyo madilim na area na ako...  Tinignan ko ang banda kung saan may tumawag sa pangalanan ko.  Bigla akong nanlamig at parang nanigas ako sa kinatatayu.an ko. Gosh! Nakita niya kaya ako?  B-bakit ba nandito siya?  Di naman siya mahilig sa ganitong lugar,  a.

Mula sa kalayu.an ay tinignan ko ang bawat kilos ng lalaki natumawag sa akin kanina.  May kasama siyang mga lalaki at nag iinuman sila. Umiinom pala siya.  Di ko alam to?  Kailan lang siya nakarating?

Nataranta na ako. Baka kasi naaninag niya talaga ako kanina kaya tinawag niya ako. Goodness!  Lord, di niya pwedeng malaman kung saan ako nagtatrabaho ngayon... Malamang isusumbong niya ako kay tatay pag nagkataon. Malilintikan talaga ako at tiyak na ipapauwi ako samin ura.urada.

Si Leo. Leo kasi ang nakita ko.

"Couz... May problema tayo!" Agad na sabi ko pagkakita ko kay Joyce.

"O,  bakit?  Anong nangyari?" Tanong niya sakin.

"Nasa table15 sila Leo." Tinuro ko ang table kung saan sila tumatambay.

"Putik! Couz,  di niya tayo pwedeng makita dito!" Medyo nataranta na din siya.

"Sinabi mo pa. Ano bang gagawin natin?" Kako,  syempre kinakabahan na din ako.

"Ano pa ba?  Edi iiwasan natin sila! Mai,  kailangan nating maging alisto..."

Tumango ako sa kanya.  Tama si Joyce,  di pwedeng mabisto kaming dalawa.  Paano na lang si tatay?  Hahai.

Mabilis akong pumunta sa staff room at agad na kinuha ang telepono ko at di nga ako nagkakamali...  Si Leo yun.

Leo
Hi Mai?  Lumuwas kami nila mommy.  Magkita naman tayo bukas,  o. Kahit saglit.  Please?

Leo

Mai?  Nasa bar kami ng mga pinsan ko. Saan kaba nag wowork?  Alam mo bang sobrang miss na ata talaga kita?  Well,  araw araw naman pero malala ngayon...  Minamalik mata na ako. Hahaha nag tatrabaho ka daw dito sa bar natinatambayan namin ngayon. Hahaha ang gago ko lang diba?  Hahaha kaya please?  Bukas?  Kahit saglit lang. Magkita naman tayo.  Please? Text me if di kana busy ha?  I love you.

12:23am.

Hindi ko siya nireplayan syempre. Mamaya nalang pagkatapos ko sa trabaho at bumalik na ako sa trabaho.

Pasado ala una na ng madaling araw silang umuwi kaya doon pa ako nakakahinga ng maayos.  Dios ko!  Ang hirap kaya pag pigil at bantay ang mga kilos mo mas doon kapa mas lalong napapahamak pero buti nalang walang nangyaring masama at bistuhan.

Busy na ang lahat sa pagliligpit dahil magsasara na kami mayamaya.  Yes!  Makakapag pahinga na ako nito pero napa buntong hininga naman ako nang maalala ko na makikipagkita pala si Leo sakin bukas.

Pero parang naihip ng hangin ang pangamba ko nang marinig ko ang mga kasamahan ko na nagbubulungan.
Bakit ba sila nag bubulunga... -Hala!

Napatakip agad ako ng bibig nang makita  ko rason ng pinagbubulungan nila.

No Empty SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon