"H-ha? Paano mo nasasabi yan? Ikaw talaga. Hahaha funny kapa rin talaga." Kako sa kanya. Bakit na naman nasali si Chard dito sa usapan? Haaay.

"O, siya. . . Sige. I need to go now. Mukhang by now ready na yun sila mommy. Alas dose yung flight namin pabalik, e." Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. "Mag iingat ka dito ha? Wag masyadong magpakapagud. In just one call away, pag nahihirapan kana magsabi ka lang ha? Tsaka mamimiss kita Mai. I love you." Napapikit ako. Nasasaktan ako para sa kanya. Bakit hindi ko kayang sukli.an ang pagmamahal niya? Tsaka Bakit ganito? Nakakapangilabot. Nang marinig ko yung mga katagang yun ang imahing lumabas sa isipan ko ay si Chard. Ang gagong yun pa! Bakit naman sa dinami rami ng pwede kong i.imagine siya pa? Bakit di si tatay? Sila nanang o di kaya si Leo nalang sana. Yung maamo niyang ngiti, yung gwapo niyang pagmumukha. Haaay!

Nang matapos kaming mag usap agad akong pumasok sa loob, nakasalubong ko sa daan papasok sa kwarto sina Joyce at Top. Akala ko kasama nila ang mukong pero mukhang wala. 'Gagong yun! Balak ba namang gawing tambayan ang kwarto namin?' Nagpaalam si Joyce na sasamahan niya si Top na mamili ng mga ewan. . . Baka mag shoshopping. Basta yun na! Alangan namang pumalag ako, syempre pumayag na ako.

Buti pa tong si Joyce. . . Nakahanap ng lalaking mamahalin siya at mamahalin din niya ng tapad, o. Haaay, ako meron nga pero di ko naman nasusukli.an ang pagmamahal niya. Tsk!

Pagkapasok ko, nakita ko agad si asungot na kinakain yung natira kong Bingo biscuit.

"Huy! Pang last ko na yan! Bakit mo inubos?!" Bulyaw ko sa kanya. Ang kapal ng mukha. Nakikitulog, nakikikain at nang uubos pa ng pagkain na di kanya. Ugh!

"Magpabili kana lang doon sa manliligaw mo!"
Akmang kakagat na naman siya nang bigla kong dinakmal ang biscuit mula sa kanyang bibig.
"Di mo deserve kainin to! Para sa mga mababait na tao lang to." Kinain ko ito ng buo.

"Wow! Nagsalita  ang mabait!" Sagot niya sakin.

"Talaga! Mabait naman talaga ako! Hello magtatagal ba yung si Leo sa panliligaw sakin kung di ako mabait? Duh!!"

"Hello? Di mo ba naisip na baka wala na siyang mapag tyatyagaan doon sa probinsya niyo kaya ikaw na lang? Duh!! Ka rin!"

"Heh! Alam mo nakakainis ka! Umalis kana kaya. . ." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ako aalis hanggang hindi ka papayag na lilipat kayo sa Pad!"

"Bakit naman ako lilipat aber? Okay naman kami dito, a. Nagulo lang nung dumating ka! Nakikitulog." Nakakainis, sige. Gusto mo ng sagutan? Pagbibigyan kita. Akala mo ha!

"Kasi sabi ko. . . Tsaka mas safe kung lilipat kayo!" Sagot niya sakin.

"Excuse me? Safe naman dito, a."

"Paano naging safe ang lintik na lugar nato? Ang daming lasinggero at mukhang manyak sa labas! Paano kung pasukan kayo dito? Ha? Unless gusto mong gapangin ka kaya ayaw mong umalis dito." Ngumiti siya ng may halong panunukso.

"Gago ka! Pinalaki ako ng mga magulang ko na may respeto sa sarili. Wag mo akong pag isipan ng masama."

"Yun naman pala! Kung ayaw mong pag.isipan ng masama. . . Pumayag kana. Libre na nga yung lahat diba?"

Napabuntong hininga ako. . .

"Ano ba Chard! Simula't sapol na nakilala kita bakit naging impyerno na ang buhay ko? Nananahimik ako, e. Bakit ba? Wala naman akong maalalang ginawa na masama sayo. Pwede bang tama na? Tama na please. Ang kulit mo na, e. Nakakainis kana! Oo, boss kita pero hanggang sa labas ba ng trabaho makikialam kana din?"

Natahimik siya. 'Buti nga. . . ' kinuha niya ang sapatos niya sa ilalim ng kama.

"Ang akin lang naman nagmamalasakit lang ako. Di ko naman alam na naaagrabyado na kita. Pasensya. Di ko lang kasi alam kung paano ako makakabawi sayo sa mga nagawa ko noon, e. Feeling ko kasi kulang yung pa dinner ko sayo. . . Tsaka nakita ko din kong paano ka tignan ng mga ka boarders mo. Safety mo lang naman inaalala ko."

'Pakeng!!! Ano raw? Shot! Bakit naging seryoso ang usapang to? Kanina, grabi yung bangayan namin tapos ngayon?  Shocks! Tapos ano raw yun ulit? Safety ko? Inaalala niya? Bakit naman may ganun? Hu my gudnuss!!! Baka. . . Pero. .di kaya. . Teka lang!'

"Alis na ako. . . Wag kang mag alala. Di na ako mang gugulo. Last na yung kagabi at kanina." Naglakad na siya patungog pintu.an. Bakit parang medyo may kirot sa dibdib ko ng sinabi niya yun?

'Hayaan mo siya Mai. . . Mabuti nga't naisipan niyang isturbo na siya. Hayaan mo na yan. Let him go. Let him go. Don't hold him back anymore! Ganon!'

"Chard!" Gaga!

Hindi siya huminto at hindi din siya lumingon.

"Chard. . .huy!" Akmang bubuksan na niya ang pinto pero hinawakan ko yung kamay niya.

'O, ngayon na nakahinto na siya? Anong plano mo? Gaga ka rin kasi. Di ka nakikinig sa isip mo! Okay na nga sana diba? Wala na sanang asungot.'

"Ano? May sasabihin kapa?"

"H-ha? Umm. Ano kasi. . . "

"Pangit ugali ko? Masama akong tao? Nakaka bwesit ako? Anak ako ni satanas? Gago? Baliw? Ano pa Mai? Sige sabihin mo! Ano pang di ko narinig mula sayo?" Sasabog ata ang puso ko sa sinabi niya. Bakit parang naawa na tuloy ako sa kanya. Tsaka sinabi ko ba yan sa kanya? Di naman, a. Sa isipan ko lang naman siya nilalait.

"Chard. . . Ummm, sorry. Di ko dapat sinabi yun. Pero ano. . . Promise, okay na, e. Ang kulit mo lang kasi akala ko ba friends na tayo? Nakakainis ka kasi. Ang strikto mo, di kita naiintindihan tapos minsan ano. . . BAKIT BA NAGKABUHOL BUHOL na tong mga pinagsasabi ko! Samoka nimo oi!" Kayo kaya kabahan sa harapan ng taong crush mo? Tapos nakatitig pa sayo.

"Okay lang. Kasalanan ko naman talaga lahat. Pasensya." Lalabas na sana siya nang muli ko siyang pinigilan. 'Huy! Bakit mo pinipigilan yung tao? Gaga ka talaga!'

"Wag. . . I mean ano. . . Yeah, sige na nga. Pag iisipan ko yung lipat bahay na suggestion niyo."

"Kahit wag na. . . "

"Pag iisapan nga diba? Nakakainis kana man, e."

Humugot siya ng hininga. Bago nagsalita.

"Talaga ba?"

"Oo nga sabi, e."

"Talagang talaga? Pag iisipan mo?"

"Oo nga sabi, e. Nakakainis to." inirapan ko siya.

"Tapos papatulugin mo ulit ako sa bagong pad niyo?" Masigla niyang sabi. Teka lang ha! Bakit nasa ganitong usapan na naman to?

"Huy! Teka lang naman. . . Di porket ico.consider ko yung offer niyo dahil libre pwede kanang makitulog."

"Naaaah!" Napanguso siya. Bwesit nato! Parang bata. Nakakainis!

"RICHARD!"

"Wow, full name. Hahahaha if I know, gusto mo din naman akong kayakap ulit!"

"Shut up! Bwesit ka! Lumayas kana nga. . ." Hinampas ko siya sa braso. 'Tigas te! Jusko!'

"Oo na, oo na. Aalis na ako. Pero pwede humingi ng ano. . ."

"Bingo? Wala na ubos na. . ."

"Hindi naman yun ,e."

"E, ano?"

"Yakap! Please?" Shot! Wala na sasabog na ata talaga ako, e. Ano ba! Bakit ba. . . ' And i found myself hugging him.

Ang sarap naman. Can I just stay here? Like this? In his arms? Forever? Haaay!

Di ko alam kung bakit buuuntaryong gumagalaw ang katawan ko pag sa kanya na? Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako, hindi ko din alam kung anong saloobin niya. . . Basta isa lang alam ko, kahit gaano ako kainis, kagalit at nakukulitan sa kanya. . . Isang malumong tingin at dampi lang ng parte ng katawan namin. . . Lahat ng yun nawawala at napapalitan ng ligaya. . . Kaligayahang sigurong panandali.an lamang.

Richard Faulkerson Jr. Anak ni. . . Nang tatay mo! Ano bang ginawa mo sakin at bakit ako nagkakaganito sayo? Hayop ka! Ugh!

•••
FB: Probinsyanang Manunulat
Twitter: sheeshaii021

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now