15 • Priorities

Depuis le début
                                        

"H-ha? uh. . . y-yeah. May point naman si Sir. O-okay, okay din yung opinion niya. . . w-wala naman akong problema dun." Kailangan kong mag agree baka kasi magkasagutan na naman kami.

"So. . . Mai, agree ka sa mga mabilisang panliligaw? yun ba ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Top.

"May manliligaw nga siyang 2 years. . . agree ba yun?" medyo natarayan ata ni Joyce si Top kaya napatingin sa kanya ang mga kasamahan namin. "A-ay . . . sorry sir. Sorry po." Pambawi niya. Kailan kaya sasabihin ng mga to ang totoo sa kasamahan namin. Haaay.

"Malay naman kasi natin kaya umabot ng two years kasi nga di pa din siya mahal ni Mai. . . sabi mo nga kanina diba? Bina busted nga ni Mai kaso pursigido lang talaga yung tao . . . ay hindi! Makapal lang talaga yung mukha niya  kaya pinagsisiksikan nalang niya ang sarili niya kay Mai kahit alam niya na wala siyang chance. . . " bwelo ulit ni Top. Bakit sila ganito? May pinaglalabanan ba tong mga to?

Naramdaman kong sumipa si Joyce sa ilalim. Malamang sinipa na niya si Top para tumigil sa kaka daldal niya kaya napangiwi ang binata.

"W-wait. . . hmmm. tanong ko lang Mai ha? baka kasi kulang sa diskarte yung manliligaw mo kaya di pasado. . . paano ba kasi ligawan ang isang Mai Mendoza?" nagulat kaming lahat sa tanong ni Japoy.

"Bakit Jap? May plano ka? Hahahaha"

"H-ha? A-ako? Wala ah. Nagtatanong lang. . . masama ba?"

"Oo nga naman! paano ba kasi dapat ligawan ang isang Maine Mendoza." Pag sang.ayon ni Chard. Woah? Curious? Bakit? May plano ka? Hahaha cheret.  Assumera kana naman Mai. Tumigil tigil ka nga.

"O, ha! si Sir Junior na ang nagtanong. . . alangan namang sabihin niyo na may plano din ang boss natin kay Mai? Hahaha guguho siguro ang mundo pag nagkataon." sambat ni Camille.

"Shut up Camille. . . alam mo kahit kailan ang epal mo talaga. Sarap mong sapakin." sabi ni Belle.

"O, kalma kalma. Magsi.uwian na nga lang tayo. Nagkaka initan na tayo ng ulo, e." Sambat ko na sa kanila sabay tayo.

"Huy! Wait. . . sagutin mo muna yung tanong ko. Walang uuwi basta di mo masagot yun." pagpigil sakin ni Japoy.

Tumawa naman silang lahat. Well, except for him. Kailan ko kaya makita tong taong to na tumatawa? Yung kita talaga ang ngala ngala.

"Fine, isa lang naman gusto ko. . . ang kausapin niya ang tatay ko at humingi ng permiso sa kanya na ligawan ako. . . yun lang! Okay na? Nasagot ko na ha? Alis muna ako ha? CR lang muna ako."

Agad akong umalis at nag tungo sa CR. Medyo kinabahan ako doon, a. Si Japoy kasi mapilit. . . tsaka bakit naman ako talaga yung naging usapan doon? Teka? Ano kaya reaksyon ni Chard? Hoo! Lakas ng kabog ng dibdib ko.

Makalipas ang ilang saglit lumabas na ako sa CR, pabalik na sana ako sa kanila pero may biglang humila sakin. . . shot!

"Wag kanang bumalik doon. Hatid na kita." Bulong niya sakin. Medyo kumalma na ako nang alam ko kung sino ang humila sakin.

"Wag na. Sabay na kami ni Joyce." Sagot ko sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya kahit magkaharap na kami.

"So. . . makiki thirdwheel ka sa kanila? Diba mas awkward yun? nag aaway sila tapos may makakarinig?"

Oo nga naman. Mukhang may pag uusapan panga yung dalawang yun. Nagkasagutan kanina, e. Wala na akong choice. . .

"Fine, kunin ko lang yung bag ko tsaka magpapaalam na. Sunod nalang ako sa parking lot."

"I got your bag. Wag kanang magpaalam baka mag presenta pa yung Japoy na ihatid ka. Lets go. . .  habang busy pa sila sa pag uusap." Hinila na niya ako palabas ng bar. Sa likuran na kami dumaan.

Ito na naman yung katangahan ko. Bakit ba hindi ako makapag 'hindi' sa taong to? Pero sabagay. . . alangan namang umuwi akong mag isa, diba? Pero kung mag presenta din si Japoy na ihatid ako. . . ano naman sa kanya yun? Hindi naman ata big deal yun pero paano kung big deal naman talaga kasi yun dahil nga concern siya sakin kasi gusto niya din ako? Ha! Gusto? Dios ko naman. . . saan ba nanggaling tong mga iniisip ko? Ugh! Nakaka inis naman uh-o.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Pambasag niya sa katahimikan. Binababay na namin ngayon ang daan pauwi.

"H-ha? Wala lang. Inaalala ko lang sina Joyce at Top." Kailan pa kaya ako gumaling sa pagsisinungaling? Hindi naman talaga ako ganito, e.

"Talaga? Hmm, hayaan mo muna yung mga yun. Magiging okay na sila mamaya. Kunting lamingan lang kailangan nun. . . "

Panatingin naman ako sa kanya. Ang kalma niya kasing magsalita. Hindi ako sanay. Madalas naman kasi sinusungitan niya ako at doon ako nasanay kaya naninibago ako sa ganito.

"Sabagay. . . sabi ko nga, nadadaan ang lahat ng bagay sa usapan." Kumento ko.

"Precisely."

Yun na yun at natahimik na naman kami ulit. Wala ni isa sa amin ang nagsalita hanggang nakatulog ako sa kinauupo.an ko.
Nang makarating na kami sa may kanto. . . ginising na niya ako at sinabihan na andito na raw kami.

"Mai, ihahatid lang kita sa gate ha? Kailangan ko kasing umuwi ngayon. May lakad ako mamaya, e. Hindi din ako nakadala ng pampalit kaya di ako makakatulog diyan ngayon."

Medyo na desmaya ako ng marinig ko yun. 'Huy! Maitot? Ano? Nasanay ka nga umuuwi siya sa boarding house niyo? Nakakaloka! May sariling bahay yung tao kaya wag kang mag expect. At ito isilsil mo sa kukuti mo na HINDI KAYO! WALANG KAYO!

Hindi na ako nagsalita at tumango na lang ako sa kanya.

"Mag lock ka ha? I guess, di uuwi yung pinsan mo ngayon. Mag ingat ka Mai." Sabi niya sakin ng makarating na kami sa harapan ng gate.

"Okay. Ikaw din. Salamat." Nginiti.an ko siya.

"Ay, Mai?" Pagpigil niya sakin. Mahilig talaga siya sa mga pahabol ano? Pansin niyo?

"Bakit Chard?"

"Can i get your tatay's phone number?"

•••
Hala! Bakit mo hinihingi Ricarding? Haha 😂😂 Cheret!

Na miss ko kayo! 😍

FB: Probinsyanang Manunulat
Twitter: sheeshaii021

No Empty SpacesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant