Nakatitig pa din siya sakin.

"Ano bang gagawin para maka avail sa promong yan?" Tanong niya sa waiter.

"Oh, uhm. Magpa picture lang po kayo na sweet kayo tapos yun. . . pipili.an namin yung mga pictures niyo together with the other coup"

Tumaas ang kilay naming dalawa.

"Sweet?" Tanong ko. Bigla akong kinabahan. 'Ano yun? Kiss ganun? Sweet daw eh. My gas! Abelgas!'

"Not necessary to kiss, right?" Tanong ulit ni Sir Junior sa waiter.

"Hindi naman po. Its up to you if what are you going to do." Sagot naman ng waiter sa kanya sabay ngiti.

Napanguso ako. 'Gagawin ko ba o hindi? Pero sayang naman diba? Malaki laki na din kasi yun kaso mukhang di interesado tong isa.'

"Okay, we will do it."he said. Nagulat ako. 'Really? As in? Gagawin niya? My goodness!'

Bahagyang napangiti ako. May kunting kabaitang taglay naman pala tong anak ni s. Hahaha

"Okay sir. I'll be back. Kunin ko lang yung camera. Your food will be serve in any moment na din po."

Bigla akong naglaway. Gutom na din kasi ako.

Nang dumating na pagkain walang pag atubili, sinunggaban ko na agad. PG na kung PG. Gutom na talaga ako eh.

"Dahan daha naman. . . para ka namang walang bukas!" Komento niya.

"Eh ang sarap kasi. . . salamat ha? Ngayon lang ako nakakain ng ganito sa tanang buhay ko. Hehehe"

"Seryoso?"

"Oo noh. . . di talaga kasi kami mayaman. Alam mo yun? Lechon manok sapat na sa amin yun na panghanda."

"Talaga? Eh yung salad o di kaya kahit pasta man lang?"

"Uh, minsan. Oo syempre. Hahahaha pero iba to Sir. Bago sa panlasa ko. Ang sarap. . . uhm, pwede mag kamay?"

"Okay. Ikaw bahala. Nag bayad naman tayo dito eh." He smiled.

"Shiguro shanay ka sha mga ganitong pagkain noh?" Tanong ko sa kanya habang nginunguya ang pagkain na nasa bibig ko.

"Hindi naman. . . minsan lang naman akong kumain ng ganito din. Madalas ako nagpapaluto ng sinabawan. Masabaw akong tao eh."

Pansin ko sa kanya, sinasagot na niya ang mga tanong ko. Wow ha! Mukhang real na real talaga tong pa ceasefire niya sa akin. Kinakaibigan na niya kaya ako? Haha pero wait, ano raw?  Masabaw siya? Hahaha haruy jusko!

"Huy! Kumain kana. Kung makatitig naman to oh?"

"Ha? Uh eh. Ikaw kasi. Uhm."

"Ako? Bakit?"

"Wala. Anyway, pwede ba mag tanong?"

"You're asking now. Wag kang tanga!"

Ayan na namam siya. Bumabait tapos nagsusungit na naman. Ugh!

"Wag na lang. Sa susunod na."

"Wow! What makes you think na may kasunod pa nito?" He smirked.

"Uuuh. . . uhm." Napakamot ako ng ulo. Tama nga naman siya. Nakakahiya tuloy. 

"Uh, excuse me ma'am, Sir? Pwede na po ba tayong magpicture?" Sambat ng waiter na nasa harapan namin.

Tinaasan na siya ng kilay ni Sir Junior. "Cant you see? Were still talking in here! Anong klaseng empleyad. . . "

"Huy! Nag excuse naman yung tao. Hayaan mo na. Ang init agad ng ulo mo." Saway ko sa kanya.

"Fine. Now, lets do this. Lets make it fast ng makauwi na ako. I'm tired." Reklamo niya. "You!" Sabay tingin sa akin. "Stand up."

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now