"Never! Tsaka wala din kasi sa isip ko yang mga ganyan ganyan. Wag mo ng asahan."
"Okay! Ikaw bahala. Sabi mo eh. . . Pero diba may manliligaw ka? Yung Leo ba yan? Diba couz mayaman yun? Bakit di na lang yun yung sinagot mo tapos na sana problema natin. Hahaha may lifetime session na ng dialysis si Papa Toto." 'Papa' kasi ang tawag niya kay Tatay.
"Nah! Wala kasi talaga akong nararamdaman kay Leo. Ayaw ko din naman pagsamantalahan ang kabaitan nung tao. Baka ano. . . May kapalit pa yung tulong. Tsk, mas mahirap na."
"Sabagay. . . Tama ka naman pero bakit di mo pa din bina.busted yung tao kung di mo naman pala gusto?"
"Kung alam mo lang couz. . . Naka ilang busted na uy kaso matigas yung bungo! Ewan ko ba. . . Di daw talaga siya titigil. Eh di bahala siya."
"Wow naman! Iba din yung fighting spirit huh. Makahingi nga ng makapalan tong pagmumukha ko kahit kunti. Hahahaha"
"Gaga! Hahahaha"
Nasa isang sulok lang kami ni Joyce, naghihintay may alas singko at mag sta.start na din yung duty niya.
"Uy, 4:54 na pala. Magbibihis lang ako couz ha? Okay ka lang ba dito? Gusto sana kitang isama pero baka tawagin kana sa loob. Dito kana lang muna ha?"
"Okay lang ako. . . Wag kang mag alala!" Pangiti ngiti kong sabi. Pero yung totoo naiihi na natata.e na talaga ako sa kaba. First time ko kaya sa job interview. Sana naman okay lang ang kalabasan.
"Maine Mendoza? Ikaw po ba yun? Pinatatawag na daw po kayo ni sir junior sa loob." Isang di naman katandaang babae ang lumapit sa akin. Tumayo ako at inayos ko ang damit ko. Ito na Maitot! Go for the gold! Para kay tatay to. Para sayo to tay! Para satin to.
Dahan dahan kong itinulak ang glass door. Grabi! Ang unang bumungad sa akin ang mabangog opisina ni sir Junior. Ang bango . . Ang tamis tamis ng amoy. Papikitpikit pa ako habang nilalanghap ang amoy sa loob.
"Eeeheerm."
Minulat ko agad ang aking mga mata nang marinig kong may nagsalita. . .
"Ay, si-. .sir. . .sorry po. Mabango lang po talaga. Hehehe sorry p-"
"Maupo ka Miss Mendoza." Hindi ko masyadong naaninag ang mukha niya dahil nakayuko siya. Malamang yung resumé ko ang hawak niya.
Umupo naman ako. Nilalaro ko ang mga daliri ko. Grabi! Sobrang kinakabahan ako. Ang gaga ko din naman kasi. Bakit di man lang ako nag tanong kung anong klaseng tao to si Junior. Hindi naman ako manghuhula o di kaya nalalaman ang pagkatao ng tao sa pisikalan na tingin lang.
Hindi naman kasi basihanan ang namumutok na biceps niya, pati yung makinis na mukha niya. . . shocks! Di siguro nakakalapit ang small particles sa mukha kanya. . . Grabi ang kinis ha! No tresspassing sila. . . Pero sandali! Ano ba tong mga naiisip ko.
"Base on your educational background 3rd year college kana. Sayang naman at di kapa nagtapos. Bakit di kapa kaya mag aral muna." Suhestyon niya. Ano raw? Loka loka ba tong lalaking to.
"S-sir . . . Financia-"
"Miss. . . Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Hindi naman talaga kasi ako mahilig sa interview interview nato pero hindi porket ni recommend ka ng tatay ko okay na. I'll observe you Miss Mendoza. For 3 nights. . . Magsimula kana ngayon. Kung wala kanang mga tanong, Makakalabas kana din." Tuloy tuloy na sabi niya sa akin na hindi naman nakaharap sa akin.
Yun lang? Di man lang siya magpapakilala? Yun na yun? Interview yun? Ano ba yan. Nag lipstick paman din ako ni hindi naman niya ako tinignan sa mukha.
DU LIEST GERADE
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
3 • Hello Job
Beginne am Anfang
