"Talaga ba ? Hmmmm. Pero kung meron mang manliligaw sa anak ko ngayon dapat humingi muna ng permiso kay tatay ha? Wag basta magpa ligaw ligaw na kung sino sino lang. Tsaka, okay lang naman anak na may inspirasyon ka din diyan para ganado ka sa trabaho. . . hahahaha"

"Tatay naman eh. . . alam mo naman kung bakit ako nandit. . . -"

"Mai? Napahaba pala tulog ko bakit di mo man lang ako ginising?" Nagulat ako ng may malakas na boses akong narinig mula sa likuran. 'Shot! Patay! Uugh. Paniguradong narinig ni tatay yun.

"Nak? May kasama ka diyan? Lalaki ba yan?"

"H-ha? D-di po tay.  . . nakikinig po kasi ako ng radyo dito. A-alam niyo naman na walang tv kaya drama nalang sa radyo yung pinapakinggan ko."

Sinenyasan ko siya na manahimik siya dahil may kausap ako sa telepono. Tumango naman ang loko.

"Aaaah! Ganon ba? Aw sige. . . uhm anak medyo antok na si tatay eh. Bukas ulit tayo mag usap ha? Miss na kita, mag ingat ka diyan ha? Wag kana ding mag puyat. Mahal na mahal kita baby girl!"

"Tatay naman eh. Wag na kasi 'baby girl' big girl na kaya ako tay!" Napanguso kong sabi.

Narinig ko namang tumawa si Chard kaya pinagdilatan ko siya.

"Hahahaha okay okay. Sorry! Haha kinukulit lang kita. Hahaha sige na bye na anak ko. Goodnight."

"Good night din tatay! I love you so much. Miss na miss na din kita tatay kong pogi! Pagaling po kayo ha? Mwaaaah."

"I will . . .  baby g...-ay mali! Big girl ko. Hahahaha"at binaba na niya ang linya.

Matapos kong ilapag sa mesa ang telepono tinignan ko naman si Rj na tumatawa na nakaupo sa kama.

"Anong nakakatawa?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Baby girl pala ha! Hahahaha"

"Shut up!" Inirapan ko siya.

"Ang arte! Hahaha pikon talo!"

"Naki tambay na nga, nakitulog pa sa kama ko. . . nang iinis pa. Ang kapal din ng mukha diba?" Mataray kong sabi sa kanya.

Hindi na siya nagsalita. Agad niyang kinuha ang sapatos niya na nasa ilalim ng kama ko at nagsimulang magsuot.

Makalipas ang ilang saglit. . .

"Aalis na ako." Aniya. Balik na naman siya sa kanyang dating aura. Hahay.

Pero di alam kong bakit nagbuluntaryong tumayo tong mga paa ko sabay sabi naman ng bibig ko na "hatid na kita sa labas!" At sinundan ko na nga siya. Nakaka inis tong sarili ko. Uugh!

Nang nasa sala na kami. . .  nadatnan pa din namin sina Caloy na nagtatagay pa din.

"Ihahatid mo na ba yung tisoy mong boypren Mai?" Sambat ni Caloy.

Napabuntong hininga naman ako.

"Tumahimik ka nga Caloy! Magsi tulog na nga kayo. Tsk! Lasing na kayo oh."

"Wow! Concern ka Mai?" Sabi naman ni Pablo. Kasama ni Caloy sa tagay.

"Mai,pumasok kana. Okay na ako dito." Sambat naman ni Chard.

"Ihahatid na kita sa gate."

"Wag na. Okay naman na ako."

"Okay, sabi mo eh." Akmang tatalikod na sana ako nang hinawakan niya bigla yung pulsuhan ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bigla akong kinabahan. Shocks! Hinahawakan niya ako.

"Sandali lang Mai. . ."  hala, bakit medyo malakas yungbkabog ng dibdib ko. "T-thank you nga pala sa pagsama sa 'kin ngayong gabi. Nag enjoy ako. Tsaka pinatambay mo pa ako sa loob. Salamat ulit" Nakita ko na naman yung mala anghel na ngiti niya.

"S-salamat din Si...- uh Chard sa pa peace offering mo. . . nabusog ako. Hehehe" sana maulit muli. Charing!

"Uh. . . pasensya na kong natalo tayo sa pa promo ng lintik na restaurant na yun ha?" Aniya. 'Ahay ayan na naman siya. Napipikon na naman. Tsk.

"Okay lang yun Chard! Hehehe di lang talaga para sa akin yun. Malay natin baka mas malaki pa ibibigay ng Dios sakin kesa sa 5K na yun." Kako. Nginiti.an ko na din siya para kahit papano kumalma siya.

"Hmmmm. . . sana nga. . . uhm . so uh. . . Friends?" Bumitaw siya mula sa pagkahawak sa akin at inilahad niya yung kamay niya para makipag 'shake hand' ako sa kanya.

"Uh. . . . sure. Friends!" At nakipag kamay na din ako.

"O sige na. . . pasok kana! See you tomorrow." Bakit ganun? Hindi mawala wala yung ngiti niya. Kabahan kana Philippine Trench. May malalim na kesa sayp, tong dimple ni Barok oh. Shocks!

"Uh. . . y-yeah. See you tomorrow po."

"Okay. Sige na. Pasok kana sa kwarto!"

"Ma una kana. . . "

"Pasok kana! Wag ng makulit!" Tinulak niya ng marahan ang likod ko. "Sige na."

"Maya na. Umalis kana muna bago ako papasok sa loob!"

"Okay na nga sabi eh. . . ikaw ang tigas ng ulo mo."

"Di ah! Sige na. Ali. . . -"

"Sheeeeesh! Bakit pag bagong mag jowa ang pabebe masyado! Ba't di nalang kaya kayo mag live-in!" Sambat ni Pablo.

"Tumahimik ka nga Pablo! Nakakahiya ka!" Hindi ko mapigilang ngumiti at nakita ko din na ngumisi siya. "Sige na nga. Papasok na ako. Goodnight Chard." Nakakahiya.

"Okay. Goodnight baby girl! Hahahaha"

"Shut up!" Inirapan ko siya at naglakad na ako pabalik sa kwarto. Pero di ko mapigilang ngumiti. Shot! Bakit parang kinikilig ako? Hooo!   Umayos ka Mai. Ang lantod lantod eh noh? Kusi.in kaya kita sa singit.

•••

Paaak! Friends na ba talaga kaya? Hahaha 😂😂
Anyway, I hope you enjoy reading this. Salamat po sa mga bumabasa. . .

Kanina ko pa sana na send ang chapter na to guys but UNFORTUNATELY. . .  nawala yung sinulat ko kanina. Hindi ako sanay sa nahiram ko na phone eh kaya ayon balik uno ako. Huhuhu ang sakit sakit lang kasi nga hindi ko na maibabalik ang emosyon na na invest ko nung unang sulat ko. Ahai. Pero ito. . . naira.os din! Praise God!

God bless us all. Ingat! 😂👋

No Empty SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon