"P-pwede yun Nang! Maganda yung pagtitinda." May kaunting sigla akong pinakita sa kanya.
"Pero Mai, di sapat ang ang kinikita mo doon. Pang isang dialysis session lang ang pwede nating matustusan sa isang lingo tsaka paano na ang pang araw araw niyong pangangailangan? Gamot ng tatay mo? Yung pag aaral mo?"
"Tama ka nga nang. Di po talaga sapat." Napabuntong hininga nalang ulit ako.
"Pero Nak may alam akong trabaho na pwede mong gawin at may malaki laki ding kita para matustusan mo ang pangangailangan ng tatay mo. Kaso malabo eh, nag aaral kapa tsaka malamang di papayag yung tatay mo."
"Nang plano ko sana pong huminto muna. 3rd year college naman na po ako. Kunting kembot na lang at ga.graduate na ako pero po kailangan ko pa rin pong mas tuonan ng pansin si tatay eh. So, ano po yung suhestyon niyo po?"
"Hay nako bata ka! Paano kaba pinalaki ng itay at inay mo at bakit ang bait bait mo?" Binigyan ko siya ng kunting ngiti.
"So ano nga po yung trabaho na alam niyo po? Baka magagawan ko ng paraan si tatay na pumayag po?"
Humugot ng hangin si Nanang bago nagsalita. . .
"Lumuwas ka ng doon sa Manila. Doon sa pinsan mong si Joyce. Alam kong may ibibigay siyang trabaho sayo doon."
Natigilan ako at napa-isip. Tsk! Mukhang di talaga papayag si tatay nito. Hindi ko din kayang iwan siya ditong mag isa.
"Oh diba? Sabi ko sayo malabo. . . "
Nginiti.an ko lang siya ng kunti.
"Oo nga Nang. Mukhang malabo nga." Pailing iling kong sabi.
Mukhang mahaba haba pa ang gabi kong ito ah at nadagdagan pa ang mga iniisip ko. Ano ba talaga ang dapat kong gawin? I.coconsider ko ba ang sinabi ni Nanang? Tsk! Magandang oppurtunidad din naman kasi yun tsaka tama nga! Mas malaki laki yung sahod.
Pero. . . Malamang di talaga papayag si tatay. Hindi pa kasi kami nagkalayo niyan ng matagal. Naalala ko noon may Science camporee akong sinalihan sa kabilang bayan. . . Isang gabi lang kami nun nagkahiwalay. Kinabukasan, pinuntahan niya agad ako sa camporee'ng yun at pareho pa kaming namumugto ang mata malamang sa kakaiyak nung gabing di kami nagkasama. Ganun kami ka close ni tatay kaya mahirap talaga pag magkalayo kami.
Pero yun na nga. . . Yung sahod sa Maynila! Malaki laki talaga eh. Sabi ng Nanang, pwede ako mag Call center agent or call center representative. Yun daw kasi trabaho ni Joyce doon eh. 10 kyaw kadalasan ang pinapadala niya kela Nanang kaya malamang malaki laki talaga ang sahod niya.
Patuloy ang pag iisip ko habang nilalatag ko ang karton na hihigaan ko dito sa may hallway ng hospital. Bawal kasi doon sa loob ng male ward matulog eh. Isa lang daw pwede ang watcher ng pasyente kaya dito na lang ako sa lapag. Bahala sila kung anong iisipin nila.
Para kay tatay. . . At para sa akin din tong desisyon ko na to. Sana tama to Lord. Sana tama to. Pabulong kong sabi bago ako dinalaw ng antok.
•
Hindi madali ang pagpapaalam ko kay tatay nang napag desisyonan ko na makipagsapalaran sa syudad para matustusan ang mga pangangailangan namin lalo na ang mga pangangailangan niya.
Naging emosyonal kami pareho. Muntik na nga niyang hablutin ang mga apparatus na nakatusok sa kanya para lang mag makaawa na hindi ko itutuloy ang pag alis ko.
"Mai, anak. . . Parang awa mo na. Wag mo akong iiwan anak. Wag kang lumayo. Hindi ko kakayanin. Anak please . . . Sabi ko naman sayo diba? Hindi ko na kailangan ang magpa dialysis. Kung panahon ko na talaga edi panaho. . .-" napatigil na naman siya sa kanyang pagsasalita. Namimilipit na naman siya sa kanyang bandang tagiliran.
"Tay, tay. . . Hindi ko naman kaya po na tumunganga lang dito habang ikaw ay lumalaban na sa sakit mo. Tay mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag mawala ka sakin na wala man lang akong ginawa. Tay please, pagbigyan niyo na po ako. . . Okay naman po ang trabaho ko doon tay. Nakausap ko na si Joyce. Malaki laki po talaga ang sahod. Matutustusan ko na ang mga pangangailangan natin pati yang pag gagamot mo tay."
"To, andito naman kami ni Bernard para alagaan ka. Hindi ka namin pababayaan habang nasa malayo si Mai. Tsaka may pesbook naman na ngayon . . Tama ba ako iha? Pesbuk ba yon? Pes-hok? Basta yun. Maka bidyu call tayo sa kanya araw araw. Ganun kami ni Joyce To. Nakikita din namin siya sa telepono. Kaya pumayag kana." Pagpupumilit din ni Nanang Ten kay tatay.
Kahit medyo natagalan ang kanyang pag desisyon hinintay ko pa din. Ayaw ko namang maging swa.el na anak na tatakasan lang ang ama dahil hindi ako pinayagan dahil hindi nila ako pinalaki ni Nanay na ganun pero maypagkamapilit din akong ugali.
"Okay sige. . . Pagbibigyan kita. Tatlong buwan Maine, Tatlong buwan. Pag hindi ka pinalad doon umuwi ka rito at itigil na natin ang dialysis dialysis na yan. Kung panahon ko na talaga mangyayari at mangyayari talaga yun kaya wag na nating ipilit pa. Naiintindihan mo ba ako?"
Tumango tango ako. May kunting sigla sa aking puso dahil napapayag ko si tatay pero syempre may lungkot din dahil maiiwan ko siya pero para naman to sa kanya kaya gagawin ko ang lahat.
Lumipas ang mga araw, na ready ko na ang lahat. Ang mga gamot, mga pagkain ni tatay ay naibilin ko na lahat kina Nanang Ten Ten. Naging maayos din ang pagpapaalam ko kay tatay at pinangako ko sa kanya na araw araw akong makikipag video call sa kanya para maibsan ang aming pangungulila.
Hindi na ako nagpahatid sa pier dahil alam kong bubuhos lang ng luha at baka di pa ako matuloy. Si Leo lang nagpumilit na ihatid ako dahil marami akong dala. Siya nga pala ang masugid kong manliligaw mula pa nung 1st year college pa ako. Sabi ko naman sa kanya na di ako mag bo-boyfriend hanggang di pa ako makatapos ng pag-aaral pero sabi naman niya na maghihintay siya edi sige, Bahala siya.
"Mai, ma mimiss kita." Sabi ni Leo sa akin ng mababa na niya lahat ng mga gamit ko mula sa kanyang pickup truck.
May kaya sila ni Leo dahil anak siya ng Vice Mayor ng bayan namin. Inalukan naman niya ako ng tulong para sa aking ama pero alam niyo naman. . . Mas maganda yung di ka naka depende ng tulong sa iba dahil baka may kapalit ito kaya di ko nalang tinanggap.
"Salamat Leo ha? Sige. . . Ma una na ako. Mag iingat ka sa pag-uwi mo."
"Ikaw din Mai. Mag iingat ka din doon. Wag kang mag alala, bibisitahin kita doon pagnagkataon. May mga kamag-anak kami doon."
"Ah? Talaga ba? Sige salamat Leo."
"Ay, nga pala Mai. . . Text text tayo ha? Ma mimiss talaga kita." Huling sabi niya. Tinangu.an ko lang siya bago tumalikod at naglakad na papuntang ticketing booth.
Isang araw at kalahati din ang byahe ko sa barko at wala akong ginawa kundi ang magdasal para kay tatay at para din sa magiging buhay ko na malayo sa kanya.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
1 • Risk
Start from the beginning
