"Hala Sir! Sorry po. . . "

"Pasalamat ka nag da.drive ako dito kundi sinapak na din siguro kita." Tinitigan ko siya. . . bumaba yung tingin ko mula sa mukha niya papuntang kamay. 'Sasapakin niya din ako? Ang laki ng mga kamay niya. Jusko!'

"Joke lang! Hahahaha ikaw naman di mabiro." Tumawa ulit siya. 'Gagong to! Nananakot ba naman.'

Hindi na ako nagsalita. Natakot na kasi ako. Baka totohanin niya. Nakakaloka! Mahal ko pa tong mukha ko, inalagaan ko to ng 21 years tapos mamamarkahan lang ng malalaking palad niya? No way!

"We're here. . . " aniya.

'Mahal dito ah! Dito talaga kami? Hmmmm. Well, no need to worry Maitot! Libre naman to eh.'

Bumaba na siya ng sasakyan habang ako tinitignan ko pa kung ano ang pipindutin sa gilid para bumukas ang pinto.

'Saan ba dito yung pipindutin ko para bumukas?'

Then he went back inside. "Bakit ang tagal mo?" Sabay ngiti sa akin. Alam ko kasing ping titripan niya ako.

"Huy! Sorry ha? Di ko kasi alam paano buksan tong kalabaw mo! Doon kasi samin wala ng pipindutin. Bababa kana lang agad." Inirapan ko siya.

"Wag mong insultuhin tong 'bibi girl' ko. May pangalan to. Margaret! Call her Margaret."

May sayad ba tong taong to? Pati sasakyan may pangalan! Shocks! Baka pati Brip nito may mga pangalan na din. Hahahahah

'St. Peter, st. Paul, st. Jame?' Hahahaha

"Oh? Ano? Bababa kaba o bababa ka?" Napansin ko na bukas na yung pinto ko sa gilid. 'Grabi noh? Ang hi-tech! Noon pinipihit pa ang hahaha ano yun door knob? Haha umayos ka nga Maitot'

Nang makapasok na kami, agad kaming sinalubong ng isang babae. Grabi yung blush on niya, parang sinapak ng demonyo. Hahaha aay nako! Wala ba akong gagawin ngayong gabi kundi ang manglait sa mga nakakasalubong namin? Eh kasi naman ang boring lang naman nitong kasama ko.

"Sir? Table for two?" Pangiti ngiting sabi ng babae.

"Malamang. Dalawa lang kaming pumasok diba?" Pilosopong sabi niya. 'Ang bastos talaga ng ugali nito! Uugh.'

Medyo na hilaw yung ngiti ni ateng blush on. Ahai kawawa naman.

"Ay, sorry sir. Dito po tayo."

Nang makaupo na kami. . . lumapit na ang isang waiter. Ang taray! Totoo pala tong mga ganito noh? Yung mga waiter parang a.attend lang ng JS Prom? Hahaha pero teka nga di ko alam basahan ton mga menu dito.

'Scallops with szxcs. . . ano? Pati ba naman sa pagkain papahirapan ka muna?'

Matapos kaming umorder. . . nilapitan ulit kami ng waiter.

"Ma'am, sir . . . we have a promo here. May free ferrero chocolate bouquet po tayo, free wine and 5 thousand pesos cash for the chosen perfect couple tonight. Anniversary special treat po namin sa aming mga costumers. Would you like to join and avail the prizes?"

'Tumataginting na 5000php? Jeske! Ilang session na yun ni tatay ah.'

"Hala! Paano, paano? sali tayo. . . " galak kong sabi sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Ayoko nga! Mag isa ka."

"Sige na sir. . . kahit wala na tong libreng kain. Okay lang sakin. Feeling ko talaga kasi mananalo tayo. Tulong mo na lang to sakin." Sabi ko sa kanya.  "Bi, pang ilang session na to ni tatay. . . 5000 pesos. . 10 sessions! My goodness! Limang linggo na yun. Saan pa ba ako hahanap ng ganitong pera sa ngayon sa isang gabi lang?"

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now