"Po?" Gulat ako. Ang demanding ha.

"Gusto mong manalo para sa tatay mo diba? Now, stand up." Wow. Grabi. Sobrang demanding talaga. Saang butad ba talaga banda ang kabaitan na sinasabi nila tungkol sa lalaking to. Ahai wala ni isang bakas.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko sa kanya nang makatayo na ako sa kinauupo.an niya.

"Kandong ka." He coldly said.

Kandong ka.

Kandong ka.

KUMANDONG KA!

"h-ha?" Doon na. Nagsikuli.an na ang internal organs ko.

"I said, sit here." Tinapik niya ng isang kamay ang mga legs niya.

"S-seryoso? Uhm. I me-mean, pwede naman po iba yung gawin natin."

"Like what? Kissing? Okay lang din nama sakin." Ngumisi siya.

"H-ha? Di naman po sa ano uhm. . . ganun sir. Uh. . "

"Now look, if you are really into that 5000 pesos  just do what I say. Hindi mo ba napansin mga kalaban natin sa ibang table? Naghahalikan sila sa picture nila. So malamang matatalo tayo kung mag pe.peace sign o di kaya mag wa.wacky lang tayo sa picture."

Talaga ba? Observant pala tong anak ni s. Hahahaha pero teka nga. . . Kandong lang naman diba? Tapos paaaak! 5000? Hahaha sige na nga. Pordalab! Pordalab!

"Okay." Lumapit ako sa kanya. I sat between his legs.

"Hindi ganito." Bulong niya sakin.

Ang dami naman kasing arte. Kandong nga diba? Paano ba kasi ang gusto niyang kandong?

"H-ha? Paano ba?" Tanong ko sa kanya.

"Para ka namang tri yirs old na nakakandong sa tatay. Ganito oh. . . " pinatayo niya ako. Pinaharap sa kanan at pinaupo sa mga binti niya. "Ganito. Now, put your arms around my neck." Ang gaga! Ginawa ko naman. "Look at me." At ginawa ko ulit. Paaak!

Grabi, first ko pa nakalapit ng tao sa tanang buhay ko na ganito talaga kalapit. Yun bang isang kaluluwang hangin lang ang pagitan sa inyo. Mga 0.1 sentemetros ang lapit.

Nakatitig ako sa mata niya. Shocks! Ang ganda, ang ganda ng mata niya. Sarap dukotin at ibinta. Hahaha pero seryoso nga, ang ganda!

Napaisip tuloy ako, sayang yung maamong pagmumukha niya, yung mga matang parang kumikislap pagtinitigan. Ang bantot naman ng ugali.

"Now, start taking pictures! Wag kang tumunganga diyan." Biglang sabi niya sa waiter habang titig na titig pa din kaming dalawa sa isa't isa.

Isa lang ang na realize ko sa mga sandaling yun habag ganun kami kalapit sa isa't isa.  Gusto kong malaman kung anong klaseng tao tong si Sir Junior. Yun bang behind his ka sungitan side? Gusto kong mahanap yung kabaitan na sinasabi nila. Sana magka chance man lang. Sayang kasi talaga siya. Sobrang sayang kung tuluyan siyang ma imperno. Tsk.

"Move out. . . nag i.enjoy kana ata."

"Po?"

"Tumayo kana. Tapos na." Aniya.

Shocks! Nakakahiya. Nakakahiya ka Maitot. Ugh!

Matapos nun, hindi na kami usap pa. Patingin tingin na lang ako sa paligid habang siya. . . may kung anong kinukulikot sa phone niya at nakakunot ang noo.

Tong taong to, sayang yung ka gwapohan at kakisigan. Minsan lang ngumingiti at tumawa. Mabilis siyang tatanda sa mga inaasal niya.

Pero teka nga. . . teka lang ha? Pumayag ako na lumabas kami para sa ano. . . pa peace-offering niya. Hala! Maitot, anong ginagawa mo? Baka ano. . . may girlfriend siya o di kaya asawa o di kaya ka live-in? Patay tayo nito. 'Ang tanga tanga ko. Baka may lalapit lang sa amin na babae dito tapos bigla akong sasapakin, bakit kasama ko yung boypre . . .-'

No Empty SpacesМесто, где живут истории. Откройте их для себя