6 • Work & Salary

Start from the beginning
                                        

"I'm sorry!" Mahina niyang sabi pero klarong klaro sa aking pandinig. Ramdam ko ang pagka seryoso niya. "Sorry sa mga nagawa ko sayo." Dagdag niya.

"Tama ba dinig ko? Nag so-sorry ka? Haha! Nakakatawa!"

"I know. . . basta sorry." Hindi niya ako tinitignan. Nakayuko lang siya. 'Talaga ba? Seryoso siya? Baka pinag lololoko lang niya ulit ako.'

"Sabi ng tatay ko. . . pag nag so-sorry ka daw sa isang tao dapat seryoso, yung galing sa puso."

"I'm sincere. . . pupunta ba naman ako dito pag di ako seryoso?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Okay?"

"Sorry if I uhm. . . ruined your life. I mean ano. . . basta! Sorry."

Hindi ko siya maintindihan. Nag so-sorry siya pero di niya ine.explain kong bakit siya nag so-sorry. Seryoso naman ang mukha. "Aside sa mag sorry. . .gusto ko sanang bumalik kana sa pag tatrabaho sa Bar."

Tama ba dinig ko? "I can accept your sorry" agad siyang napatingin sa akin. May kunting sigla mula sa kanyang mga mata.

"Pero di ko mapapangako na babalik ako sa pagtatrabaho"

Humugot siya ng hininga. . . "okay. Hindi naman kita mapipilit. I will give you one day. One day lang ha? Kung di ka makakahanap ng trabaho. . . balik ka sa Panchito. Please." Kalmado niyang sabi.

Tinitigan ko lang siya. Hindi na ako nag salita.
'Bakit siya pumunta dito? Nag sorry? Bakit? Ano bang nangyayari? Adik ba siya? Baliw? Ugh! Mababaliw din ata ako sa taong to eh.

"Sige ma una na ako. May mga aayusin pa ako doon. I hope you will still consider my offer miss Mendoza. Mahirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon." At tuluyan na siyang umalis.

Tinuloy ko pa rin ang mga plano ko sa buong hapon. Minsan, nasasagi sa isip ko yung offer ni Anak ni S na bumalik ako pero syempre may kunting dignidad naman ako kay papanindigan ko talaga ang mga sinabi ko na di na ako tatapak sa lugar na yun.

Maghapon akong naglakad sa kung saan saang lugar. Nag tanong tanong din sa mga nakakasalamuha ko pero mukhang di talaga ako pinalad.

'Sige lang! Bukas ulit baka swe.swertehan na!'

Pero naalala ko ang sinabi ni anak ni S.
"I will give you one day. One day lang ha? Kung di ka makakahanap ng trabaho. . . balik ka sa Panchito."

Tsk. Ang bossy! Kung makapagsalita akala naman mapapasunod lahat ng tao. Pwes! Kong ako nuon oo! Ngayon hindi na! Gago siya!

"Please"

Pero nag 'please naman siya.'
Ah! Basta! Di pa rin yun rason para i.consider ko ang offer niya.

Nang gumabi na napag desisyonan ko na lang na umuwi na muna at ipagpabukas ko na lang ang paghahanap ng trabaho. 'Baka may ika recommend din yung mga kasamahan ko sa boarding house. Magtatanong ako sa kanila mamaya.'

Dumaan muna ako saglit sa mall at bumili ng kunting konsumo. Ambag ko kay Joyce sa bahay. Bumili na din ako ng cellphone para makapag tawag ako kay tatay. May TV pa!

Tinignan ko ang pera ko matapos bilhin ang lahat. . . '250 pesos nalang. Sana mapag kasya ko to. Dapat bago maubos ang padala ko kay tatay makahanap na ako ng trabaho.'

Naglakad na din ako pauwi. Para makatipid. Nang palapit na ako sa bahay. . . bigla akong nakaramdam ng takot. 'Bakit ganito?'

"Bakit ang tagal mo, ginabi ka ata?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa bandang likuran.

'Bakit na naman siya nandito? Ang kulit ng bungo nito ha!'

"Ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Ang pangit ko na ba talaga para di mo ako harapin?"

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Malamang sa kaba. 'Ano bang pinagsasabi nito?'

"So nakahanap kana ba ng bagong mapapasukang trabaho miss Mendoza?"

'Hindi talaga siya marunong sumagot ng tanong ano? Tsk. Edi magbatuhan tayo ng tanon!'

"Eh ano sayo kung hindi pa ako nakahap?" Gaga! Sinagot mo oi. "Pwede ba tantanan mo na ako? Ano ba talaga kailangan mo?"

"So I guess di kapa talaga nakahanap. Hmm sabi ko naman kasi sayo na bumalik ka na lang sa bar!" Dahan dahan siyang lumalapit sa akin.

Tinignan ko siya sa mata. . .
"No way! Over my dead body!" At tumalikod na ako para pumasok sa gate.

"Tataasan ko sahod mo."

"Umuwi kana sir! Gabi na." Hindi ako magpapatinag sa kanya.

"1500 per night!"

Natigilan ako. '1500 per night? Seryoso ba tong gagong to?'

"Ano? Deal or No Deal?"

Napalunok ako. Saan ako makakahap ng ganun kalaking sahod? Tatlong session na yun ni tatay ang kita ko sa isang gabi. Napalunok ulit ako. 'Goodness!! Tatanggapin ko ba to?'

"Kailangan mo ng pera para sa tatay mo diba?"

'Ano ba naman to! Bakit siya nag o.offer ng ganito kalaki?'

"Saan kapa? In 15 days kikita ka ng halos 22k? Malaki laking tulong na din yun para sa kanya diba? Makakapag ipon kapa para sa sarili at pag aaral mo. Now take it or leave it?"

Pumukit ako saglit at nag isip. 'Sayang to. Tama siya. Malaking tulong nato para kay tatay.'

Hinarap ko siya. Goodness! First time ko siyang nakita na ngumiti sa akin. Ang lalim ng dimple. Ang pog. . - huy! Wag kang lumandi. Alalahanin mo yung mga ginawa niya sayo. Hindi kapatawad tawad yun.

"Okay! Bukas na ako papasok. Sakit na ng ulo ko at gutom na din ako." Tugon ko sa kanya. 'Baka makain pa kita ng buhay.'

Nginiti.an niya ulit ako. 'Shot!  memeng! Ang lalim talaga ng dimple. Pwedeng mag dive. Nakakapanghina ng internal org. . .- ang lantod ko na ha! Grabi na. Pero kasi perpekto! Ang perkpekto niya parang anghel sa lang. . . - pero anak talaga siya ni S.

"Huy!"

"Ano? Tatanggapin ko na nga diba? Bukas na diba? Makakaalis kana."

"Tinatanong kita kong bakit di kapa kumakain." Aniya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. 'Anong pake mo!'

"Obvious ba? Syempre naghanap ako ng trabaho buong maghapon. Tsaka. . ." napabuntong hininga ako. "Wala na akong budget para ikain sa labas." Mahina kong sabi.

"Tara!"

Ano raw? Tinaasan ko siya ng kilay.

"Aalis tayo!"

"Ayaw ko. Baka ipa salvage mo pa ako."

Tumawa siya.

"Anong nakakatawa? Ikaw ha! Pinagsasamantalahan mo ako porket probin.  . "

"Oh shut up! Ayan kana naman. Kung iniisip mo na ipapa salvage kita ngayon mali ka. Baka next month ko pa planohin." Tinignan ko siya ng masama.  "joke! Hahaha mukha ba akong mamamatay tao?"

'Hindi, ana lang  anak ni S.'

"Ewan ko sayo!"

"Hahahaha hali ka na nga. . .  dali na. Peace offering ko to sayo."

"So libre ba?"

"Peace offering nga diba?"

'Kasi nga peace offering daw! Mukhang seryoso naman kaya pagbigyan natin. Gutom na din kasi ako. Panalangin na to! Bawal tumanggi sabi ni Lord.

"Aw okay! Oh tara na! Dapat eat all you can ha! Dami mo kayang atraso sakin." Sabay na kaming naglakad patungo sa sasakyan niya.

°°°
Share me your thoughts 😂
Tweet it to @sheeshaii021

Pasensya po! Medyo nalamon ng realidad. Huhai.
God bless us all! Amping.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now