Tinignan ko siya, humiga nga ang loko! Aba! Mukhang matutulog pa ata.
"Uh. . . Chard? Diba ano? May party kapa? Baka hinihintay kana doon. Uhhhm. Di naman sa pinapalayas kita ha? Pero baka ano. . . may magalit o baka uhm. . . -"
"Patulog muna saglit ha?" Nakapikit pa din niyang sabi at nilagay niya ang kanyang kaliwang braso sa mata niya.
"Okay." Oh diba? Ang gaga! Hind tumanggi! Nakakainis ka self ha. Pero sige na nga. . . hahayaan ko na lang. Aalis naman siguro to maya maya.
Hinayaan ko na lang siya na magpahinga saglit habang ako nag tungo sa CR para maligo.
Nang natapos na ako . . . agad akong bumalik sa silid. 'Aba! Feel na feel ni mukong ang kama ha! May pa dantay dantay pa sa unan ko. Tsk!mababahiran na to ng kasamaan. Lalabhan ko talaga yan bukas na bukas din.
Mukhang mahimbing ang kanyang pagkatulog kaya napag desisyonan ko na lang na tumawag na muna ako kay tatay at mangangamusta sa kalagayan niya.
'Hay! Nakabili na ako ng telepono na pwede na pantawag kay tatay.' Napangiti ako. 'At may TV pa.
After two rings. . .
"Maine? Anak?oh? Bakit gising kapa?"
"Tay? Uh. . .sorry po. Na miss lang kita. Kamusta tay? Gising pa pala kayo? Nagbabakasali lang po ako na baka gising pa po kayo hehehe sana di ko kayo naisturbo. . . "
"Nako. . .anak! Hindi no. Kahit kailan hindi ka magiging isturbo sakin."
"Hehehhe naks! Sweet talaga ng tatay ko. Kamusta po kayo tay? Sandali . . . bakit iba yung boses niyo po? Sinisipon po ba kayo?"
"Oo eh, kanina kasi nadatnan kami ng ulan ng Nanang Ten mo sa daan kaya ito. . . sinipon. Pero wag kang mag alala anak. Okay naman na ako. Kunting pahinga at tubig lang katapat nito."
"Tay, ingatan niyo po sarili niyo ha? Wala po kasi ako diyan para alagaan kayo. Yung gamot mo inumin niyo po sa tamang oras ha?"
"Yes doc! Hehehe bitaw, wag kang mag alala anak. Okay lang si tatay. Inaalagaan ko ang sarili ko dito. Ikaw diyan. . . alagaan mo ang sarili mo diyan ha? Wag kang magpakapagod ng husto anak, pati pagkain mo, dapat kumakain ka sa tamang oras ha?"
"O-op tay." Hindi ko na napigilan ang lumuha at mapasinghot.
"Umiiyak ka ba anak? M-may problema kaba? Sabihin mo kay tatay."
Marami tay! Kung pwede ko lang sanang isa isahing sabihin sayo ngayon pero di pwede eh. Kailangan okay ka palagi, wala kang dapat iisipin kundi ang pag galing mo.
"H-ha? Wala naman po tay. Na miss ko lang kayo kaya napaluha ako."
"Basta ha? Kung may problema ka. . sabihan mo lang si tatay. Kung di mo na talaga kaya, uwi kana lang dito. Mas ikakasaya ko yun."
Kung alam mo lang tay. . . kung alam mo lang talaga na isa sa mga nagpapahirap sa akin dito yung natutulog sa kama ko ngayon. Ugh!
"Anak? Andiyan kapa ba?"
"Uh. . . o-po tay. Still here."
"Aw. So kamusta ang anak ko diyaan? Nga pala baby girl k. . .-"
"Tay naman eh." Padabog kog sabi. Nahihiya na kasi akong tawaging 'baby girl' eh ang laki laki ko na kaya para sa pangalang yan. Ahay.
"Bakit?" Napatawa siya sa kabilang linya. "Ayaw mo na talagang magpatawag ng 'baby girl' noh? Tsk. May nanliligaw naba sa anak ko diyaan at nahihiya na siyang tawagin ng tatay niya na 'baby girl'? Hmmm?"
"Tatay naman eh. . . wala noh! Bahay at trabaho lang yung pinagkakaabalahan ko dito. No more, no less." Depensa ko sa kanya. Wala naman kasi talaga.
ESTÁS LEYENDO
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
8 • Higala
Comenzar desde el principio
