Namangha ako. 'Wow! Grabi! Kahit nung una pinagtatawanan ko lang tong Bar nato kasi ang tanda tanda ng pangalan 'PANCHITO BAR' pero ang di ko alam gumagawa pala ito ng sariling pangalan sa buong Asia at kung papalarin malamang sa buong mundo. Ang mas nakakaganda, pati ang mga employees ay bahagi ng pagkasikat nito. Wow na wow talaga!'

"So Mai. . . gets mo na?" Ngiting sabi ni Belle sakin. Tumango naman ako.

"Pero, ano ano ang mga performances na madalas pino.perform niyo?" tanong ko sa kanila. Mas mabuti ng mas may alam diba? Kaya aalamin ko din yun.

"Klase, klase. May gumagawa ng circus, may mga nag co.comical skit, yung common. . . sayaw. Mga ganun, ganun lang"

"Aaaaah! Ang galing naman. . ." kako.

"Alam mo bang Idea lahat to ni Sir Junior? Mula nung siya ang naupo at nag manage sa Bar ay ginagawa na namin to taon taon. Diba? Ang galing?" Sabi naman ni Japoy samin. Medyo ikinatuwa ko yun. Hindi ko akalain na sa pagmumukhang yun ay makaisip pa siya ng mga ganitong bagay para sa business nila tapos hello? Sa murang eda. . . - teka! Di ko alam kung ilang taon na siya, a. Di ko din alam kung nakapagtapos na ba siya sa pag aaral? My gas! Anong klaseng manliligaw ba siya? E, hindi nga niya binibigyan ng pagkakataon ang sarili niya para ipakilala sa akin? Pambihirang buhay to, uh-oh. Pero ang mas pambihira bakit ako naiinis? Parang Affected yata ako masyado. Tsk! E, siya kasi, e. Siya sisihin niyo!

Binalik ko na lang ang atensyon ko kay Kuya Larry.

". . . Ang performance natin ngayong taon ay iba. Pipili lang tayo ng 15-20 na members na sasali. Yung pinaka 'The best' na mag pe.perform para sa big event natin and take note. . . ito ang pinaka maganda! We will be performing with Sir Kristoffer and Sir Junior. But still. . . mag gugroup pa din tayo kasi di dapat mawala yung traditional na performances natin. Yun nga lang may idagdag lang tayo para sa importanteng mga panauhin." Pangiti ngiting pahayag ni kuya Larry.

Nagsihiyawan naman ang lahat. Hala! Totoo? Sasali sa performance sina Top at Chard? Isang malaking PAANO?! Tinignan ko naman ang pinsan ko na ngayon ay humahagikhik  sa kinauupo.an niya. Mukhang may ginawa na naman itong kalokohan, e.

"Okay, okay. . . so before natin tatapusin ang meeting nato. Mag seselect na tayo ng mga tao na mag pe.perform sa big event. Any names na isusuggest niyo?"

At yun na. .  nagsitayu.an na ang mga tao at nagbigay na ng mga pangalan na sasali. Habang ako naman ay nagbibingi bingihan sa gilid. Pake ko? Taga cheer nalang ako sa gabing yan. Bago.han diba? Baka ako pa maging dahilan na baka papalpak kami. . . nah! Paniguradong pupugotan ako ng ulo ng mga kasamahan ko. Hahahaha

"Si Mai po, si Mai!" What the Kika! Anong ako? Sino bang nagsabi nun? Hinanap ko ang pinagmulan ng boses. . . kay Camille? Langyang baba'eng to!

"Huy! Huy! Wag. . . please Camille wag na." Pagsusumamo ko sa kanya. Bigla namang tumingin ang lahat sa akin. 'Nakakahiya! Shocks! Mas nakakahiya pa to kesa naka tae ka sa pants mo sa harap ng maraming tao. Char lang!

"Oo, si Mai. . . nako! Di niyo naitatanong kasali siya sa  'Performing Arts' samin doon sa probinsya." Garbong sabi ni Joyce. Isa pa to. Ginatungan talaga.

"Huy. . . couz naman, e." Mas bigla akong natakot.  Dios ko naman kasi. . .

"Sige na. . .sumali kana couz. Kasali naman kami ni Japoy, Belle at Camille, e. damay damay nato."  Galak na sabi ni Joyce sakin.

"Oo nga. . . payag kana Mai. Di kaba na kokonsensya? sagot mo na lang ang hinihintay, o? Tapos close na yung members. Sige na Mai." Pagsusumamo ni Japoy.

"Oo nga. . . Sige na ng makauwi na tayo. Sobrang pagod na pagod na ako Mai!" Sabi naman ni Belle.

Wow! Na pressure naman ako. Nakakaloka! Desisyon ko ba naman ang hihintayin? Ano ako artist. . . -

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now