"Ah? So, anong ginagawa ng isang boss sa loob ng boarding house  ng kanyang empleyado? Sa ganito kaagang oras? Na nakapambahay lang?" Sabay bitaw ng kamay niya.

"O, I. . . -"

"Lei, labas tayo? Sabi ko naman kasi sayo na mainit dito. Doon na tayo mag usap sa labas o di kaya mamasyal tayo. Gusto mo ba yun?" Agad na singit ko. Jusko! Di niya pwedeng malaman ang mga ito. Baka magsumbong kay tatay at ipapauwi pa ako. Nah!

"Oo nga. . . Medyo mainit! T-tama, labas muna kayo." Dagdag naman ni Joyce.

Tumango lang si Leo at nagtungo sa may pintu.an para mag suot ng sapatos. Hindi man lang siya nagpaalam sa tatlo at agad na lumabas.

"Lei, pasensya na kanina ha? Ano kasi. . . Uhm yung boyfriend ni Joyce na si Top at ano yung Boss ko magka collab sa trabaho. Kaya sila nandito kasi ano. . . Umm. . .-

"Mai, alam ko."

"H-ha? Anong alam mo?" Bigla akong kinabahan. Anong alam niya tsaka baka yung alam niya mali. Dios mio.

"Na gusto ka nung boss mo." Gustong malaglag ng panga ko sa sinabi niya. Sana di kasing pula ng kamatis tung mga pisngi ko. Nah! Baka mahalata na kinilig ako. Hay nako! Napalingo lingo nalang  ako at napatawa.

"Hahaha ikaw talaga, iba iba yung mga naiisip mo. Nag ano lang kami doon. . . Ummm, m-meeting. Yes! Tama! Oo, nag meeting nga kami kaya nandun sila. Pero teka nga. . . Bakit ba siya pinag uusapan natin hahaha di naman yun importante, e. Ikaw tong dapat tanungin ko may pa surprise visit kapa ha!"

Buti na lang at parang nagbago yung tingin niya sakin. Mula sa seryoso hanggang sa may kunting ngiti na ngayon. . . "Ano kasi. . . Ummm, may meeting si mommy sa kanyang livelihood projects tapos isa sa kanyag sponsor kararating lang mula sa ibang bansa, she was asked to meet her kasi kanina kaya ito sumama na din ako. . . Para mabisita na din kita. Di ka kasi ng message sakin mula nung pag alis mo, e. Sa tatay mo na nga lang ako nangangamusta at nakikibalita, e." Aniya. Medyo nakitaan ko siya ng kunting tampo sa akin.

"Pasensya na ha? medyo busy at focus lang talaga ako sa pag ta trabaho ngayon Lei."

"Naiintindihan ko naman yun Mai. Ahay, bakit ba kasi ayaw mong tanggapin yung tulong ko edi sana nandun kapa sa probinsya ngayon, Inaalagaan mo na lang yung tatay mo at hindi kana naghihirap sa pagtatrabaho dito."

"Leo, napag usapan na natin to diba? Please wag ng paulit ulit." Kako.

"Aw, sorry. Nga pala. . . Di ako magtatagal ngayon pero not so soon babalikan kita dito ha? Date naman tayo."

"Leo. . . "

"Alam ko Mai, alam na alam ko. Just ummm, a short break from work. Ganun lang! Im not pressuring you. Sabi ko nga diba? Maghihintay ako sayo hanggang ready kana. Just don't tell me to stop kasi hinding hindi talaga kita susuku.an hanggang hindi ka magiging akin." As always, hindi na ako magtataka kung sasabihin niya yun. Pursugido talaga siya, e. Kaso di ko alam kung bakit hinding hindi ko talaga siya magawang gustuhin. Mabait naman siya. . .tsaka ano. . Gwapo din pero di kasing gwapo nung asungot sa loob. Ahay.

"Salamat sayo Leo ha? Di ko talaga akalain na may lalaki pang ganito ka pursigido sa panunuyo ng babae. Na aapreciate ko naman lahat Lei, kaso ano. . . Ummm, di pa talaga ako handa, e. Alam mo naman na si tatay pa yung focus ko ngayon diba? Pasensya talaga ha? Pero hindi ko rin babawi.in yung sinabi ko ha? Pag di mo na kayang humawak bumitaw kana lang." Nginiti.an ko siya at ngumiti din siya sakin.

"Tatandaan ko yun Mai, pero sa ngayon. . . Kayang kaya ko pa naman at sisiguraduhin kong kakayanin ko pa ang lahat kahit maging kabangga ko pa yang boss mo!"

No Empty SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon