"Sorry sa diturbo. Uhm, lalabas na ako. Pasensya talaga." Kako, sabay ngiti sa kanila.
"Maine. . ." Aniya, ramdam ko na nag aalala siya at natakot din.
Para hindi maintihan ni Sir Kristoffer, nagsalita ako sa dialekto namin.
"Daghan kaayo kag iingon sa akoa unya, lingkuran tana. Gusto nako mabal.an ng tanan! Wala ko masuko nimo, medyo nagmahay lang ko kay ing.ani naman diay ang gakahitabo wala man lang ko kabalo."
Translation:
"Marami kang sasabihin sakin mamaya, mukhang kailangan natin ng marami raming oras niyan. Gusto ko malaman ang lahat lahat. Hindi ako galit medyo nagtatampo lang ako dahil may ganito na palang nangyayari at wala man lang aking kamalaymalay."
Tumango lang si Joyce at nag sorry sakin. Medyo nagtatampo talaga ako kasi nag promise kami sa isa't isa na di muna i.susurrender ang bayong sa itak pag di pa kami ikinakasal pero mukhang wala na eh. Nabigay na nga ata!
Lumabas ako na parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Dagdagan pa nung Chard na nahagip ng tingin ko na nagtatawanan kasama pa yung babae'ng yun. 'Ugh! Nakaka inis na talaga. Wala na bang igaganda tong gabi to?' Pumadyak ako at bumalik na ulit sa trabaho.
Tiniis ko ang buong mag damag na may halong bigat at puot sa dibdib ko. Nang matapos na ang oras ng trabaho agad kong inayos ang aking mga gamit, hinanap ko si Joyce pero mukhang kasama niya ata si Sir Kristoffer kaya hinayaan ko na lang. Uuwi na lang akong mag isa nito.
Nang nasa labas na kami ng mga kasamahan, medyo naging okay na ang mood ko. Nakikipag biro.an na ako kasama sila. Pabirong kakargahin ako ni Japoy gaya nung ginawa daw niya sa lasing na lalaki kanina, Tatawa tawa na ako nang biglang may humintong pamilyar sasakyan sa harapan namin. Medyo kinabahan ako. Wow, assumera noh? Pasasakayin ka te? Nangarap kana naman.
Bumaba ang salamin sa bintana ng sasakyan at nakita naming ang seryosong mukha ni Chard sabay sabi. . . "Sakay!"
Tumili naman si Camilled. "Guys! Pasasakayin daw ako ni Sir! My goodness! O my goodness!"
"Hindi ikaw, Si Maine!" Medyo tumaas na yung boses niya. Natigilan naman kaming lahat. Parang niglang nagsi.akyatan ang mga dugo ko sa ulo.
"Ay! Akala ko ako." Desmayadong sabi ni Camille.
"Bakit naman ako sasakay ?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Because I said so." Aniya. Medyo may halong inis na rin.
"Huy! Because he said so daw oi!" Wika ni Japoy.
"Oo nga, sakay na Mai." Sambat ni Belle.
"Kung ayaw mo, ako na lang." Sabi naman ni Camille. Aakmang bubuksan niya ang pintu.an ng sasakyan nang hinawakan ko ang pulsuhan niya at tinabig ko siya sa gilid para makapasok sa loob sasakyan.
"Sasakay naman pala daming keme." Rinig kong sabib ni Camille.
Kinawayan ko ang mga kaibigan ko na ngayon ay ngingiti ngiti. "Pag ako di nakapasok bukas alam niyo na kung sino ang suspek ng pagkawala ko ha?" Sarkastiko kong sabi sa kanila. Tumawa lang silang lahat, halatang kinikilig maliban kay Camille na nag iinarte, ikaw kaya mapahiya. Hahahaha
Umupo na ako ng maayos.
"Mag seatbelt ka." Aniya habang nakatutuk pa din ang tingin sa daan. Ginawa ko naman ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
11 • Sulyap
Magsimula sa umpisa
