Nginiti.an ko din siya. "Wow naman. Pero promise, ang galing mo. Hindi halata sa mukha mo na nag pi.play ka pala niyan."
Kinuha niya ang lalagyan ng cello at marahan niyang nilagay ito doon. "Nung buhay pa mommy ko, siya yung mahilig niyan. Nung una napilitan lang ako kasi diba parang ang boring tignan tsaka yung mga naririnig kong musika sa bahay na gamit ang cello sobrang nakakaantok talaga. Haaaay, pero dahil pinipilit ako ng mommy, nag enroll na lang ako doon sa kaibigan niyang tumutugtog nito. Nq realize ko na this thing is not that too boring as I expected. . . Kung alam mo lang talagang mag explore di mo mamamalayan na mag i.enjoy kana at mapapamahal kapa sa ginagawa mo."
Medyo natahimik ako doon, a.
"Naks naman! Sabagay, tama ka. May mga bagay talaga na akala natin na di na natin sila magugustuhan habang buhay pero pag tri.nay natin sila doon palang natin marerealize na 'okay pala,Wala naman palang dapat ikagusto.' Diba?" O, diba? Ginatungan ko. Ahay.
"Kaya nga sobrang thankful ko, e." Lumapit siya sa akin at nginiti.an niya ako ng malapad.
"T-thankf-ful? B-bakit? I mean uhm. . . Kanino?" Utal kong sabi.
"Sayo. . ." Sagot niya. Hala!
"S-sakin? B-bakit naman sakin?"
"Kasi binigyan mo ako ng pagkakataon. Alam ko naman kasi na galit na galit ka talaga sakin." Oo, buti alam mo. "And alam ko din na halos isumpa mo na ako kay satanas dahil sa mga nagawa kong kasalanan sayo noon." Ay! Buti alam mo din yan. Hahaha Tsk! Maitot! Mag seryoso ka nga. Seryoso yung tao, e.
"Pero Maine salamat talaga ha? For giving me this chance. Hindi ko talaga inakala na dadating ang panahon na to. . . I mean, dadating ang araw na may haharanahan akong babae. Gosh! Di ko pa nagawa sa tanang buhay ko to." Harana? OMG! Ang cool ha? Modern harana pala yun. Galing! Naipasok.
Nginiti.an ko din siya sabay tapik sa pisngi niya. Kukurutin ko sana pero wag na lang. "Chard, di naman ako banal para di ka bigyan ng pagkakataon. Even God gives changes to others, ako pa kaya." I chuckled. "Salamat nga pala dito ha? You let me experience this opportunity. First time ko din to."
"First time? Na ano? Makakita ng instruments na ganito o first time kang naharanahan?"
"Pareho." Shocks! Uminit ang pisngi ko sa sinabi ko.
Para naman siyang timang na pangiti ngiti sa harapan ko.
"O, saya mo ata?"
"Oo naman. Sino ba ang di sasaya? Akala ko di na ako makaka first time sayo kasi nagawa na ni Leo ang lahat lahat para sayo. Pero di pa pala. Yay! Nakaka boost ng energy, a. Hehehe"
Grabi! Ang saya niya tignan.
"Let's go?" Yaya niya sakin.
"Sige, tara." Baka ano pa ang mga mangyari dito.
"Hmmm? Maine, okay lang ba ang shop nato?" Tanong niya sakin habang pinagbuksan niya ako ng pinto mula sa madilim na silid.
"Bakit ako tinatanong mo? Hahaha oo naman. Syempre! Teka nga, kaibigan mo ba ang may-ari nito?"
"Nope."
Talaga ba? Bakit kung maka 'Joe, music please.' Ka kanina. . . OMG! Don't tell me. Oo na, nanlaki ang mata ko sa gulat.
"S-sayo to?"
Tumango siya. Goodness! Parang nalagas isa isa ang mga buhok ko sa sagot niya. Grabi! Bakit ang rami niyang pag mamay-ari? Woooah! Kasi nga Maitot mayaman.
M-A-Y-A-M-A-N. Yan! Yan ang speliing ha! Isaksak mo yan sa utak mo ng matauhan ka.
"Ginawa ko to in memory of my mom! Mahilig talaga siya sa mga instruments, e kaya ito. . . Pinatayo ko talaga to for her. Sayang lang wala na siya para saksihan ang mga to pero alam kong masaya siya."
Ay sweet niya sa mama niya. Haaay!
"Boss!" Tawag ng isang lalaki.
"Joe, kamusta kayo dito?" Tanong ni Chard sa kaniya.
"Okay naman po boss! Walang problema." Sabay tingin sakin. "Uy, good afternoon ma'am."
"Magandang hapon din po." Sagot ko. Nakaramdam na naman ulit ako ng hiya. E, sa tinitigan na naman ang t-shirt ko, e.
"Joe, this is Maine. Maine Mendoza. Maine, this is Joe. Siya yung pinagkakatiwalaan ko dito Strings. Joe, si Maine. Nililigawan ko." Pasimple niyang sabi. Hoo! Di ako naka shield at mas lalong di ko napigilang ngumiti sa sinabi niya. E, sa kinilig ako. Walang ka filter filter yung sinabi niya, e. Hahahaha
Nginiti.an niya ako ng malapad."Hello po ma'am."
"Uy, Maine nalang. Ano kaba. Hehehe"
"Sige po." Nahihiya niyang sabi.
"O, siya. . .alis muna kami Joe. Mag ingat kayo dito. Tawagan mo lang ako pag may problema tayo o ano."
"Okay Boss! No probs."
Nang makalabas na kami ni Chard huminto siya ulit sa paglalakad.
"Okay ba to?" Tanong niya sakin.
"Ang ano?"
"Ito, tong date natin." Aniya habang nakangiti. My goodness! Date, date talaga ha! At ngayon ko pa lang alam? Dios ko! Oo nakakalaglag puberty hair ka dong! Nakakainis! Wala kang preno kung magpa kilig. Kung alam mo lang na hulog na ako.
Teka? nahulog na ba talaga? Siguro nga. Nahulog na. Okay. Nahulog na nga. Fine! Oo na, oo na. Hulog na. Nakakainis!
•••
Woah! Soo... Can this be love na paba Mai? Haha
Good morning to all. God bless. 😍
IG & Twitter: @sheeshaii021
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
24 • All of Me
Start from the beginning
