Bumuntong hininga naman ako sabay taas ng kanang kamay ko. "Oo na. Promise di ko sasabihin. Atin atin lang to. Idadagdag natin to sa #MaiJo Secrets natin." Saad ko sa kanya.
"Basta ha?" Paninigurado niya at tumango tango naman ako. "Kasi ano. . . Yung trabaho natin. Di talaga kasi ako Call Center representative eh." Pag amin niya.
Sinasabi ko na nga ba eh. Malakas talaga yung kutob ko na nagsisinungaling tong babaitang to. Ako pa ba maloloko nito. . .eh kahit koko nito alam na alam ko kung kailan mababali o ano.
Kinalma ko ang sarili ko bago ako nagsalita sa kanya. "So ano ang trabaho mo dito? Wag mong sabihin Joyce nagbibinta ka ng katawan mo o di kaya nga illegal na dro. . .-"
"Ay, grabi siya oh! Ang halay at sama ko naman sa paningin mo. Hindi no. . .h-hindi ganon. Marangal ang trabaho ko noh kahit madalas madaling araw na ako nakakauwi."
"Ha? Madaling araw? Bakit ano trabaho mo? Dancer sa club? Jusko! Joycelyn Remoroza ha? Sinasabi ko talaga sayo. . . Uuwi talaga ako ng probinsya agad agad kahit magpapa anod na lang ako hawak hawak ang lubid sa barko dahil wala na akong pera pag ganon din ang magiging trabaho ko."
Napatawa naman si Joyce sa sinabi ko. Medyo nakakatawa din talaga siguro yung pagmumukha ko nung sinabi ko yun.
"Huy! Gaga! Hindi ganon noh. Nakakaloka ka! Marangal ang trabahong waitress sa Bar! Wag kang shunga shunga. . ."
Ah, waitress pala ang trabaho niya. Kaya pala inuumaga siyang umuuwi. Tsaka sabi pa niya graveyard shift. Langya! Graveyard shift sa Bar pala. Loka loka talaga tong babaitang to. Pero infairness, marangal nga naman. Siguro naman may business permit at approve sa taong bayan ang Bar na pinagtatrabahu.an niya noh? Nako! Pag talaga pinaglololoko ako nitong pugitang putot nato makikita niya talaga.
"Aaw. So? Ganon din trabaho ko? Okay lang naman. Kaya ko naman makipag puyatan basta ba maganda ang sahod. Alam mo naman kung gaano ako nangangailangan ng pera ngayon."
"Oo, waitress slash janitress tayo doon. Wag kang mag alala. Malaki ang sahod! Di kaya basta basta yung Bar na pinagtatrabaho.an ko. Mga 1st class na mga tao ang pumupunta doon. Pag nagustuhan nila ang service mo binibigyan kapa nila ng tip. Maliit na ang 500 pesos na tip yun."
Kumililing naman ang teynga ko sa sinabi niya. Payts! Pagba gabi gabi ko gagalingan tapos gabi gabi din ako makakakuha ng tip paniguradong maypampadala ako kay tatay para sa dialysis niya. Yes! Pwede na to.
"So kailan ako magsisimula?" Galak kong tanong sa pinsan ko na ngayon ay parang baboy kong ngumuya ng pagkain. Akala naman nagresulta, eh payatot parin naman.
"Pupunta tayo doon ngayon. Ipapasa natin mga requirements. Baka bukas pwede ka ng magsimula. Nako! Na swertehan ka talaga ngayon couz. . . Nagka slot talaga kami ngayon dahil nag resign yung nabuntis naming kasamahan."
Napangiti naman ako. Mukha nga! Ma swerte nga ako. At nagpatuloy na ako sa pagkain.
•
"PANCHITO BAR"
Yun ang nakapaskil sa labas. Natatawa ako, ang pangit kasi ng pangalan ng Bar. Jusko! Mga ilang ninuno na kaya ang lumipas sa bar na to? Hahahaha. Ay, sorry sorry. Ang tanda lang kasi ng pangalan. Kahit naman siguro taga probinsya ako pero may alam din naman akong nga pangalan ng bar doon. Like 'DSP' o tinatawag nilang 'The Same Place, tsaka yung sikat na sikat doon sa amin malapit sa Layan Colleges kung saan ako nag aaral yung 'Beat Up' pero sa totoo lang ha? Ewan ko kung anong kaibaha sa club at bar. . . Sana naman may sagot na ako sa mga katanungan kong ito pag magtatrabaho na ako dito.
Pagkapasok ko sa loob, literal! Nalalag ang panga ko. Grabi! Ang ganda din naman kasi ng lugar. . . Over looking! Shocks! Tapos may two ayy hindi! Three floors pa. VIP yung sa 3rd floor kong hindi ako nagkakamali. Tapos glass pa ang halos ding ding nito. Grabi! Ang ganda. . . Kita kita mo yung kagandahan ng lugar.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
2 • Hello Manila
Start from the beginning
