4 • Hello Day 2

Start from the beginning
                                        

Naging matiwasay ang aking pagtatrabaho dahil ni anino sa anak ni satanas di ko makita. Yes,yun ang tawag ko sa kanya. Parang anak naman talaga siya ni satanas. Ang pangit ng ugali. Sabi nila mabait! Mga bulag ba sila? Tsk.

20mins nalang tapos na ang trabaho namin. Excited na akong mag bihis at excited na akong humiga sa kama. Sakit kasi talaga ng likod ko. Ahay. Wala pa naman si Aling Huling para masahi.in itong sumasakit kong likod. Tsk. Doon sa amin kasi pag nagpapamasahe ako ni Aling Huling, kahit isang bote ng alak o di kaya tatlong piraso ng sigarilyo okay na sa kanya yun na pambayad. Eh dito? Kailanga mo pang gumastos ng 250 pesos para magpa massage. Eh, kalahati na yun para sa isang session ng dialysis ni tatay eh. Wag nalang. Titiisin ko na lang tong sakit na to. Mawawala naman to eh, di gaya ni tatay. Habambuhay na niyang dala dala ang sakit niya.

"Isang mesa? Halos mag lilimang minuto mo pang linisan? Tsk. Mukhang di talaga deserve na ma impleyado ka dito ah." Biglang uminit ang paligid ko nang narinig ko ang pamilyar na boses na yun.

'Nasa imperno na ba ako? Haay, sana hindi pa. Nagpakabait naman ako ah.'

"Uh s-sorry sir. May iniisip lang po ako. Pasensya na po di na mauulit." Sabi ko sa kanya. Umupo siya sa couch sa bandang harapan ko habang nililinisan ko naman ang mesa.

"Bumalik ka nalang kaya sa inyo ano? At mag aral ulit." Ipinatong pa niya ang kanyang paa sa mesa na nililinisan ko.

Napatigil ako sa pagpunas ng mesa. 'Ito na naman siya! Ano bang problema nito? Bakit ako ang dinediskitahan nitong mukong nato?'

"Sir. . . uhm  mawalang galang na po. Mag sti.stay pa po ba kayo dito? Babalikan ko na lang po ang table na to mamaya para linisan." Magalang kong tugon sa kanya.

"Take my advice Miss Mendoza. Hindi mo kakayanin ang trabaho dito. Inosente kapa naman."

"Sir. . . aalis na po muna ako!"

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo.
"P*ta! I'm still talking to you! Wala kang galang!"
Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa bulyaw niya sa akin, nabitawan ko ang hawak kong tray na may lamang mga bote ng alak at mga baso na din sa mismong paa ko.

Gusto kong sumigaw ng 'Aray! Tulong po!' Pero di kaya ng bibig ko na sumigaw ng ganun lalo na sa harap ng anak ni satanas. Sa Dios kasi diba dapat mag hingi ng tulong? Hindi sa kampon ng demonyo. Takot pa naman ako sa dugo.

"What the h*ll is going on in here Richard!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran. Alam kong siya yun. 'Salamat Lord at pinadalhan mo ako ng tagapagligtas ngayon'. Yun lang ang mga naisip ko bago dumilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

Nagising ako na nalahiga na sa couch sa staff room.

"Couz. . . Goodness! Couz, gising kana! Belle! Gising na si Mai." Tawag niya sa isang kasamahan ko sa trabaho.

"Anong oras naba?" Napahawak ako sa noo ko. Masakit pa kasi ang ulo ko tapos parang nahihilo ako. Ang sakit sakit din ng mga paa ko. Ugh. Malamang dahil yun sa mga bote na nabasag sa paa ko.

"4:30am na couz. . . hay salamat! Nagising kana. Pinag alala mo kaming lahat eh." Niyakap niya ako. Ang unang nasa isip kp agad si tatay. 'Nako! Baka sinabi to ni Joyce kay tatay. Paniguradong mag aalala yun tapos ipapa uwi niya ako. Nah! Wag naman sana.'

"Couz. . . alam ba to nila tatay?"

"H-hindi. Syempre hindi ko sinabi. Panigiradong magagalit yun tapos papauwi.in ka niya."

Hay salamat!

"Anong nangyari Joyce? Bakit ako nandito?" Tanong ko sa kanya. Di ko naman talaga kasi alam kong anong nagyari kasi nga diba nahimatay ako.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now