"Ikaw talaga sir! Mapagbiro ka." Tawang tawa naman si Joyce sa sinabi ni Chard. 'Ang korni kaya nun! Bakit Tawang tawa siya? Haha okay, tatawa nalang din ako mahirap na baka bawasan sweldo ko. Hahahaha

"Di Sir. . . ito kasing si Belle nagka problema sa love life. Nahuli kasi niyang may ka chat yung boypren niya sa messenger. Nagka 'ilabyuhan at missyuhan' na. . . ang sabi BFF lang daw ni guy pero itong amega namin nagdududa pa din. Binantaan siya ni boypren na hihiwalayan siya pag hindi daw siya titigil sa kakaduda at kakaselos." Sabi ni Japoy sa kanya.

"Teka lang. . ." pigil na tawa na sabi ni Joyce. "Bakit nung kwenento mo Japoy hindi na umabot sa 5mins pero si Camille kanina halos mag iisang oras na?" At bumuga na talaga siya ng malakas na tawa.

Natawa na din kami. . . oo nga! Dami kasing segue eh. Ini.insert pa yung lablyb niya. Hahaha na siya lang naman nakakaalam na boypren na pala niya yun. Hahaha ang lalaki daw di niya pa alam na sila na ni Camille. Nakakaloka tong babae'ng to.

"Ah. . . yan pala pinag usapan niyo."
"So sir. . . kung ikaw ang nasa katayu.an ni Belle anong gagawin niyo po?" Tanong ni Joyce sa kanya.

"Ako? Hahahaha bi? Sige. Kong ako nasakatayu.an mo Belle? Hihiwalayan ko siya." Seryoso niyang sabi.

Hala! Agad agad? Grabi siya.

"Sabi na sayo Belle eh. . ." sambat ni Camille.

"Yes girl . . . hiwalayan mo na." Sabi naman ni Joyce.

"Words from Boss na yan ha? Tsaka lalaki kami Belle alam namin yang galawang mga ganyan." Wika ni Japoy.

Hindi maari ito. Ayaw ko namang pagsisihan ni Belle ang maging desisyon niya. Bakit di nalang kaya sila mag usap muna ng maayos at masinsinan?

"Hep hep hep! Wag niyong pangunahan si Belle! Hanggang advice lang tayo mga Ka Panch." Umintra na talaga ako. "Syempre di naman pwedeng agad agad desisyonan ni Belle yun. Let her think first. . . tsaka kailangan pa nilang mag usap ng masinsinan baka may deeper explanation naman si boyfriend. Usap lang muna wag agad sunggap sa hiwalayan. Sayang yung mga panahong pinagsamahan niyo." Dagdag ko.

Tahimik silang lahat sa sinabi ko. 'Yeah! Ganyan lang dapat. Tahimik. Tama ako diba? Diba?'

"Now the 21 years old has spoken. Tell me nga. . . anong alam mo sa lovelife Miss Mendoza?" Seryosong tanong ni Chard sa akin. Ramdam ko na yung mga kaibigan namin ay palipat lipat ng tingin saming dalawa. "O no, let me rephrase that. . . are you in a relationship right now? Kung makapagsalita para kang expert na expert ah."

Langya! Bakit napadpad sa akin yung usapan? Kay Belle lang tayo huy! Wag kang ano.

Hindi ako makapagsalita. . . matapos kong sabihin ang mga katagang yun parang nahiya na ako. Ano ba naman kasi ang alam ko sa pag ibig? Wala pa naman akong experience.

"See? Mukhang wala kapang experience pero kung makapagsalita ka parang kanang 'pro.' Ngumisi siya. "Miss Mendoza. . . kaya namin sinabi sa kanya yun para di na siya masaktan. Its better to end it than to let her feel the pain over and over again." Aniya. Mukhang mas expert nga siya. Eh di, siya na.

"Pero. . . sir,mawalang galang na po ha? May point din naman si Mai. Malay natin BFF lang talaga nia Roj yung babae. Tsaka sa relasyon po nadadaan naman ang lahat sa usapan." Sambat ni Joyce. 'Feeling ko talaga mayayakap ko ng mahigpit mamaya ang pinsan kong to.'

"Tsaka guys. . . wag nating husgahan si Mai iniisip lang niya ang kabilang side." Nginiti.an niya ang mga kasamahan namin. "Siguro nga unexperience pa siya pero may iniwang manliligaw to doon sa probinsya. Hahaha nanliligaw for 2 years na. Oh diba? Hahahaha ang taray!"

"Uy! Mataray nga. . . 2 years ha! Ang tyaga." Sabi ni Japoy.

"Oo nga. . . sagutin mo na kaya! Jusko! Sobrang tigang na nung tao eh." Kumento ni Camille.

"Uy! Bakit sakin na yung usapan? Kay Belle dapat eh." Mahiya hiya kong sabi sa kanila.

Nagsitawanan naman silang lahat. Pansin kong tahimik lang si Chard at tinignan ang orasan.

"Okay. . . that's it for tonight guys!  Ma una na muna ako sa office. May tatapusin lang. Goodnight everyone." Aniya sabay tayo sa kina uupo.an.

"Good night Sir."

"Bye sir!"

"Dream of me Sir! Hehehe charing."

"Salamat sir! Goodnight." Sabi ni Belle sa kanya.

Hindi ko na siya binati. . .
Sinabi na kasi nila ang lahat. Pabalik balik lang din naman yung ibabati ko. Hehehe tinignan ko na lang siya at nginiti.an nung magtama ang aming mga mata.

Para bang 'que' na yun. . . at tumango lang siya sakin. Hindi niya ako nginiti.an, walang kahit anong emosyon akong nakita sa kanyang mukha nung nagkatitigan kami. . . di gaya nung nakatingin siya sa mga kasamahan ko, panay ngiti siya. . .

'Hay! Anong problema nun!? Sinusumpong na naman siya? Tsk tsk tsk.'

Sinundan ko kang siya ng tingin hanggang makapasok siya sa office.

Nagpatuloy kami hanggang sa dumating na yung oras na kailangan na naming mag si- umuwi. Mag uumaga na din kasi kailangan na naming magpahinga. Pero itong mga Ka team Panch ko may pupuntahan pa. Si Belle naman uuwi na daw siya at makikipag usap ng masinsinan kay Roj. Nakahinga naman ako ng maayos nang malaman ko na i.coconsider niya ang idea ko na makikipag usap muna siya bago mag desisyon.

Lahat naman talaga kasi ng bagay nadadaan sa usapan. Kaso minsan na uuna ang emosyon natin kaya ang apoy na minsan ay maliit lang ay  sumisiklab na.

"Couz, sure ka na hindi ka sasama sa amin?" Tanong sakin ni Joyce. May malapit daw kasing kapehan dito. Eh sa antok na antok na din ako kaya sinabihan ko sila na na sa susunod na lang ako sasama. Uuwi na lang muna ako.

"Oo couz. . . antok na din kasi ako. Tsaka kung magkakape pa ako malamang di na naman ako makakatulog at makakapagpahinga ng maayos. Kaya pass muna ako ngayon." Nginiti.an ko siya.

"Okay, sige. Sabi mo eh. Text mo ako pg nakauwi kana ha?" Aniya at nagtungo na sa ibang kasamahan namin.

Naghihintay lang ako dito ng pampasaherong jeep sa labas ng Bar. 'Ugh. Ang tagal naman. Gusto ko ng humiga at matulog.'

"Uuwi kana?"

Feeling ko talaga lalabas yung eyeballs ko, pati yung mga tutuli ko sa gulat nung marinig ko yung boses na nasa likuran ko.

"Ay! Kabadingan! Jusko naman. . . nakakagulat ka. Magpa ramdam ka kasi muna! Jusko, aatakihin ako sayo." Kako nang humarap na ako sa kanya.

Tinitigan lang niya ako. Hindi man lang siya ngumiti. Tsk!

"So. . . uuwi ka na nga?" Tanong niya sakin.

"Hmm? Oo. Inaantok na ako eh. May pupuntahan pa daw sila kaya mauuna na ako." Sagot ko sa kanya.

"Okay. . . " aniya sabay talikod. Napakunot naman yung noo ko. Sinusumpong ng sayad sa utak. Tsk. Kawawa naman. " hintayin mo ako. Kukunin ko na lang yung kotse. Wag kang aalis diyan. Nakakahiya naman sa 2 years mong manliligaw. . . baka sabihin niyang pinapabayan ka lang dito."  Dagdag niya.

Wala na talaga. . . paki pulot na lang ng kaluluwa ko mga ka Panch.

•••

Yohoo! 👋 happy sunday to all mga ka Panchito! Hehehehe

DESTINED TO BE YOURS! bukas na po. Woooah! Paunahan sa remote na naman to. Hehehe sinong nakakarelate diyaan? :) tip ko sa inyo, pasok niyo sa bra o sa shorts niyo. . . safe siya, secure siya at special siya pag ganun. Hahaha 😂😂 di loko lang po. Hahaha pero yun talaga ginagawa ko. Wahahahaha

Ingat po. God bless.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now