"Wala naman talaga kasing nangya . . . -"
"Sandali, binigay mo ba ng kusa? Nag gamit ba kayo ng proteksyon.? Nako Mai. . ." palakad lakad siya sa maliit na spasyo sa harapan ko. "A-ako wala akong problema kung ano. . . yan, ganyan na may nangyari na. . . kasi malaki kana man na. May sarili kanang pag iisip pero sana nag gamit kayo ng proteksyon para naman makasiguro tayo. . . okay ka lang ba? Magsalita ka naman Mai! Mapapatay ako ng pamilya natin sa probinsya."
"Paano ako magsasalita, eh ikaw nagdadaldaldal diyaan. Patapusin mo muna kasi ako. . . " inirapan ko siya. Nakaka inis na kasi. Kung ano ano ng pinag sasasabi.
Sinabi ko sa kanya lahat ng lahat. . . walang labis, walang kulang. Buti na lang at naniwala tong loka loka kong pinsan dahil kung si Camille yung nakakita sa amin? Nako! Malamang, abot hanggang next galaxy ang aabutan ng maling chismis na to.
"So. . . paano to? Alangan namang gisingin natin yan?"
"Malamang! Saan mo ako ipapatulog?"
"Huy wag! Baka magalit yan. Tabihan mo na lang. . . " ngumiti siya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. 'Loka lokang to.'
"Di, joke lang kasi. Tabi nalang tayo. Maliliit naman tayo pareho." Yaya niya. Alangan namang mag inarte pa ako. Tumabi ako sa kanya at natulog na kami. . .
•
Nagising ako dahil sa ingay ni Joyce. . . Kausap niya si Chard. Mukhang pinagtitripan siya ng pinsan ko. Mabuti nga sa kanya!
"Joyce. . .its not what you think!" Rinig na rinig ko ang pahayag ni Chard sa pinsan ko. Mukhang nahihirapan din siyang mag explain sa bintang ni Joyce sa kanya.
Iba din tong mang trip si Joyce eh. Magaling kaya tong umacting! Kasali siya nuon sa Drama Club nung Highschool pa kami kaya expert to sa pag dadrama.
"So ano yung nakita ko kanina pagka uwi ko? Fake yun? Ha? Naka tapis lang ng tuwalya yung pinsan ko. . . Hubo't hubad Sir. . . At kakasuot lang niya ng floral na panty habang ikaw nakatihaya diyan sa kama, tulog!" Mukhang iiyak na si Drama queen kasi nanginginig na yung boses. Galing talaga! Pero grabi ha! Ang OA! Di naman kasi dapat pang ilathala yung pagka hubo't hubad ko, lalo na yung panty na floral. Bwesit tong babae'ng to.
"S-she's w-what? Na. . .-naked?" Utal na tanong ni Rj.
"Oo, hubo't hubad. . . Kawawa naman ang pinsan ko. Na virginize na kagabi. . . Huhuhu paano na lang future niya." May halong lungkot niyang pagkasabi.
Gaga tong babaitang to! Sasakalin talaga kita mamaya.
"Are you crazy? Wala akong maalala na may nangyari samin diyan sa p-pinsan mo! T-tsaka. . . B-baka naligo siya kanin. . . - Oo, T-tama! Nag C.R siya kanina. N-naligo ata. . . "
"Naligo? Bakit alam mo? Siguro matapos niyong ginawa yun pinaligo mo si. . . -"
"Osh. . . Shut up! For heaven's sake. . . Mag hunos dili ka sa mga pinagsasasabi mo. Hindi ko papatulan yang pinsan mo noh! Kung may nangyari man samin b-baka ano. . . Siya ang gumalaw sakin."
Ang kapal naman ng pagmumukha nito. Ako? Ako? Gagalaw sa kanya? Yuck! Over my super hot, deadly, sexy body.
"Wag na kayong mag maang maangan! Bistado na kayo! Tatawagan ko ang tatay ni Mai! Isusumbong kita pinagsamantalahan mo ang ka inosentehan ng pinsan ko Sir. Panagutan mo ang pinsan ko. . ."
Gumalaw ako, gusto ko kasing makita yung reaksyon niya. Binuka ko ng kaunti ang mata ko. . .
Akmang parang ida.dial ni Joyce ang numero ng tatay ko nang tumayo si Rj at pilit niyang inaagaw ang telepono na hawak ni Joyce. . .
"Give me that! Don't call him. H-hindi ako handa. . . K-kung totoo man yang sinasabi mo.. Na malakas naman ang kutob ko at 60% sure ako na wala talagang nangyari samin." Napahugot siya ng malalim na hininga.
Tinignan siya ni Joyce ng masama. Ang galing talaga nitong bruhang to.
"P-panagutan ko naman! Ju...just don't call him!"
"Talaga? papanagutan mo pinsan ko?" Medyo huminahon na ang boses ni Joyce.
"Oo nga sabi eh. . . " medyo may inis niyang sabi.
"Ay, galit?"
"Hindi naman. . . Ang kulit mo kasi. . . " sabay pahid niya ng pawis. Hahaha pinagpapawisan din pala ang anak ni s ano? Hahaha
"So. . . Last na lang. . . Papanagutan mo?"
"Opo. Papanagutan ko po." Mahinahon niyang sabi.
"Okay! O Mai, rinig mo yun ha? Papanagutan ka naman daw, sa sunsunod gawin mo na yung balak mo. Hahaha tsaka, Gising na. Wag ka ng patulog tulog diyan. Hahahaha" tatawa tawang sabi ni Joyce.
Napatingin naman sa akin si Chard.
"What the hell! Ano to?!" Tanong ni Chard.
Ngumiti ako bago ko binuka ang aking mga mata.
Yung mukha na may halong kaba, inis, galit at pagkalito ang bumungad sa akin.
"Gotcha!!!! Hahahahahaha" agad akong bumangod at humagalpak na sa kakatawa. Tumatawa na din si Joyce ngayon.
Nakita ko sa pagmumukha ni Chard ang galit. . . Puro galit na lang ang naiwang ekspresyon sa mukha niya.
"So you think this is funny?" So gets na niya. Ang cute ng mukha niyang pikon pero medyo nakakatakot.
Maluha luha na ako sa kakatawa habang si Joyce naman ay medyo di na tumatawa dahil sa narinig niyang sabi ni Chard.
"Sige. . . Tumawa ka lang ng tumawa. Ang saya noh? Nakasakit ka ng tao. Tsk pero siguro karma din to sa mga ginawa ko sayo noon, noh?"
Tumatawa pa din ako habang tumatango sa sinabi niya.
"Then fuck off!" Agad niyang kinuha ang sapatos niya mula sa ilalim ng kama ko at lumabas sa kwarto. Hindi pa siya nakuntento, sinarado niya ng malakas ang pinto dahilan ng pagkalaglag ng nakasabit na room decor namin mula sa ding ding.
"Mai. . . Patay tayo!" First time kong nakitang maputla pa si Joyce sa isang bondpaper.
I sighed. "Patay nga ata. . . "
•••
Oh my! 😱😱 patay talaga!
Guys! Mamaya na!
DESTINED TO BE YOURS 😍😍
excited na ako. Kayo ba?
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
10 • Hello Sleep
Start from the beginning
