Yun lang.
Wow ha? May pa ganito ganito na siya. Napangiti ako ng kunti.
"Pero, hmp! mainipin ka pa rin." idiniin ko pa rin. "Pero bakit mo pala ako ipinatawag dito?" tinanong ko siya. "Ang dami pa namang costumers doon, mas marami sana akong tip ngayong gabi. Sayang din yo. . . -"
"Pwede ko namang doblehin kung yan ang inaalala mo." binaba na niya ang kamay niya mula sa batok niya.
"Talaga? Sinabi mo yan ha?" Sabi ko sa kanya. Bahala na kung mag mukhang pera man ako basta dagdag ipon na to. La kayong pakwe! "Hmmm, bakit mo nga ako pinatawag ba?"
"Yung kondisyon. . .remember?" Nakatingin na siya sa akin ngayon.
"Ay! Oo nga. . . tama. So ano? Ano na yung kondisyones mo?" sana naman di ako pahirapan nito.
He sighed. Ayan na naman siya.
"Gusto kong mag aral ka uli."
Ano raw?
"A-ano? A-aral? A. . . ako? M-mag aaral ako?" utal kong sabi. Ikaw kaya mabigla.
Tumango siya. "Uh-ha."
"Y-yan ba yung ano. . . uhm. first condition mo?" Syempre kaklarohin ko. Baka nabingi lang ako.
"Oo nga sabi, e. Ikaw talaga may pagkabingi." okay. Ito nanaman tayo.
"Ipapa-aral mo ako? O ako lang ang gagastos? Uuwi na ba ako sa amin?" Sunod na sunod kong tanong sa kanya. Bakit ganyan ang kondisyon niya? Bakit gusto ko? Pero bakit kinakabahan pa din ako na baka papaalisin niya ako dito sa trabaho ko pero working student peg tapos yung work ko sa bahay nila. Magiging kasambahay ako, magiging hardinera. Ganon. Nako! Wag naman sana. Okay na ako dito sa trabaho ko, e.
"Ako, magpapa aral sayo."
"Sponsor? Shocks!"
Tumango ulit siya.
"Papauwi.in mo ako?"
"Hindi, may trabaho ka dito diba? Working student ka pa rin pero . . . " napatigil siya.
"Pero? Ano?"
"Pero yung sweldo mo para lang yan sayo at sa tatay mo. Mag savings kana din. Ako nabahala sa matrikula at lahat ng gastosin sa pag aaral mo."
Nananaginip ba ako? Seryoso? Sandali! Pakisabunotan mo nga ako, konsensya. Dios ko ha! Ang sarap naman nitong panaginip nato.
"We'll talk more about that pagdating sa boarding house niyo. Pwede kanang bumalik sa loob. Hihintayin kita mamaya."
"O-okay." Yun lang ang nasabi ko. Akmang bababa na sana ako nang hinawakan niya braso ko.
"Maine. . . " as always. May pahabol words na naman.
"Yes?" Nilingon ko siya.
"Wag na wag kanang lumapit sa Japoy na yun." Sabi niya.
"At bakit naman? Kaibigan ko kaya siya. Tsaka kung iniisip mo na totoo talaga ang mga sinabi ni Camille bahala ka, basta aksidente lang talaga yun."
"Kahit na. . . basta wag kanang lumapit sa kanya."
"Bakit nga? Wala namang rason para layu.an ko siya. Nakakaloka! Di porket tinutulungan mo ako at nanliligaw ka pwede mo na akong diktahan sa personal kong buhay. Kung ganyan ka lang naman pala mas mabuting wa. . . -"
"Seloso ako, okay? Sa lahat ng ugali at asal ko yan ang di ko kayang pigilan kaya please, maawa ka sakin. Kahit yan lang. . ."
"Napigilan mo kaya kanina. Wag kang OA." inirapan ko siya.
"Napigilan ko nga. . .salamat sa ibabang labi ko may napagbuntunan ako ng galit." Napangisi siya.
What the hell! Kaya ba nasugatan yang bibig niya? Dahil sa pag pipigil niya?
"Bakit mo ginawa yun. Patingin nga ng sugat?" mas nilapitan ko siya.
"Wag na. Baba kana. Okay lang ako." aniya. Ang tigas ng bagang ha!
"Patingin nga kasi! Tigas ng ulo, e."tinignan ko ng maayos ang sugat. Hindi din siya nagsalita at hinayaan na lang niya ako pero nagulat ako nang bigla siyang bumuntong hininga. 'Dios mio! Ang bango. Nakaka adik yung hininga, ha! Hoo! isa pa nga ulit. cheret!
"Mai. . . j-just go now." Seryoso niyang sabi. Dahan dahang umakyat ang aking paningin at nagkakatitigan na kami ngayon. . . nang malapitan. 'Bakit ganito? Ni di ko magawang lumayo.'
"B-bakit?" Gaga. . . nagtanong kapa.
"Kasi may isa pa akong di kayang pigilan, e. Baka tuluyan kong gawin sayo. . ." nakatingin na siya ngayon sa mga labi ko. "At di na kita mapakawalan." Dahan dahan niyang sabi.
Dios ko! Ano? Ano yun? Gorabels na! Wooaaah. Pero syempre, di ko sinabi yun. Dagli akong lumayo at inayos ang sarili.
'Yan! Ganyan lang Maitot. . . chill! Chill!'
"Umm, sige. Mauna na ako ha? S-see you later." Kako sabay bukas ng pinto ng sasakyan.
"Uh. . . Mai."
"Hmmm? Y-yes?" Nilingon ko uli siya.
"May dala akong gamit." Ngumiti siya.
Tumango lang ako at ngiti.an din siya.
•••
Hala sila! Ano ni? Ano ni.
Happy Friday to all! :) God bless us always. 😍😘
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
19 • Temperance
Start from the beginning
