"Okay Sir. . . " at lumabas na ako sa office niya.
Okay mag sisimula na ako. Pero wait! Magsisimula na ako? Ng ganito ang suot? wait nga. . .
Dahan dahan ko uling tinulak ang glass door. Kung kanina naka upo siya at naka yuko lang, ngayon naman naka upo siya pero nakatingin sa kisame na naka pikit, ang dalawang kamay niya nakayapos sa batok niya.
Ay? Natutulog ata. Wow? Agad agad? Hmm Lalabas na lang ako. Kay Joyce nalang ako hihingi ng tulong.
Akmang lalabas ako nang nagsalita siya. . .
"Oh? Ano?"
Patay.
"P-po?"
"May mga tanong kapa?"
Marami sir! Bakit ang gwapo mo kahit nakatingala at nakapikit. Cheret! Joke lang.
"Uhm, saan po ako hihingi ng tulong? I mean, ano. . . Uhm."
"Dito nag tatrabaho pinsan mo diba? Tanungin mo siya. Wag kang tanga. . . "
Ay! Gago! A-ako? Tanga? Walang hiya. . . Uugh. Seeees. Amo ka lang pero wala kang karapatan na pagsabihan ako ng tanga. Uugh. Pasalamat siya may kaunting respeto at malaking pangangailangan para sa tatay ko kundi. . . Ugh! Basta.
"Okay sir. Sorry! Pasensya po."
Agad akong lumabas at hinanap si Joyce. Syempre mag susumbong ako sa kanya. Ang bigat ng pakiramdam ko kahit 'tanga' lang yung sinabi niya sakin. Lumaki nga ako sa mahirap na pamilya pero ni isa wala akong narinig na nilalait o sinasabihan ako ng magulang, pamilya at mga kaibigan ko na 'tanga'. Gago siya!
Nang mahanap ko na si Joyce, sinabi ko sa kanya ang lahat ang mga sinabi nung Sir Junior na walang hiya habang papunta din kami sa staff room para magbihis.
"Ganun ba siya couz? Masungit? Shocks!."
"Uy, d-di ah. Mabait yang si Sir Junior. Tahimik nga lang yan parati eh. Baka may problema lang siya ngayon couz tapos timing na ikaw ang nakaharap niya kanina kaya ganun mga nasabi niya."
"Mabait? Woah! San banda? Tapos nag suggest suggest pa siya na mag aral daw muna ako. Gago pala siya eh! Kitang nag hahanap ng trabaho. . . Tapos mag aaral? Ugh! Sipa.in ko kaya itlog niya."
"Hayaan mo na yun couz. . . Hay! Sandyang di lang talaga maganda ang timing mo siguro kanina kaya ganun siya. Pero swear! Mabait yun! Sobra. Minsan pagkatapos ng work pinapakain pa nga niya kami lahat dito eh. Tatlong lang naman yung mga tao na alam ko na ikinagagalit niya. Yung tatay niya at yung stepmother at stepsister niya."
Kahit sino pa yang ikinagagalit niya WALAKOMPAKE! Pero wait! What?
"Tatay niya? Bakit naman daw?" Tanong ko sa kanya habang naghihintay na makita ni joyce ang fit size uniform sa akin.
"Oo. Nako! Kung alam mo lang. . . Pero lets talk about that some other time. Sa ngayon, mag trabaho muna tayo for papa Toto and para sa pamilya ko." Nginiti.an niya ako at inabot niya sa akin ang isang damit. Gold bids ang naa design sa dress at hindi naman masyadong ma-iksi. Mga above the knee lang naman ng kunti. Okay, ano ba ang ine.expect kong damit sa mga waitress ng bar? Naka filipiniana? Hahahaha loka loka.
Matapos naming mag ayos ni Joyce, well syempre tinulungan niya ako. First time kung gumamit ng blush on powder, doon kasi samin sa probinsya, lipstick lang nginungodngud sa pisngi namin para naman may pula pula yung pisngi namin at hindi mag mukhang bangkay. Shocks! Pati na din eye shadow. . .grabi ang daming pagpipili.an na colors. Kung doon, green lang meron ako. Ang pangit nga eh. Minsan nung araw? Nung may party sa college department namin. . . Nag mukha akong isda. Orange damit ko tapos eye shadow ko green. Diba? Ang pangit! Hahaha pero ito? Ang ganda ganda ko naman. . .
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
3 • Hello Job
Start from the beginning
