19 • Temperance

Começar do início
                                        

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Chard. 'Patay!'

"S-sir. . .uhm." sige may mag explain ka. Langya! Pahamak tong Camille nato, e. Kakalbuhin ko talaga tong babaitang to. Ako na naman mapapagbuntunan ng galit ng tao'ng to mamaya.

"Enough!" sabi niya. "Maine. . ." biglang napatingin ang lahat sa kanya. Siya lang naman kasi ang tumatawag sa totoong pangalan ko. "O, coin purse mo. Naiwan mo sa sasakyan kanina." Hinagis niya at nasalo ko naman. Tuluyan na siyang tumalikod at umalis.

Napanganga naman kaming lahat. Hindi kami agad nakakilos at nakapagsalita. Pero as always, Si Camille ang bumasag sa reaksyon naming lahat.

"My gosh! My gosh! Ano na ba ang nangyayari dito? Nakakalito! My gosh talaga! Diba Japoy? Kayo ni Mai? Tapos. . . Mai? Bakit may coin purse ka sa loob ng sasakyan ni Sir Junior? Bakit ganito? Naloloka na ako sa mga ganap." Dinampot niya ang high heels na nasa sahig. "Mai. . . kukunin ko na to ha? Kanina pa ako nahihirapan sa heels mo, e. Nakakaloka! Sa'ng tyanggi mo ba yan nabili?" sabi niya na para bang wala siyang ginawang kaguluhan. 'Gaga ka! Ipopokpok ko kaya sa ulo mo yang heels mo nang mataohan ka din na nag iwan ka ng isang problema. Uuugh!'

Masama ang tingin naming lahat sa kanya. . .

"What? bakit ang sasama ng tingin niyo sakin?" Tanong niya.

"Pasalamat ka wala si Joyce dito kundi baka kalbo kana ngayon gaga ka!" Babala ni Belle.

Hindi na ako nagsalita baka kung ano pa masabi ko at mag wala siya dito sa loob.

"Okay, okay. Tama na yan. Tapos na ang 15mins. Break! Balik trabaho na tayo." Pahayag ni Kuya Larry. Nang napadaan siya kay Camille. . . "Mag uusap tayo mamaya Camille. Nakakahiya yung ginawa mo. Nambulabog ka. Pati yung bossing natin napa labas sa office niya dahil sa kagagawan mo." At tuluyan na siyang lumabas.

Buti nga sa kanya! Nakakainis talaga.
Bago ako lumabas, chineck ko muna ang phone ko. Baka nagtxt si tatay, di kasi ako nakatawa sa kanya kinagabihan nun. Baka nag alala na yun.

Nang tinignan ko. . . hindi ang txt ni tatay ang inaasahan kong umappear sa screen kundi ang txt ni Chard.

Boss Chard
Parking lot. Now.
Received 12:47am

Ano bang nakain ng taong to. Alam naman niya na may trabaho pa ako.

May work pa po ako, SIR.
Baka mapagalitan ako SIR.
Sent 12:48am

Nakakainis! Uuugh! Buti ng umiwas kesa mapag usapan.

Boss Chard
I'm the boss! Baka mas gusto mong masesanti dahil nagtrabaho ka! --,)
Received 12:48am

Ang bilis makareply. Ibang klase.

Okay Fine. BOSS! -_-
Received 12:49am

Nang sumilip ako sa labas. . . medyo busy na sila sa mga trabaho dagli akong lumabas at dumaan sa likuran para agad maka punta sa parking lot kung saan naghihintay ang tukmol.

Nang makapasok ako sa sasakyan niya, agad ko siyang nakita na nakasandal sa driver's seat, nakapikit at ang mga kamay niya ay nasa batok niya.

"Hey. . . " panimula ko. Teka! bakit may sugat siya sa bibig? Nako ha!

"Ang tagal mo." Reklamo niya sakin. Hindi pa din siya gumagalaw.

"Ipinanganak kana ba talagang mainipin?" Tanong ko sa kanya. Sobrang mainipin, e. San ba nagmana tong tao'ng to?

"Ipinanganak akong gwapo."

No Empty SpacesOnde histórias criam vida. Descubra agora