17 • Talk'n Txt

Start from the beginning
                                        

"Nagsalita ang halos mag iisang oras sa CR." Inirapan ko siya. Agad naman siyang tumayo.

"Tara na nga. . . " aniya. Tignan mo to. Sinusumpong na naman ng kasungitan. Inirapan ko siya at sinundan ko na siya palabas.

"Carding! Uuwi na kayo?" Tawag ni Aleng Chedeng.

"Oo po. Uuwi na po. Babalik ako dito sa susunod na araw. Magtxt ka po sakin kung may kailangan kayo ha? Wag kayong mahiya." niyakap niya ang matanda. Wow naman. May ganitong side pala tong si Cardi. . . este Chard. Napangiti ako saglit pero bigla ding nawala dahil bumalik din ulit yung kaba ko.

"Pagbalik mo dito, isama mo ulit tong si Mai ha? Ipapatikim ko sa kanya yung Menudo ko. Di mo kasi tinitikman, e. Nakakatampo. Si Mai nalang ipapatikim ko." Sabi ni Aleng Chedeng sabay tingin sa akin. "okay lang naman sayo diba iha?"

Ngumiti ako. "Opo naman! Nako! Favorite ko nga yung Menudo, e. Sige po, babalik din po ako dito soon."

"Salamat iha. Sige. . . humayo na kayo!" At magpakarami po ba? Cheret! Hahaha

Nang nasa sasakyan na kami nabalutan na naman ng sobrang katahimikan. Gusto ko na siyang tanungin kong ano ang mga pinag uusapan nila ng tatay ko kaso medyo di pa din kanais nais ang aura niya baka masigawan lang ako kaya tatahimik nalang muna ako.

Hanggang makarating kami sa labas ng boarding house. . . wala pa din siyang sinasabi sa akin.

"Wala kaba talagang sasabihin sa akin?" Habang tinatanggal ko ang seatbelt.

"Tungkol saan?" Tinignan niya ako. Gagong to. Nagka amnesia? Nabagok ba ulo nito sa unidoro Kanina?

"Tungkol sa pinag  usapan niyo ng tatay ko." Aniya.

"Ah, yun ba? Just call and ask him. Babalik ako mamaya para sabay na tayo papasok sa work. Susunduin kita. . . tapos yung first conditon ko mamaya na lang." aniya.

Hala Siya! Nakikitulog na nga kung minsan. . . may pahatid sundo pa? Bakit ba parang tinutupakan na talaga tong gagong to? Haaay.

Sumang.ayun na lang ako. . . ayoko na din kasi ng gulo at agad na lumabas sa sasakyan.

Kinatok ko yung bintana at Binaba niya yung salamin.

"Salamat sa agahan." nginiti.an ko siya. Syempre, kahit masungit yun kailangan ding pasalamatan kasi nilibre niya ako.

"Okay, welcome." Wala man lang ngiti mula sa kanyang mukha. Ahay. Tumango nalang ako at tumalikod na.

"Uh. . .Mai?" Tawang niya sakin. Medyo napangiti ako. Sabi ko na nga ba! May pahabol na salita na naman siya. . .

"Bakit?" Hinarap ko ulit siya.

"Ingat ka." Sabay pagtaas ng tinted na salamin.
Buti at tinaas niya agad kundi makikita niya ang mukha kong namumula na dahil sa . . . kilig? Shot! Kinilig ako? Di . . . di maari. Kahit sino naman pwedeng magsabi ng ganun. Hahaha
Pero first time niya akong sinabihan ng ganun, e. Wooah! Sige na nga. . . oo na. Kinilig na ako.

Pagkapasok ko sa kwarto agad kong kinuha ang telepono ko at tinawagan ang tatay ko. Dios ko! Dapat ko talagang alamin para alam ko kong anong gagawin ko. Magbabalut naba ako ng gamit? Magbobook na ako ng ticket pa uwi? Wooaah. Wag naman sana. Ahay.

"Hello? Anak? Mai!" Galak na sagot ni tatay sakin.

"Tay! Kamusta? Kamusta yung pag uusap niyo ni ano. . . yung. . . ah basta yung tumawag na lalaki sayo kanina."

"Ah, si Chard ba? Okay naman." narinig ko sa kabilang linya na humagikhik siya ng tawa.

"Tay. . . may nakakatawa po ba? Anong sinabi niya sayo tay? Okay po ba kayo sa sinabi niya? Ano po?"

"Ah. . . uh. . oo, okay naman sakin. Wala naman kasing kaso sa akin yun. Sayo? Ano sa palagay mo?"

"Tay. . . dapat mag desisyon ka din. Gusto ko ikaw din. Ayokong mangunahan kayo tay."

"Anak. . .na sayo ang desisyon na yan. Hindi naman pwede na ako ang sasagot sa kanya diba? Na sayo lang talaga yan anak. Susuportahan naman kita, e."

Teka. . . ano raw? Desiyon ko? Sasagot? Susupportahan? Teka lang ha? Magkaliwanagan nga kami nitong tatay ko. . . bakit naman niya ako susportahan e, di naman ako yung tatanggap ng tulong, tsaka siya yung magpapa dialysis. Nako naman. . . haaay!pero teka. . . susuportahan niya daw ako? Dios ko! Baka alam na niya na sa bar ako nagtatrabaho at waitress pa. So ibig sabihin nito.  . tanggap niya na? Di na niya ako pauuwi.in? Wooooah!!

"So tatay, tanggap niyo na po? Di niyo po ako pauuwi.in?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit naman kita pauuwi.in? Tsaka ano kaba! Syempre, tatanggapin ko basta ba para sa ikakasaya mo anak."

Ano raw? Ikakasaya ko? Paano? Sandali nga lang. . . bakit parang di kami nagkakaintindihan ng tatay ko dito sa telepono.

"Tay? A-ano po ba yung sinabi ni Chard sayo?" sa walang paligoy ligoy. Tinanong ko na siya.

Sa walang paligoy ligoy din. Sinagot ako ni tatay. . . "Ang sabi  niya manliligaw daw siya sayo. Nanghingi ng permiso sa akin. Ikaw naman anak. . . nabigla ako pero mukhang mabait naman yung tao sa boses pa lang kaya okay lang." humagikhik siya sa kabilang linya.

Para akong naiputan ng ibong adarna at nanigas ako na parang bato pagkarinig ko sa sinabi ni tatay.

Dios ko po!

•••

So ano nato? Hahaha Dios ko po din. Hahaha

Sorry guys, matumal update ko. Medyo na busy sa church at sa family na din kasi, e. :)
Sana nagustuhan niyo to. Loveyou all!
Ingat. God bless.

Twitter & IG : sheeshaii021
FB : Probinsyanang Manunulat

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now