"Miss Mendoza? Are you in or what?" Biglang nanayo ang mga balahibo ko at nanlamig at ang mas malala!! Mas bumilis ang tibok ng puso ko.
S-sino yun?
"Huy! Inday! Si Sir Junior na yung naghihintay, o." Sabay kurot sa tagiliran na sabi ni Camille.
"H-ha? O-oo. . . sasali na ako! Y-yeah. Uhm." Patay ka Maitot. Sandali! Grabi ha! Narinig ko lang ang desisyon na yun tapos na ang usapan? Nag desisyon agad?
"Good! Now, we're done. I would like all the chosen people to stay para mapag usapan natin ang i.peperform sa event." siya na ang nagsasalita. Grabi! Bakit kahit demanding na pagkasabi parang lumilitaw pa din ako sa ulap nang marinig ko ang boses niya. Woooaaah.
"Lapit daw tayo. . ." sabi sakin ni Japoy.
"Ha? U-uh. . . okay." Kako.
Andito pala siya. . . di ko man lang alam. Hmmm.
Tinignan ko siya ng palihim at laking gulat ko na nakatingin din pala siya sa akin. 'Huy! Grabi! Bakit ang gwapo? Nakapag gupit na siya ng buhok, naka ahit na din ng balbas. Sobrang anghel ng mukha. Dios ko!'
"So. . . ito naba ang lahat?" Biglang sabi niya. Sumagot naman ang iba na 'oo daw.'
"So napag usapan namin ni Kristopher ang concept na gagawin natin para sa darating na event but we would love to hear something from all of you. . . lalo na yung mga may karanasan na sa performing arts keme na yan." At ngumiti siya. 'Mahabaging Langit! Ang gwapo.' Teka nga lang. . . magka linawan nga tayo Maitot. Di naman ata ang hitsura niya ang pinunta mo dito ano!? May pag uusapan daw kasi kayo huy! Ang gaga, e. Puro pagpupuri ang nasa utak mo, e. Ang tanga, e. Yung tataa? Na miss mo no? Aminin? Self, sumagot ka. SAGOT! 'Ugh! Oo na, oo na. . . I miss him!'
"Yes? Maine? May sinasabi ka? You miss. . . what? Uhm. . . Who?" Tanong niya sakin.
"H-ha?" shocks! Nasabi ko ba yun ng malakas? My goodness!
"You said. . . uhm you miss him? " ngumisi siya. Langya! Napalakas ko talaga ata, e. Nakakahiya.
"Uh. . . w-wala po." payuko kong sabi. What the kika! Nakakahiya.
"Okay. . . so, guys? Ano any suggestions? Folkloric dance? Modern? Drama? Magsabi lang kayo. . . wag mahiya ha?" Sabi niya sa mga kasamahan namin.
Tumayo naman si Camille. Lakas talaga ng apog nitong babae'ng to. "Uh, sir? Why not ano po. . . uhm. Drama. Yung ano. . . Disney movies. Beauty and the Beast, mga sleeping beauty. Ganun po." Nagsitawanan naman kaming lahat.
"Camille! Suggestion namin,'Barney' ikaw si Barney ha? o di kaya Dora d'explorer? Hahahah" sabi ng isa sa aming kasamahan.
"🎶 Where are we going?🎶" panuksong sabi ni kuya Larry.
"Panchito Bar!" Sigaw naman naming lahat. Grabing mga trip nitong mga kasamahan namin. Halos humahabol na kami ng hininga habang si Camille naman ay mamula mula na sa inis at kahihiyan.
Nang humupa na ang tawanan namin. . . napag desisyonan na lang nila na ipagpabukas nalang muna ang meeting. Pagkatapos ulit ng trabaho kami mag mimeeting. Medyo nasiyahan na naman kami at makapagpahinga na ako.
Nakita kong sumenyas si Top kay Joyce. 'Hay! Mukhang mag isa na naman ata akong uuwi ngayon. Ibang klase din tong dalawang to, e.
Hindi ko na binigyan ng isang tingin si Chard. Baka busy siya ulit. Ugh! Basta! Bahala siya sa buhay niya!
Nang makalabas na ako sa Bar, na swertehan naman na may naka parandang jeep kaya dagli akong sumakay.
Medyo nakahinga na ako ng maayos pero biglang tumunog telepono ko.
Boss Chard:
Bumaba ka diyan.
Hahatid kita.
Received 3:24am
Kapal ha! Hatid niya mukha niya. Ngayon lang niya akong naisip? Ano to?
Wag na! Pagud kana din
Pahinga kana lang.
Sent 3:25am
Boss Chard:
Baba na kasi!
Received 3:25am
Sakit din siya sa bagang! Ang kulit.
"Hi Mai. . ." nabaling ang atensyon ko sa bumati sa akin.
"Uy, Japoy!" Nagulat ako. "Hala! Diba di dito sakayan mo?"
"Oo hehehe kailangan ko lang din bisitahin kapatid ko, e. Kaya dito rota ko." Pahayag niya.
"Ah? Buti naman. Hehehe" Kako. Binaling ko ulit attensyon ko sa telepono ko.
Boss Chard:
Bakit sumakay din diyan si Japoy?
3:26am.
Ihahatid kaba niya?
3:26am.
Huy! Bakit di ka nag rereply?
Nanliligaw ba sayo yan?
3:27am.
Maine!
3:28am.
Grabi siya. Sandali ko lang kinausap si Japoy kung ano ano nang pinagtetext nitong tukmol na to. Magrereply na sana ako sa kanya nang may nakisingit talaga sa tabi ko na umupo. 'Grabi ha! Ang luwag luwag pa doon sa unahan makikisingit talaga dito? Lasing ba to?'
Pero naamoy ko ang pamilyar na amoy. Nanlaki ang aking mata ng maalala ko kung kanina galing to. 'No way! No way!' Pinikit ko ang mga mata ko. 'Shot! Di pwede.'
"S-sir?!" Boses ni Japoy yun.
Langya! Siya nga ata talaga to.
•••
Kung ayaw makisama. Pakisamahan mo na lang. HAHAHA 😂😂
Guys, medyo #Bangag ako lately. Daming iniisip! Ahai nakaka apekto masyado sa pagsusulat. Haaay.
Ingat kayo. God bless.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
20 • Waiting
Start from the beginning
