"Ganun nga kasi pagmagaganda Sir! Dinadayo pa nga ng iba mula sa malalayong lugar, e." Panuksong sabi ni Joyce. Kinurot ko naman siya ng mahina. She's adding the flame, e.
"Ganun ba? Akala ko ba di siya focus sa mga ganung bagay. . . bakit nagpapaligaw? tsaka 2 years? tama ba? That's what I heard the last time we had this kind of conversation. . . "
Nakisali ka lang kaya nun. Chismoso!
"Sir, as far as I know din po. . . Ika ilang beses na din binusted si Leo kaso pursigido yung tao. Hihintayin daw niya si Mai. . . ang sweet diba?" Hindi pa din tumitigil si Joyce sa kakatukso sa kanya. Habang ako tahimik lang. Tinignan ko siya. . . hindi ko maintindihan pero bakit parang umitim ang paligid ko nang magtama ang aming mga mata. Jusko ha! baka magliliyab nalang tong paligid namin dahil sa titig niya.
"Wow! 2 years Mai? Ang tyaga ha! yan ang mga klaseng lalaki na dapat piliin. Di gaya ng iba ngayon. . . tsk!" napalingo lingong sabi ni Belle.
"Oo nga. . yung iba hatid hatid lang sa bahay." Dagdag ni Camille.
"Oo, tapos makikitulog pa nga! Alam niyo yun? Parang ang hirap isipin diba? yung iba nag papakahirap manligaw tapos may iba naman minamadali ang lahat. . . tsk! mga walang kwentang lalaki talaga ang mga klaseng lalaking ganun." Sunod sunod na sabi ni Belle.
Napansin ko na medyo nagbackout yung madilim na imahe na nakikita ko sa awra ni Chard at napalitan ng medyo kalmado na may pagka inis na mukha. Teka nga lang. . . manghuhula na na ako? bakit ba may mga napapansin akong mga awra, ekspresyon mula sa kanya. Nakakaloka! Madam Auring apprentice? Jusko ha! No no way.
"May mga tao lang talagang ganun. . . " Depensa ni Top. Aba ha! Denedipensahan ang kaibagan?
"Hindi rin Sir Top. . . kung seryoso kasi ang tao sa isang babae dapat talaga nilalaanan yan ng panahon. Hindi yung dadaanin ka sa init ng ulo,pagtitripan ka para mapansin at makikitulog. . . Uh, base sa sinabi ni Belle." Sagot naman ni Joyce. Hala! Nagkasagutan na.
"Kanya kanyang diskarte yan Miss Remoroza." Mukhang may mag aaway'ng mag jowa nito mamaya, a. Ng dahil lang sa sitwasyon naming dalawa ni Chard. . . Pero diskarte? Diskarte nga ba yung ginagawa ni Chard? so kung ganon. . . Hala! Pero dapat di ako assuming. Dios ko! yung puso ko.
"Ikaw Sir Junior? anong point of interview mo?"
"Gaga! 'point of view' lang yun Camille." Pagtatama ni Joyce.
"Bumbels talaga. . . " Saway ni Belle.
"Nakakahiya ka talaga! sa harap pa ng mga boss natin." Komento ni Japoy habang sina Kuya Larry , ako at si Top ay tawa ng tawa lang. Si Chard naman may kung anong chinecheck sa phone niya. 'Sino kaya ka text niya noh? Ano kaya feeling ka text ang isang Richard.' Haaaay! ' Dream on Maitot.'
"Fine. Point of view!" inirapan niya kaming lahat. "So ano nga Sir? Share us your brain. . . "
'THOUGHTS yun Camille. Thoughts. teka nga. . .naka graduate ba talaga to sa highschool tong babae'ng to? Pambihira!
"Well, tama nga naman si Top. Iba iba lang talaga kaming mga lalaki mang diskarte. Besides, in our days today. . . its not how long we make ligaw that counts but how relationship would lasts that matters. Mapa bilis man siguro ang aksyon namin sa panliligaw. . . doon tayo magkakatalunan sa kung sino ang sasagutin at gaano kahaba ang lalakbayin ng relasyon. Tsaka Aanhin naman natin yang matagal ngang nanliligaw pero di naman natututunang mahalin ng nililigawan diba? Am I right Miss Mendoza?" Ngumiti siya sabay tingin sakin. Ito namang si Joyce panay kurot sa tagiliran ko.
Pinawisan naman agad yung kili kili ko. hoo! Bakot ba ganito ang naging topic? Tsaka bakit parang naiipit ako? Uuugh!
"Huy! Dai tinatanong ka. . . "
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
15 • Priorities
Start from the beginning
