3 • Hello Job

Beginne am Anfang
                                        

"Couz? Are you ready?"

"Born ready!" Galak kong pagka sabi.

Binigyan niya ako ng mga instructions. Kung paano kumausap ng costumers, mga drinks and all pati na din mga tables. Baka daw kasi mawala ako sa dami ng tables at tao na rin.

At nagsimula na kami. . . Nung una okay pa kasi maaga pa at di pa masyadong maraming tao. Hmp! Sir Junior! Makikita mo, makaka survive ako ngayong gabi at sa darating pa na dalawang gabi at hanggang FOREVER! Hahaha

Pero nang lumalalim na ang gabi. . . Mas dumami na sila. Grabi! Kaliwa't kanan na ang tumatawag sa akin. May mga iba pa na nagpapa cute pero binabaliwala ko lang. Trabaho ang pakay ko dito kaya focus! Focus sa work Maitot!

"Couz, Paki dala nga to sa VIP, room #5 please? Pwede? Naiihi na kasi ako. Di ko na ata kaya. . ."

"Okay sige. . . Walang problema couz. Akin na."

Kinuha ko at naglakad na ako papuntang VIP, room #5.

"Here's your order!" Magalang kong sabi. Nang paalis na ako. . . Hinawakan ako nung isang lalaki. Bigla akong kinabahan.

"Wait. . . Bago ka dito?"

"Opo. . . "Payuko kong sabi. Hindi ko siya maharap. Dahil na din siguro sa kaba at takot.

"Ilang taon kana?" Napatawa pa siya ng kunti.

"Huy! Wag mo nga yang biro.in! Natatakot na siya oh?" Isang babae ang sumuway sa kanya. Balang araw, pasasalamatan kita ateng maganda.

"Parang 15 years old eh. Hahaha kailan ka pa tumatanggap ng minor de edad dito? Hahahaha" at pinagtatawanan na nila ako.

Hinarap ko sila at tinignan.

"21 na po ako." Nginit.an ko uli sila. Kailangan kong maging magalang sa mga costumers at sa aming boss. . . Uy, andito pala siya. Pati siya nakikitawa na rin.

"Taga probinsya yan. . . Ni recommend ni dad!" Dagdag niya.

"Uy, naging mas mahilig na pala si tito ng mas bata ngayon hahahahaha!" Sabi ni ateng maganda. Tsk. Binabawi ko na na pasasalamatan ko siya.

"Pero infairness ha? Maganda to pare. . ."

"Bata pa yan!" Sambat ni Sir Junior.

"21 na daw eh. Baka naman! Balato mo na to sakin Chard. . . "

"Ikaw bahala. . . " sagot ni Sir.

Para akong tuod sa harapan nila. Nagtatawanan silang lahat. Pinagtatawanan nila ako habang tahimik at walang paki.alam lang si Sir Junior. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Hindi ako makagalaw, hindi ako makatalikod at makahakbang palabas. Bakit ganito? Hinahayaan ko lang silang pagtawanan ako.

"Huy! Tumahimik na nga kayo. . . Baka iiyak yan!" Saway sa kanila ni Sir Junior pero kita sa mukha niya ang pagbigil ng tawa.

Maine Mendoza. . . Wag kang iiyak! Wag na wag kang iiyak. Nilakasan ko na lang ang aking loob.

"Ano? Umalis kana. . . Marami pang naghihintay sa inyo sa labas at sa baba. Mag trabaho kana!" Sigaw niya sa akin.

Napalunok ako. . . Gusto ko siyang murahin, gusto ko siyang insultuhin. Sino ba naman kasi sila para paglaru.an at pagtawanan ako. Ni isang butil ng bigas wala silang nai.ambag sa akin. Uugh! Bakit paba binubuhay ng Dios ang mga ganitong klaseng mga tao?

"O-okay po sir." Maluha luha kong sabi. "Pasensya po. . ." Dagli akong tumalikod at lumabas.

Nang makababa na ako hindi ko na napigilan ag sarili ko. Umiyak ako ng umiyak. Halo halo na ang mga nararamdaman ko. Na miss ko na si tatay, di ko ata kaya ang ganito, di ako makakatagal dito. Ang sasama ng mga uugali ng taong mga nakasalamuha ko dito. Isa pa yung Junior na yun! Sabi daw mabait bakit kahit sa anong anggulo di ko mahanap ang kabaitan niya.

Nilabas ko muna ang lahat ng sama ng loob ko bago ko inayos ang sarili ko at magpatuloy sa pag trabaho. Kunting oras nalang din naman matatapos na ako. Makakauwi at makakapag pahinga na ako.

Palabas na ako galing staff room.

"Okay ka lang?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran. Alam kong siya to. Ano na naman to?

Nilingon ko siya. Magiging walang respeto naman ako kung hindi ko siya sasagutin.

"Okay lang sir." Nginiti.an ko siya.

Naramdaman ko nalumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kanang braso ko.

"Wag na wag mong sabihin yun sa dad ko! Kundi malalagot ka sakin. Naiintndihan mo ba?" Pagbabanta niya.

Tumango nalang ako. Hindi ako makapagsalita. Parang sasabog ang buong katawan ko sa takot at kaba.

"Good! Magtrabaho ka na." Binulungan niya ako.

No Empty SpacesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt