Nag usap pa kami saglit bago ko binaba dahil nasa location na daw siya.

Dahan dahan akong umupo mula sa pagkakahiga. Tinignan ako ang bakanteng kama sa gilid ko. Nasa condo na naman kasi ni Top si Joyce natulog kaya mag isa na naman ako. Mukhang masasanay na ako sa ganitong setup. Doon siya natutulog at kinaumagahan na siya umuuwi. Nagagamit na lang ang kama niya pag dito natutulog si Chard. Siya sa kama ko habang inaakupa ko naman ang kama ni Joyce.

Pumunta ako sa kusina at inihanda ang pagkain ko. Pumasok ako ulit sa kwarto para doon na din kumain. Minsan kasi nakakatapad makipag usap sa mga ka boardmates namin kaya mas mabuti ng sa kwarto nalang ako.

Habang sinusubo ko ang pagkain ko hindi ko tuloy maiwasang mag isip ng kung ano ano tungkol kay Chard. . . Malamang marami siyang nakakasalamuha araw araw na magaganda, sexy at mayaman tulad niya at malamang marami sa kanila ang nagkakadarapa sa kanya. . . napabuntong hininga ako. Bakit naman hindi di ba? Perkpekto na nga ata si Chard pwera lang sa ugali. Napangisi ako ng kunti nang maisip ko yun. pero bakit ako? Ako na walang kahit ano, ni alindog. . . aw, sige may kunting ganda naman akong ikakabuga pero yun lang. . . wala na akong ibang ikakabuga at maipagyayabang.

Napaisip ako kung ano ang pwedeng sabihin ng iba. Di hamak na isang probinsyana lang naman ako. . . haaay, marami naman na akong nababasang kwento na gaya nito sa mga libro na nagkakagusto ang lalaki sa isang probinsyanang babae tapos aapihin siya pero  ipaglalaban nila ang pag iibigan  nilang dalawa. . .  pero iba pa din kung ikaw na ang nasa sitwasyo, e. Lalo na kung hindi pa kayo dumadating sa puntong yun at pinapangunahan mo na ang mangyayari. Ang tanga ko diba? Diba? Nakakainis! Uugh! Epekto to dahil mag isa lang ako. . . tapusin ko na lang kaya tong pagkain ko at matawagan na si tatay.

10:30am na nang magtxt siya sakin na papunta na daw siya dito pero late ko na na basa yun dahil nakatulog ako matapos ng tawag namin ni tatay.

Shit! Parating na daw siya. . . halos 30mins na ang lumipas mula nung nag txt siya kaya dagli akong nag handa. Ayaw pa naman nun ang maghintay.

15mins after. . . dumating na siya. Agad akong umalis at nag tungo sa kanya. Mahirap na. . . baka sumpungin na naman.

"Hi!" Bati ko sa kanya nang binuksan ko ang pintu.an ng sasakyan. Opo, ako ang nagbukas. Hindi po siya ganun ka gentleman para bumaba siya at pagbuksan ako ng pinto kaya wag na kayong umasa.

"Hello!" Pangiti ngiti niyang bati sa akin. Hay salamat! Mukhang good vibes  siya ngayon.

"Tara. . . san tayo?" Agad kong inayos ang sarili ko at nagsuot na ako ng seatbelt. "Ila Aling Chedeng ba tayo?" Dagdag ko.

He started the engine. "Nope, maiba naman tayo! Gusto kong kumain sa restaurant." Aniya at pinatakbo na niya ang sasakyan.

Nang marinig ko ang sinabi niya napatingin naman ako sa suot ko. Naka slippers, naka cargo jeans at naka  white V-neck Tshirt na may print na 'Manomeo for Governor' Ito yung Tshirt na ginamit namin nung sumali ako sa pangungumpanya. Pinilit kasi ako nun ni Nanang Ten.

Agad akong nakaramdam ng hiya. Akala ko kasi sa karenderia lang kami ni Aling Chedeng kakain kaya ganito lang ang suot ko. Mukhag mali ako.
Niyakap ko ang packbag na dala ko para matambunan ang print sa harap ng Tshirt ko.

"Hindi mo naman kasi sinabi sakin kung saan tayo pupunta. Pwede bang di nalang muna tayo mag restaurant ngayon? Nahihiya ako, e."

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now