11 • Sulyap

Depuis le début
                                        

"Hi Mai! Hehehe heto na namin kami! Buti at ikaw ng dala ng mga orders namin." Sabi ng isang babae.

"Oo nga, ikaw kaya favorite waitress namin dito." Sambat naman ng isa.

"Oo, ang gaan lang kasi ng aura mo Mai. Alam mo ba yun parang nakaka good vibes ka agad dahil sa maganda at maamo mung mukha. Pati na din yang mga ngiti mo kaya nahuhumaling kam. . . - hala! Is that Kuya Chard? Huy! Mga insan! Kuya is here. . . "

Bigla akong natigilan. 'Ano raw?' Biglang nangilabot ang balahibo ko sa batok. 'Andito na siya, tsaka p-pinsan niyang mga to?'

"Kakabalik lang niyan. Galing Dubai, siya yung pinadala ni Tito doon sa isang World Summit kakemehancheche." Sambat ng isang babae.

"Ang ganda pala doon sa world summit na yun noh? Pagkauwi may bitbit kanang chiks!" Malukong tugon ng isang lalaki mula sa kanila.

May kung anong kumislot sa bandang dibdib ko nang marinig ko ang sinabi nung lalaking yun. Lumingon ako sa pinagtitinginan nilang deriksyon at nakita ko nga ang lalaking  matagal tagal ng hinahanap ng paningin ko pero mas nahagip ng paningin ko ang babaeng nakapulupot sa kanyang braso.

'Chiks nga!' Tinignan ko ang babae na nakahawak sa kanya. Ang kinis kinis ng balat at ang puti puti. 'Pero huy ha!! Ganun din naman tong kutis ko. Mas . . .uhm maputi panga ata at mas makinis, e.' Pinasadahan ko siya ng tingin sa mukha. . . ' kung maganda ba siya? Pwes . . . Matalino ata siya base sa mukha niya. Pero kung maganda ba talaga siya? Hmmm, mukhang may kunting kabaitan naman siguro itong taglay! Hahahaha na o.offend ako para sa kanya. Hahaha ay! Jusmio, kailan ba ako naging ganito? Nananaway ng kapwa tao? Bad ka self, bad ka.

"Kuya! Kuya!" Tawag ng isa sa mga nasa mesa.

'Nako! Baka pupunta siya sa deriksyon namin. Wait, dadali.an ko na tong ginagawa ko.' Inilagay ko ang mga mamahaling inumin sa kanilang mesa pati na ang mga pagkain na inorder nila. Medyo tensyonado na ako kasi feeling ko talaga papunta na sila dito. Nang matapos ko na lahat ng ginawa ko agad akong tumayo mula sa pagkakayuko at nag paalam sa kanilang lima.

"Guys, una na ako ha? Marami pa kasing naghihintay sa ibang table, e." Wow! Ikaw lang ang waitress dito?

"Aalis kana ate?" Guni guni ko lang ba o dahil sa nakatamang ilaw sa kanyang mga mukhakaya bigla siyang nalungkot ng sinabi ko yun.

"Oo, e. Sa susunod na lang tayo mag chikahan ha? Bye. Bye guys! Drink moderately!" Kako habang paatras na ako at dali daling nag punta sa staff room.

Hoo! Muntikan na yun ah. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil parang nangingisay na talaga ang puso ko dahil sa kaba at mukhang gusto ng kumawala dahil sa takot. Nang pinikit ko ang aking mata para pakalmahin ang sarili ko ang una talagang sumagi sa isip ko ang naka angkla na babae sa braso ni Chard.

Agad akong dumilat. 'Huy! Bakit mo yun ini.imagine? High kaba? Gaga! Ano naman ngayon kung may girlfriend siya? Bakit parang affected ka? Ha?' Tanong ng isang bahagi ng isip ko.

'Kasi nga. . . Tama si Joyce may gusto ka doon sa amo mong tisoy! Gaga!' Sinabunotan ko ang sarili ko. Nakaka inis, kung ano ano nalang ang naiisip ko.

"Huy Mai! Okay ka lang?" Di ko pansin na andito pala si. . . Hala! Si sir Kristoffer. Pero bakit andito siya sa staff room? Siya kasi yung ka collab ni Chard na namamahala sa business nila.

Hindi nagla-on lumabas din si Joyce galing sa bandang likuran na inaayos ang saya niya. "Beb paki ayos nga tong saya ko, ikaw kasi eh ang nau. . . - " natigilan siya ng makita niya akong nakatayo sa bandang pintu.an.

"M-Mai?" Nagulat siya. "C-couz. . . Uhm, ano ka-kasi ano. . ." Utal niyang sabi.

Ako din naman medyo nagulat din. Kasi si Joyce nato, e. Sa pagkakaalam ko pihikan to sa mga lalaki. Oo, marami siyang crush pero hindi ko makapaniwala na ganito ng madadatnan ko sa kanya pero ano. . . Hindi naman ako sobrang nagalit, kunti lang siguro. Medyo nagulat lang talaga ako tsaka nasayangan.

No Empty SpacesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant