Tahimik lang kaming dalawa. . . Hanggang may inabot siyang paper bag galing sa kanyang gilid. "Oh, sana magustuhan mo." Wika niya pero seryoso pa rin ang mukha niya at naka focus pa din sa daan.
"Ano to?" Kako habang sinisilip silip ko ang laman nito.
"Pasalubong." Medyo ngumisi siya, nakita ko yun. Biglang lumundag ang puso ko, pero syempre joke yun.
"Ano to . . ." Tinanggal ko ang pandikit sa paper bag at sinilip ko ang laman ng bag. 'Nyemas! Lotion? Perfume? Keychain? Galing Dubai?' Ano ba naman tong lalaking to. Ang typical kung mag regalo. Siguro nababatukan to ng m girlfriend niya dahil sa ka. . . - ay sandali, san na yung kasama niyang babae'ng makinis kanina pero mas makinis ako. Hala!
"W-wait. . . S-san yung ano. . . Girlfriend mo oi! Baka magalit yun na may iba kang sinakay dito sa sasakyan mo."
Ngumisi siya. "Sinong girlfriend?" Biglang tanong niya sakin.
Mag mamaang maangan kapa ha. . . Akala mo ma uuto mo ako, pwes hindi! Ulol!
"Yung babae'ng parang linta kung makapulupot ng kamay sa braso mo na akala naman kagandahan di naman, akala makinis di naman! Ibaba mo na ako dito. Maglalakad na lang ako." Pinindot ko ang buton para bumukas pero di ito bumubukas. "Huy! Pababa.in mo ako! Magagalit yung girlfriend mo sakin."
Bigla siyang tumawa. Tumawa siya ng tumawa sa loob ng sasakyan.
"Ano namang nakakatawa?" Tinanong ko siya. Nakaka inis ha. Seryoso ako dito pero tawa siya ng tawa.
"K-kasi hahahahaha grabi ka sa kanya. Isusumbong kita sinabihan mo siya ng linta. Hahahaha" aniya, bwesit tong taong to. Nakainom ba to? Inamoy amoy ko pa siya. Hindi naman.
"Makaalis na nga. . ." Akmang lalabas na ako ng kotse ng mapansin ko ang paligid. Nasa harapan kami ng isag malakung kahoy, balete nga ata to eh. Tsaka ang dilim dilim sa daan. Sinarado ko uli ang pinto at umayos sa pagkaka upo na nakabusangot pa din ang mukha ko.
"Oh ano? Akala ko ba aalis kana. . . " aniya, nakangiti pa din.
"Wag na! Doon nalang sa ano. . . Sa may. . Basta! I.uwi mo na nga lang ako." Inis kong sabi sa kanya.
"Okay, sabi mo, e." Ngumiti siya at pinaandar ulit ang sasakyan.
Makalipas ang ilang saglit. . . Nakarating na kami sa boarding house. Pinatay niya ang makina ng sasakyan at nag inat inat siya. Halata sa mukha niya ang pagkapagud at medyo inaantok na ata siya. 'Kailangan na niyang umuwi para makapagpahinga. Kasi naman kasi. . . Pabida masyado! Bakit may pahatid hatid pa.'
"Aalis na ako, mag ingat ka. Salamat dito sa pasalubong mo." Sabi ko sa kanya. Nang akmang bababa na ako pinigilan niya ako gamit ang isa niyang kamay.
"Mai. . . " biglang nanindig ang mga balahibo ko.
"Ano na naman?" Tinarayan ko siya.
"Hindi ko girlfriend si Ann tsaka pwede ba wag kang basta basta magpakarga sa iba. Nakakainis ha!" Biglang umiba ang awra niya.
"Ano naman sayo kung magpapakarga ako? Denemo lang yun ni Japoy samin kasi nga may kinarga siyang lasing kanina."
"Wag nga sabi eh. Ayaw kong may humawak sayo na ibang lalaki maliban sa akin. . . " teka, ano raw?
"Bakit may exemption? Ikaw nga kanina ang saya saya mo nung nakapulupot sayo yung babae. So ikaw pwede humawak hawak ng kahit kanino pero ako hindi? Ang kapal ha!" Medyo tumaas na din yung boses ko.
"Wait. . . Are we fighting?" Napa isip ako. 'Oo nga, are we? Tsaka bakit naman mag aaway kami ng dahil sa may humahawak hawak samin? Ugh!
"We're not, wala naman kas tayong ugnayan para pag awayan yang mga bagay na yan. bye. Goodnight." Lumabas na ako sa sasakyan. Nang bigla kong narinig ang pagsarado ng pintu.an at lumabas siya mula dito bitbit ang isang bag na di naman kalakihan.
"Oh? Bakit ka bumaba?" Tinarayan ko ulit siya pero parang biglang tumalon ang puso ko nang marinig ko ang sinabi niya. . .
"Dito ako makikitulog! Namiss ko yung kama mo eh. Tsaka don't worry nagdala ako ng sarili kong toiletries at damit. Di ako mang aabala!"
Hindi ko alam kung anong nakapasok sa isip ko kung bakit tumango lang ako sa kanya at napangiti ng kunti. Patay talaga ako ni tatay nito. . . Pero eh sa na miss ko din siy. . . - shot! Shot! Na miss ko? Siya? Ugh! Katapusan ko na talaga ata. Hay!
•••
Hala! Hala! Grabi! So pano na to? #MaiChard may chance naba kaya? Hehehe
Hi guys! Sorry medyo busy lang talaga lately eh. Sobrang daming projects. Grabi! Sakit sa bangs! Tsk. Pero sana nagustuhan niyo po ito gaya ng pagkagusto niyo po sa DTBY. WOOOOAH! 😂😂
Ingat po kayo, God bless.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
11 • Sulyap
Start from the beginning
