"Oh diba? Sabi ko sayo couz noh? Maganda tong lugar na pagtatrabaho.an mo. Pero mamaya mapupuno na yang dance floor kaya di mo na masyadong ma a.appreciate itong lugar. Teka, hahanapin ko lang si Carlo ha? Sa kanya kasi natin ipapasa yang mga papeles mo." Sabi sakin ni Joyce. "Iiwan kita dito. . . Dito ka lang ha? Wag kang aalis dito." Tumango tango naman ako.
Habang nakikita ko ang mga tao nag pumapasok sa loob bigla akong nakaramdam ng hiya. Grabi din kasi yung mga suot nila. Kumikinang yung iba! Naka leather jacket yung mga ibang lalaki. . . Hindi ba sila naiinitan? Nakakaloka! Tapos naka backless, sleevess o di kaya tube lang yung ibang mga babae tapos isang kembot at kilos ng iba nakikita na yung mga panties. Grabi naman sila! Ganon naba talaga ang style ngayon? Hay! Grabi.
Inayos ko ang suot kong t.shirt na may tatak na angry birds. Oo na, oo na. Luma nga tong damit ko pero favorite ko to. Bili kasi to ng tatay ko nung birthday ko. Paki nila kong ganito lang suot ko. . . Di naman ako pinagtitinginan kaya okay lang.
"Uhm miss? okay ka lang ba?"
Isang di naman masyadong matandang lalaki ang lumapit sa akin. Shocks! Pati mga goraring. . . Nakiki Bar din dito? Grabi ha? Ang fashionista din ni tatang oh . .
"H-ha? Uuh. Po? Ako po ba kinakausap niyo?" Paniguro ko sa kanya.
Tumango lang siya at ngumiti.
"Ay, sorry po. Uhm, hinihintay ko lang po kasi yung pinsan ko. May pinuntahan lang po daw siya."
"Ah, ganun ba? Akala ko may hinahap ka or naligaw ka dito."
"Ay nako oo ay! Hindi po. . . " madalas ba dito tong matanda nato? Ang chill ng dating niya ha. Nako! Ka tanda tanda na niya ngayon pa siya lumalantod? Tsk.
"So. . . How do you find the place?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Pang Miss U lang? Hahaha teka. . Sasagutin ko lang. Baka sabihin niya snob ako.
"Uhm, Maganda naman po. Over-looking kasi din po kaya nakaka dagdag kalma sa banda doon kahit dito sa may area nato masyadong crowded dahil sa mga sumasayaw. Kaso nakakatawa lang yung pangalan ng Bar. Ang tanda tanda ng dating eh. Hahaha 'Panchito'? Hahaha saan ba galing yun? Nakakaloka ang may-ari nito ha? Hahaha pero try ko pa din mamasukan dito. Baka tatagal ako. Hmmm Pero over all naman po maganda talag . . -" shocks! Dami kong sinasabi. Nakakahiya. Ang daldal mo Maine.
Tumawa naman si tanda. Hala? May sayad ba to si Manong? Bakit niya ako pinagtatawanan? Nah. Nakakahiya tuloy.
"So mag tatrabaho ka pala dito? I mean, mag aaply ka?" Pangiti ngiti niyang tanong sa akin.
"Hmm, opo. S-sana po. Kung papalarin. Lumuwas po talaga ako dito galing probinsya para sa trabahong to. Sana nga po matanggap ako."
"Talaga? Nako! Sana nga papalarin ka iha. Patingin nga ng Application papers mo? Dala mp ba?"
"Ho? A-ay i-ito po. . . " inabot ko ang isang envelop kung saan doon nakalagay ang mga papeles ko. Isa isa niyang binasa ang resumé ko. Shocks! Baka may mali ako doon o di kaya wrong grammar. Nah, mag balot balot kana Mai.
"Uy, 3rd year college kana pala? Kunting kunti na lang. Bakit di mo pa inuna ang pag-aaral mo? Sayang oh." Pa lingo lingo siya habang binabasa ang Education References ko.
"Oo nga po eh. Sayang nga. . . Kaso kailangan ko po talagang maghanapbuhay para sa tatay ko po. May sakit po kasi siya. Kailangan ko ng magtrabaho para matustusan ko ang mga gastusin at mga gamot niya." Baka makatulog to. Makonsensya ka sana. Ma konsensya ka sana.
"Talaga ba? Di ka nagbibiro?" Diskumpyadong tanong niya sa akin. Ay grabi siya ha! Judger masyado. Tong pagmumukhang to? Nagsisinungaling? Nah! Utot niya.
"Talagang talaga! Di kaya ako pinalaki ng tatay toto at nanay Mary Ann na nagsisinungaling at mandarambong ng kapwa." Tinarayan ko pa siya ng sagot. Akala mo ha? Di porket probinsyana ako pwede mo na akong ganyanin. Hoy! Palaban to noh.
"Okay, you're hired!" Aniya. Komportabling komportable niyang sabi.
"Tsaka sab. . . - po? A-ano po? I'm hired?" Jusko! Sana tama dinig ko. Lord, sana ito na ito na.
"Yes. Diba kailangan mo ng trabaho? Ito na. You're hired." Naka ngiti pa siya. Hala! Hala! So ibig sabihin siya ang may-ari nito? Oh my! Patay!
"Sa-sandali po ha? Wait lang talaga. . ." Huminga ako ng malalim para kumalma. "So ikaw ang may-ari ng lu-lugar nato po?" Patay tayo nito Maitot! Ikaw kasi eh. Walang preno yang bibig mo.
"Oo, ako nga. . . Pero yung anak kong panganay ang namamahala dito. Wag kang mag alala ako na bahala dito. Bumalik kana lang bukas para sa interview. Baka bukas kana din magsisimula." Pangiti ngit nitong sabi. Magsasalita na sana ako kasi parang diskumpyado pa ako ng kunte eh. Baka ginu.good time lang ako ni tanda nang dumating si Joyce.
"Couz . . . Akin na yuuung. . . - hala! Good evening Sir Senior." Gulat na bati ni Joyce kay manong tanda.
"Ah! Ikaw pala ang pinsan nitong dilag nato, Joyce. Uh. . . Hmm, ako na bahala sa papeles ng pinsan mo. Sinabihan ko na siya na babalik na lang siya bukas para i.enterview na siya ni Sir Junior niyo."
"O-okay po Sir. Nako! Maraming salamat po. Maraming maraming salamat po talaga. Kung alam mo lang kung gaano kalaki ang naitulog mo dito sa pinsan ko po." Sunod sunod na sabi ni Joyce.
Ako naman tulala lang. Jusko! Parang may dumaan na anghel sa harap ko. Parang naka zipper yung bibig ko.
Sana ito na nga. . . Panginoon.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
2 • Hello Manila
Start from the beginning
