"Hala! Talaga? Nako naman. . . nakakakilig naman yung mga butiki niyo! chikahan niyo ako soon kung sinagot na ng kapitbahay na butiki ha? Shocks!" wika niya. Hindi ko alam kong nagpapraning praningan lang tong babae'ng to or sadyang may sayad lang talaga to sa isip. Matanong nga ulit kung bakit siya nakapasok dito! Nakakaloka.

"CR muna ako saglit. . . "  sabi ni Camille sabay dampot ng mga gamit niya.

Pagkalabas niya. . . humagalpak naman kami sa kakatawa ni Joyce.

The night went smoothly. Char! English. Hahaha Okay naman yung pag tatrabaho ko. May mga bago na naman akong mga naging kaibigan, may mga suki na namimigay din ng tip at mga iba't ibang klase ng kahayopan sa loob ng zoo, ay! Joke!

Hindi ko naman napansin si Chard. . . malamang umuwi o di kaya nasa office na naman yun  tumatambay ngayon. Mabuti nga kung ganun. . .para naman maka concentrate ako sa pagtatrabaho dito. Baka ma destruct lang ako pag nakikita ko pagmumukha niya.

15 mins. Break. Dagli akong nagtungo sa staff room. Sumasakit kasi yung paa ko. Malamang dahil sa suot kong high heels. Nakipag palit kasi si Camille kanina sakin dahil medyo maluwang daw sa kanya ito, pero mukhang ako yung dihado. Ang sikip sa akin, e.

Nang makarating na ako sa staff room, naabutan ko si Japoy na naka upo sa couch at umiinom ng juice.

"Hi Japs!" Bati ko sa kanya.

"Hi, o. . . bakit parang umiika ika ka diyan?" Tanong niya sakin. Habang hinuhubad ko ang suot kong high heels.

Bago pa man ako nakasagot, na out of balance na ako. "Aaaay!" Alam ko na lalagpak talaga ako sa sahig kaya pumikit nalang ako at hinintay ko na ma feel ko ang sahig, 'okay ang cliché' hahaha. Sana di mabagok ang ulo ko. Dios ko! Ayokong mapareha ang pag iisip namin  ni Camille. Nako! Mahirap kaya maging tanga! Wooah!   'pero Teka. . . bakit parang di ata ako sa sahig lumagpak?' Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.

Isang malapad na ngiti mula kay Japoy ang bumungad sa akin. Doon ko na napagtanto na na out of balance pala ako sa bandang kinauupo.an ni Japoy at siya yung nakasalo sakin. Nakakandong ako sa kanya. 'OMG!' Bago pa ako makapagsalita may tumili na sa bandang pintu.an.

"Oh My Gulay na Lanta! Japoy! Mai! Wooooaaaah!" Sigaw ni Camille.

Agad naman akong tumayo. 'My goodness! Bakit ba sa lahat na pwedeng makakita sa nangyari si Camille pa. Grabi ha!'

"Huy Camille! Kong makatili ka naman diyan." Saway ni Belle na kakarating lang din sa silid.

"Ano bang nangyayari sayo?" Bulyaw ni Kuya Larry sa kanya.

"My gosh! My gosh! Nakita ko sila. . . ang sweet! Woaaah! Sinasabi ko na nga ba may tinatago kayong relasyon, e. Tama pala yung hinala ko sayo Mai na may tinatago ka nga. . . at si Japoy pala yun!" Tuloy parin ang pagtili niya habang halos mangisay na siya sa kilig sa kinatatayu.an niya.

"Alam mo Camille ang ingay mo! Okay sana kong nag iingay ka pero sakto yung pinagsasabi mo, e. Kaso hindi. Ang nakita mo lang ang pagka kandong ko kay Japoy pero di mo alam na aksidente lang yung nangyari." dahil dito sa lintik mong sandalyas!

"What's this commotion? Ang lakas lakas ng boses niyo! Pati yung mga costumers na nasa labas nagsisitinginan na dito. Hindi ba kayo pwedeng mag usap ng mahinahon? At kailangan pa talagang magsigawan?" Isang pamilyar na boses ang narinig namin. Napatingin naman kaming lahat sa nagsasalita.

Chard. . .

"S-sir! Sorry po. Ito kasing si Camille, e. Kung ano ano lang ang pinagsasabi." Pahayag  ni Japoy.

"Oo nga. . . mali naman daw sabi ni Mai." sumigunda si Belle.

"Huy! Anong Mali! Nakita ko sa dalawa kong mga mata na kumandong tong si Mai kay Japoy! Sir, nagulat lang talaga ako sa nakita ko kaya napatili ako. Sorry sir." Pahayag din ni Camille.

No Empty SpacesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora