Matapos naming mag ligpit at ngayon ay nagpunas na ako ng mga kakemehan sa mukha ko. Napadpad ang tingin ko kay Belle na ngayon ay naka sa isang upo.an, malamang hinihintay kaming matapos para sabay na kaming mamarada sa labas. Mangiyakngiyak siyang naka tulala. Hindi naman siguro sa antok o pagud yun dahil tinanong ko siya kanina sanay na sanay na daw yung katawan niya sa ganitong oras na pag tatrabaho.

Lumapit si Japoy at Camille sa kanya at hinahagudhagud ang likuran niya. 'Tsk,malamang malaki talaga ang problema nitong amiga namin.' Dagli kong tinapos ang pag punas ng mga koloriti sa mukha ko at nag tungo sa kanila.

"Belle? Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya habang niyayakap ko siya sa likuran.

"Sira ka ba? Mukhang okay ba to?  Tignan mo na nga yung mukha oh? Pa barney the dinosaur na." Si Camille ang sumagot sa akin.

Tama nga naman siya ulit. Hahahaha wow, mas may sense na talaga siyang kausap ngayon. Sarap i.hug at i.congratulate. hahaha

"Okay,sorry sa tanong. Now please enlighten me kung anong nangyayari dito sa kaibigan natin?" Tanong ko sa kanila. Kimuha ako ng isang bangko para maki upo sa round table kung saan sila nagpapalibot.

"Kas couz ganito yu. . . -"

"Joyce, ako na. Ako na magkwekwento kay Mai. Expert ako dito na side." sambat ni Camille.

"Tong hinayupak nato. . . pa epal." Pabulong na sabi ni Joyce sa akin. Katabi ko kasi siya at nasa bandang harapan namin si Camille.

Ang nasa round table pala si Belle, Joyce, Camille at si Japoy. Si Kuya Larry maagang nagpa alam, May sakit daw yung anak eh tsaka si Bernie. . . abay ewan ko doon. Baka may bumingwit na naman costumer kanina sa kanya. Pumapatol yun kahit kanino eh.

"Okay lang yan couz. . . hehehe hayaan mo na." Pinapakalma ko siya habang pinipisil pisil ko ang kamay niya.

Matapos ang halos 30mins. Natapos na din ang kwento ni Camille. Medyo nag enjoy kami sa pakikinig kasi nga may mga special expression siya at mga di ka aya ayang mga galaw. Pero nag enjoy naman kaming lahat at pati din si Belle tawang tawa din sa kanya. Kahit papano, na ibsan ang masakit na nangyari sa kanila.

So ayun na nga. . . napagkaalaman ko na nag away pala sila ng 2 years live-in partner niya dahil nahuli niya itong may ka chat sa FB messenger na ibang babae. Ang sabi naman daw nung lalaki best friend niya lang daw yun. Eh, nagka 'i miss you.han at love you.han sa message.' Syempre, kung ikaw nasa katayu.an niya masasaktan ka talaga. Kinumpronta daw niya ito kahapon kaso mas nagalit daw si guy sa kanya kasi sobrang selosa daw ni Belle. Hahay. Binantaan daw siya ng lalaki na pag di pa daw titigil si Belle sa kaka duda at selos hihiwalayan daw siya nito.

Kaya itong kaibigan namin lugmok na lugmok. Parang pasan ang buong mundo. Kawawa naman pala talaga siya. Hahay ano kayang pwede ko maitulong. . .

"Uh. . . Belle." hinawakan ko siya sa kamay. Baka pwede pa naman sigurong madaan sa usapan?" Sabi ko sa kanya. 'Tama naman ako diba? Baka BFF lang talaga ni guy si girl.'wag niyo akong awayin sa mentality ko ha? Tri.nay ko lang na tignan ang kabilang side.

"Sino ang madadaan sa usapan?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa bandang gilid ko. 'Isang malaking O-M-G! Andito pala siya?'

"Uh. . . sir!"

"Good morning sir!'

"Hi sir! Wanna join our meeting?" Malakas na sabi ni Camille. Napatingin tuloy ang ibang empleyado sa amin. Ang good timing naman kasi nitong si anak ni. . . - SIR Senior. Hahai.

"Ano bang meeting ito? Ipapa impeach niyo si Senator Trillanes? Hahaha" pabiro niyang sabi habang kumuha siya ng silya at umupo Napagitnaan siya ni Japoy at Camille. . . si medyo nasa harapan ko na talaga siya banda nakaupo . . .  buti na lang at hindi niya ako binalingan ng tingin kaya medyo kumalma na ang kaluluwa ko.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now