"Matagal pa ba? Inaantok na ako eh." Reklamo niya.
"Sabi niya sir mga 5mins na lang daw."
Humikab siya. . . "Tagal ha." At balik tingin na siya sa telepono niya.
Makalipas ang halos apat na minuto, may isang lalaking kumuha ng atensyon naming lahat sa loob ng restaurant. May dala siyang wireless mic.
"Good evening everyone. . . " madami pa siyang sinasabing kakemehan samantalang ako kinakabahan na. Nginangatngat ko na ang mga kuko ko sa kamay.
"And the winner for our Anniversary Couple Promo is from table. . . . Number. . . table number 3!" Nagpalakpakan naman ang mga tao.
Tinignan ko kung anong table kami. Table #5.
Natalo kami.
Natalo. Ahay.
Tinignan ko si Sir Junior. Wala man lang ka reaksyon reaksyon ang pagmumukha niya. Sabagay, di naman talaga siya interesado sa premyo. Napayuko na lang ako. Syempre, na dismaya ako. Ginawa kaya namin ang lahat para lang mapanalunan yun tapos ngangey pala.
Naiiyak ako. Seryoso. . . sayang kasi talaga yun eh. Feeling ko talaga kasi mananalo kami kasi nga unique yung samin. Tapos yung nanalo, nagpalitan lang ng laway? Nanalo na sila? Ang unfair ha! Ang unfair, unfair.
Di ko namalayan na tumayo na pala yung kasama ko sa table.
"Uhm, excuse me." Malakas niyang pagkasabi, bigla tuloy nagsitinginan ang mga tao sa pwesto namin.
"Ano bang criteria of judging niyo sa pa promo niyong yan?" Bigla akong kinabahan. Jusko! Gulo to. . .
"S-sir. . . u-umalis na po tayo dito Sir." Mahinahon kong sabi sa kanya tumayo na sa gilid niya.
"Wait lang. . . may sasabihin lang ako." Mahinahon niyang sabi sa akin.
"I was thinking kasi na mananalo kami ng wife ko sa pa promo niyong to." Hala. . . wait. Uhm, ano raw? Wife? A-ako ba tinutukoy niya? Aba! Malamang. Ako kasama niya. . . pero b-bakit? Sandali nga lang.
"Sana naman kasi sinabi niyo na lang sa promo niyo na ang pinaka malaway at malaswang humalik sa picture yun yung mananalo. Eh, halos silang lahat nagsihalikan kanina eh. Yun sana yung promo niyo, hindi yung pinaka sweet sa picture." Sabi niya. . . jusko! I agree on that! Tama nga naman siya. Di naman nababasi lahat ng ka sweetan sa halikan eh. Go for this Sir Junior. Susuportahan kita. Wohoo!
"Hindi pala patas tong pa promo niyo. Tapusin niyo na to." Dagdag niya. Ramdam ko na nagsibulungan ang mga tao. Malamang pinag uusapan nila ang sinabi ni Sir Junior. Belaaat! Tama nga naman siya noh! Kakampi ako sa kanya sa ngayon, sa ngayon lang naman.
Tungangey lang silang kuya announcer sa harapan ng lahat. Hahaha nakakahiya ano? Bleee. Dapat lang sa inyo yan!
Hanggang may biglang lumabas sa isang sili. Isang gwapo din. . . pero mukhang mas gwapo pa din tong kasama ko eh.
Nilapitan niya kami, malamang may nagsumbong ng isang crew sa kanya. Feeling ko, siya yung manager dito.
"Sir, I am really sorry for the inconvenience. . . uhm, Mr. Faulkerson. . ."
Kilala niya si Sir Junior.
"If you like, you can still avail our other promo offers. May pa conte. . . -"
"Hindi na, my wife did not enjoyed here." sabay hawak sa bewang ko. "Malamang mamaya nito, sasabihin niya sakin na di na kami babalik sa restaurant na to."
"But si. . . "
"We have to go." May pera siyang kinuha mula sa kanyang bulsa at inilapag sa mesa namin at agad niya akong hinawakan sa pulsuhan at hinila niya ako palabas ng restaurant.
Nang makapasok na kami sa sasakyan niya. . . doon na siya nagsalita.
"Oh diba? Nagmukha tayong tanga sa loob?" Aniya. May kunting ngiti mula sa kanyang mga labi.
"Po?"
"Kaya wag na wag kanang sumali sa mga promo na ganyan. Ginagawa lang nilang tanga yung tao eh."
"P-po?"
"Wag kang 'po ng po.' Nakaka umay. Tsaka wag mo na akong tawaging Sir Junior. Chard na lang. Yun yung pangalan ko." Aniya at pinaandar na ang sasakyan.
'Chard. . . ' ganda naman ng pangalan niya. Pero bakit? Bakit niya gustong tawagin ko siya sa pangalan niya? Eh yung ibang impleyado niya 'Sir Junior' lang yung tawag sa kanya.
Teka lang. . . teka lang talaga. Does it mean friends na kami? Magkaibigan ganun? Woaaaah! Isang himala. Isang malaking himala!
"Huy! Ngumingiti kana namang mag isa diyan. . . high kaba?"
"H-ha? H-high? Uhm. . .Hi din po!" Nginiti.an ko siya.
"Baliw!" He shook his head and smile.
•••
Hi din po sa inyo! Hahaha sana nagustuhan niyo ang update nato. Nakiki echus pa din ako ng phone. Hehehehe Ingat po kayo! God bless.
What can you say about this chapter! Hehe magsalita kayo nang ma improve natin. Charot! Hehehe salamat po tlaga sa lahat.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
7 • Dinner
Start from the beginning
