17 • Talk'n Txt

Start from the beginning
                                        

"O? Talaga po. Wow naman! kaya close po kayo."

"Oo iha, siguro naman nabalitaan mo na yung sitwasyon niya sa Dad niya kaya pansin mo? Medyo mainitin ang ulo? Hehehe pasensya na ha? Napansin ko kasi kayo kanina na mukhang nag tatalo sa telepono." Dad? Sitwasyon nila ni Sir Senior? Bakit may problema ba sa kanila? Mukhang okay naman ang tatay niya, a. Siya lang ata ang may maluwang na turnilyo sa pag iisip tsaka di din to masyadong chismosa si Aleng Chedeng ano?

"P-po? Ummm. N-nakita mo pala kami kanina na nag aagawan sa telepono. Pasensya po." Kako, hmm. Hindi na ako nag tanong tungkol sa sitwasyon niya sa ama niya. Pake ko? Di ko naman siya kaano ano. Problem na niya yun. . . pero napaisip din ako, baka di siya ganito nuon noh? Baka nag change siya or what. .  pero impossible din. Ang bait ng ama niya, e. Baka sa kanya lang talaga ang may problema.

"Di mo naitatanong kasambahay at taga alaga ako ni Carding noon. Hehe pasensya na ha? Baka nagulat ka bakit Carding tawag ko sa kanya. . . yan kasi panglambing na tawag ko sa kanya. Nakasanayan lang. Nang nag asawa na ako tsaka na ako umalis sa bahay nila pero araw araw pa din ako sa kanila, stay out nga lang. Hanggang sa nag asawa ulit ang papa niya. .  hindi na ako pinabalik ng bagong asawa ng ama niya at pinalitan na ako. Alam mo ba? Hindi sa pinapalakasan ko si Chard sayo ha? Pero siya ang tumulong sakin para mabuo tong Karenderiang to. Di ko alam na nagpart time job siya noon para lang mabigyan niya kami ng puhonan ng asawa ko. Siya yung naging haligi namin sa mga panahong yun lalo na nung nawalan ng trabaho ang asawa ko dahil nagka typhoid fever siya at na hospital siya ng halos 6 months."

Nagulat ako sa pagkadaldal ni Aleng Chedeng. . . walang preno kong magsalita ano? pero mas nagulat ako sa rebelasyon niya. Talaga? Si Chard? Matulungin pala tong tukmol nato.

Nginiti.an ko siya. Hindi ko alam kong anong sasabihan ko. Na speechless ako. Pag iisipan ko uli kong i.tutuloy ko tong pagka crush ko sa kanya. May kunting kabaitan palang taglay tong si Carding ni Aleng Chedeng.

Nagkwentuhan pa kami ni Aleng Chedeng, this time tungkol na sa buhay ko. Sinabi ko sa kanya kung bakit napadpad ako dito sa kaMaynilaan. Mangiyak ngiyak naman na nakinig si Aleng Chedeng.

Matapos kong magkwento, napansin ko na di pa pala nakabalik si Chard. 'Goodness! San na ba yung gagong yun? Halos mag ba biente minutos na ako ditong naghintay, a. Baka kung ano ano na ang pinagsasabi niya kay tata. . .- Shit!' Bigla akong napatayo. Nagulat naman si Aleng Chedeng sa reaksyon ko.

"May problema ba Mai?" tanong niya sakin.

"P-po? Uh. . . wala po. Wait lang po ha? Mag C.CR lang ako. Medyo naiihi na ako, e." Sabi ko sa kanya at agad na akong nagtungo.

Habang naglakad ako papuntang CR. Grabi yung kaba ko. . . paano na to ngayon? baka ano ano na ang sinasabi niya doon! Dios ko. . . wag naman sanang mangyari ang kinakatakutan ko. Baka ipapauwi ako ni tatay pagnalaman niya na sa bar ako ng tatrabaho at hindi sa Call center. Lord please.

Sumilip ako sa CR ng mga lalaki, wala namang tao. Wala ni isa akong narinig na tao na nasasalita sa loob. Sobrang kinakabahan na ako. San na ba kasi yung gagong yun?

Dahil siguro sa kaba ko. . . na iihi tuloy ako kaya dagli akong nagtungo sa CR ng mga babae.

Pagkalabas ko. . . para akong naligo ng pawis. Ikaw kaya kabahan ng husto. Di ko na alam kung ano pa ang mga dapat kung isipin. Alam kong medyo pinangungunahan ko ang sitwasyon pero paano na lang diba? paniguradong pauuwi.in ako ng tatay ko. Ano na lang ang mangyayari sa amin doon? Huhu.

Pagkabalik ko sa table namin nandoon na siya at nakaupo. Wala na din si Aleng Chedeng. Mukhang ako na lang hinihintay niya.

"Ang tagal mo namang mag CR." Reklamo niya.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now