"Okay. Sabi mo eh." Ngumisi siya ulit.

True to his words. Hinatid niya talaga ako sa boarding house namin. Mabuti na lang at wala na yung mga pugita at sina Caloy na lang ang nasa sala nag iinuman.

"Hi Mai, magandang gabi! Tagay oh, isa lang." Yaya sa akin ni Caloy sabay abot sa isang basong may lamang tanduay or beer! Abay ewan ko.

"A-ay. . . di kasi ako umiinum. Pasensya." Tanggi ko sa kanila.

"Ito naman. . . ang Kill Joy! Isa lang. . . hahaha isipin mo na lang passes to para makapasok ka sa loob ng kwar. . . -" hindi natapos ni Caloy yung sinasabi niya dahil sinakmit ni Chard yung baso at ininum ang laman  ito.

Napahinto kaming lahat at napatitig sa kanya.

"Okay na? Tinubos ko nalang siya. Ayaw niya eh. Next time wag niyong pilitin yung tao kung ayaw."

Tulala pa din silang lahat at napatango na lang sa sinabi ni Chard.

"Good, tara na sa kwarto mo Mai." Sabi niya sabay sakmit sa mga dala kong supot.

Teka nga! Teka lang talaga. Tama ba tong mga nakikita ko? Sandali! Sandali lang talaga ha! Am I dreaming? Siya ba talaga tong kasama ko? Pakisapak nga ako.

"Ano? Tatagay ka? Bakit di ka makagalaw diyan? Dali.an mo na." Iritang sabi niya sa akin.

"Uh. . . ha? Aw. Oo, ito na nga oo. Palakad na!" Nakakainis!! Bakit ba siya pumasok dito at sumama? Hindi ko naman siya inimbita.

Nang makapasok na kami. . . isinuyod na naman niya ang tingin niya sa loob ng kwarto.

"Wala na ba talaga kayong mahanap na ibang matutuluyan?" Kunot noo niyang tanong sakin.

"Wala, tsaka wala kaming pera para sa mga magagarang paupahan na kwarto. Okay naman kami dito. Sanay sanayan lang kasi yan."

"Ang sikip lang kasi. . . hindi tayo makagalaw ng maayos. Tapos wala man lang ba kayo kahit kutson? Banig lang meron kayo? Ang sakit kaya niyan sa likod. Tapos butas2 pa yung screen ng bintana niyo. . . napapasukan kayo ng lamok." Tuloy tuloy niyang reklamo.

"Tapos kana?" Tinaasan ko siya ng kilay. Masama na ngang ugali, mapanglait pa! Uuugh. Lahat na ng kasamaan nasa sa kanya na. Sure na ang pag welcome ng tatay niya doon sa imperno.

"Saang kama ka dito natutulog?" Tanong niya.

Yung kama kasi namin magsing gilid ng pader. Sa kanan at sa kaliwa. Napagitnaan naman ito ng isang maliit na mesa. Ibabaw ng aming kama ay yung kabinet namin na lalagyan ng mga damit. Wala kaming masyadong gamit dahil masikip nga yung kwarto namin. Hindi pwedeng gumalaw ng sabay sa isang lugar at parang tatlo o apat na tao lang ang pwedeng sumiksik dito sa loob.

"Sa bandang kanan."Sabi ko. Habang abala naman ako sa pag a.arrange mga canned goods at iba pang pagkain na nabili ko kanina.

"Pahiga ha?" Biglang sabi niya.

Nagulat ako. Nabitawan ko yung supot na hawak ko na may lamang mga samo't sariling canned goods at sa paa ko tumama.

"Shot! Aray. . . ang sakit! Uugh." Sabay padyak ko sa paa at hinawakan ang natamaang parte nito.

"Uy? Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin.

"H-ha? Yeah  uh. . . okay lang!" Hindi! Gago! Nang gugulat ka.

"Okay." Aniya habang tinatanggal niya yung sapatos niya at humiga . . . 'shit!' Humiga nga siya! Huy! Huy! Bumangon ka diyan. Jusko! Kung andito lang si tatay nah! Malamang! Nabugbog na tong taong to.

First time na may ibang lalaking pumasok at nakapasok sa silid ko at first time na may humiga sa kama ko na hindi si tatay. Ang hindi ko maintindihan. . . bakit hindi ako makatanggi? Anong meron sa lalaking to na kahit naiinis na ako. . . oo pa din ako ng oo. Nako!

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now