6 • Work & Salary

Magsimula sa umpisa
                                        

Nagulat ako ng tinapik ako ni Caloy. Isa sa mga boarders din dito. Itong boarding house kasi namin halu-halo. May mga lalaki din naki board sa ibang silid pero mababait naman kaya okay lang.

"Huy! May bisita ka doon sa sala oh. Puntahan mo na. Pinag fi.fiestahan na yun ng mga impakta." Ang tinutukoy niyang impakta eh yung sina Janice. Kasama din namin sa boarding house. Mababait naman sila at naging kaibigan din namin pero medyo may paka malandi lang talaga. Nadala na galing sa trabaho. Entertainer kasi siya sa isang Bar.

"Ako? Seryoso bisita ko talaga?" Tanong ko kay Caloy.

"Oo nga sabi. Puntahan mo na."

Dagli kong pinunasan ang kamay ko at nagtungo sa sala.

Natigilan ako nang makita ko kung sino ang bisita na sinasabi nila.

'Anong ginagawa ng hayop nato dito?!' Yun ang una kong naisip nang makita ko siya na naka upo sa sofa, napagitnaan nina Janice at Sally. Kita sa mga mukha niya na uneasy siya sa kina uupo.an niya dahil na din siguro sa mga babae na nasa isig gilid niya.

"Huy! Tantanan niyo nga siya! Mga haliparot to oh!" Saway ko sa dalawang babae na kulang na lang maghubad sa harapan niya.

Nang makita niya ako. Agad siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Mai. . . " Sabay punas pawis sa noo niya. Para siyang nabunutan ng tinik nang makita niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Saan ba kwarto mo?"

"H-ha??" Ano raw? Kwarto? "Tsaka bakit ko naman sasabihin sayo? Sagutin mo muna tanong ko." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Basta! Doon tayo mag uusap!" Sabi niya sa akin.

"Ayoko nga! Kung may sasabihin ka say it here. Tsaka busy ako sir kaya wala akong time makipag lokohan sayo."

"Mai! Siguro naman di mo boypren yan! Balato mo na sa amin!" Sambat ni Janice.

Biglang umiba ang mukha ni Rj. Para bang natakot na nag aalala.  'Baliw ba to? Sanay na dapat siya sa mga taong ganito. Namamahala siya ng bar eh. Maraming ganito doon.'

"Mai please. . . sa kwarto niyo na tayo mag uusap!"

"Hindi, sa labas tayo."

"Eih. Mas maraming nakatingin doon.

Sabagay!

Bumuntong hininga ako at hinila ko siya papasok sa kwarto namin.

"Pasensya na kung maliit to ha? Pag tyagaan mo...- huy! Hubarin mo sapatos mo. Ang hirap kaya mag floorwax dito. Pati na din yang medyas mo. Pupula yan dahil sa floorwax puti pa naman yang medyas mo."

Ginawa naman niya mga sinabi ko at tahimik niyang nilibot ang kanyag mata sa loob ng silid namin.

"Dito ba talaga kayo ng pinsan mo nakatira?"


"Ano ba! Pumunta kaba dito para laitin ang tinitirhan namin? Pwes makakaalis kana."

"Ito naman,nagtataka lang. Ang sikip kasi. Parang kasing laki ng CR ko lang tong kwarto niyo."

"Sir! Kung pumunta ka lang dito para mag hambog makakaalis kana."

"Tapos ceiling fan lang meron kayo? Nakakatulog ba kayo dito. . . "

"Sir! Kung wala na po kayong  sasabihin makakaalis na po kayo bago pa mawala yung respeto ko sa inyo."

'Kumalma ka Maitot! Kalma, kalma!'

"Tapos yung dingdi. . .-"

"Leche! Baliw kaba? Bingi? Bakit kaba nandito? Umalis na nga ako oh. Ano pa ba ang kailangan mo sa akin? Ha? Di mo ba ako tatantanan hanggang di ako mamamatay sa inis? Sir, dumayo ako sa pagka layo layong lugar nato para makipagsapalaran para sa tatay ko. First time kong malayo sa kanya pero tinitiis ko dahil kailangan ko talagang magka pera para madugtungan ang buhay niya. Shit! Why am I telling you this! Wala ka namang kwentang kausap! Di ka nakikinig."

No Empty SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon