4 • Hello Day 2

En başından başla
                                        

"Nahimatay ka tapos nabitawan mo yung tray na dala mo na may mga bote ng alak at mga baso. Ano bang nagyari sayo? Kumain ka naman kanina bago tayo nag trabaho diba? Masama ba pakiramdam mo couz?"pag aalala niyang sabi.

"S-sino nag dala sa akin dito?" Syempre bigla akong nangamba. Di naman kasi ako kayang buhatin ni Joyce papuntang staff room.

"Buti na lang andun sina Sir Junior at Senior. Binuhat ka ni Sir Junior! Jusko dai. Para kayong bagong kasal. Hahahaha kaso epic fail lang dahil maraming dugo yung paa mo dahil sa mga sugot mo." May kilig niyang pagka sabi.

Kumunot naman ang noo ko. 'Ano bang pinagsasabi nito? Bagong kasal ah! Lol. Hindi nagpapakasal ang anghel sa anak ng demonyo noh. Fiction story. Walang katuturan!'

Dahan dahan akong tumayo. "Uwi na tayo couz."

"Kaya mo nang maglakad? Pwede naman tayong magpa umaga dito."

"Oo nga naman Mai. Dito kana lang muna." Sambat ni Belle.

"Di, kaya ko na. Uwi na tayo couz. Doon na lang tayo sa bahay magpapahinga."

"Okay, sabi mo eh. Kukunin ko lang mga gamit natin."

Inalalayan ako nina Belle at Joyce palabas ng staff office pero parang tumigil ang pag hinga ko nang nakita ko ang likuran ng anak ni satanas. 'Bakit pa siya nandito? Aw! Malamang siya namamahala kaya nandito pa siya.' Tsk

"Uuwi na kayo?" Malumanay niyang tanong.

'Kausapin mo lang Joyce pero wag kang humarap sa kanya.

"Ay! Opo sir. Gusto na ni Mai magpahinga sa boarding house sir eh. So uuwi na kami." Magalang na sabi ni Joyce.

'Tayo na Joyce, Belle. Di na ako makahinga sa aura ng gago na yan!

"Hatid ko na kayo!"

"Po? Nako sir. Nakakahiya naman. Wag na po." Sabi ni Belle.

"Di ikaw. Sina Joyce at Miss. . ?"

"Mai po sir.  . . Mai. Yun po tawag namin sa kanya." Sabat ni Joyce.

"Okay. Hatid ko na kayo." Akala ko susunod lang siya sa amin pero hindi. Dahan dahan niyang hinawakan ang balikat ko at nag posisyon siya na buhatid ako ng 'sweet heart carry'

"Ay, teka teka lang naman. Kaya ko namang mag lakad. Wag niyo na akong alalayan. Kaya ko na ang sarili ko."

"Okay, sabi mo eh." Binitawan niya ang balikat ko at na out balance ako. "Oh, oh. Tignan mo. Hindi mo kaya. Let me carry you. Ang choosy mo pa. Tinutulungan kana nga eh." Dagdag niya sabay karga sa akin.

Wow. Ako pa ang masama ha? Gago talaga tong anak ni satanas.

Sinakay niya ako sa harapa ng kotse niya. Tabi sa driver's seat. 'Teka lang! Bakit dito ako? Gusto kong umupp katabi ni Joyce.

"Uh, Pwede bang sa likuran na lang ako. Tatabihan ko lang si Joyce."

"No, diyan ka lang. Ang bigat mo, di nakita mabubuhat palabas para ipa upo ka sa likuran."

"Edi maglalakad ako. Kaya ko namang maglakad ah. Kung di mo lang ako parang tinulak na malakas kanina di ako ma a.out balance."

"Tinulak? Excuse me why would I push you? Isa pa magpasalamat ka nalang at nag offer ako ng tulong sayo. Lampa!"

Ang tagal naman ni Joyce sa loob. Sabi niya makikipag usap lang siya ni Belle saglit. Hindi kaya ng sikmura ko na makasama tong hayop nato dito.

"Ano bang problema mo ha? Bakit ba ang init init ng dugo mo sakin? Wala naman akong ginagawang kasama sayo ah. Matiwasay akong pumunta dito para mag trabaho pero ikaw ang pangit ng ugali mo sakin. Gangan kaba talaga sa mga probinsyana? Minamaliit mo kami?"

"Excuse me? Ako? Minamaliit ko kayo? Hello kung minamaliit ko kayo sana di nagtagal yang pinsan mo dito."

Napalunok ako. 'Tama nga naman siya. . . pero ha! Pinamumukha niya sakin na ako ang may kasalanan.

"Oh ano? Natahimik ka ngayon. . . " he laughed, maypa sandal sandal pa sya sa kinauupo.an niya.

Gago! Bi-polar ba tong gagong to? O baliw na talaga. Nakaka bwesit siya ha! Uuugh.

"Ano bang kasalanan ko at bakit ako ang pinatritripan mo? Bakit mo ako pinapahirapan? Pangalawang araw ko pa pero grabi ramdam na ramdam ko ang imperno na kinalalagyan ko dahil sa trato mo sakin. Sabi nila mabait ka naman. Pilit kong iniintidi yun at hinahanap sayo pero bakit di ko mahanap hanap sayo? Saan kaba pinaglihi ng nanay mo? Sa ampalaya? Pangyawan? Kahoy ng Nara? Mapapait yun eh. Sayang naman kasi yang kakisigan mo at inaaksaya mo lang yang panahon mo sa walang kwentang gaya ko." Prangkang sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumasagot. 'Oh ha! Sinong tiklop ang bibig ngayon . . . hinarap ko siya at tinignan sa mukha.

'Langya'ng to. Tinulugan ako! Nagsayang pa ako ng laway. Uuuugh.

No Empty SpacesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin