TLL SC 4: triple adorable blackmailers

40.4K 1K 82
                                    

A/n: false alarm lamang na nag update kagabi, imbes na save , publish ang napindot...maligalig kasi ang daliri ko minsan eh, sa fb nga kahit pupusuan ko ang isang post, nauuwi sa sad face , minsan angry face....nagagalit na siguro mga friends ko sa akin....pero inaayos ko naman agad...mahirap na.

...

TLL SC 4

Pagkahinto pa lamang ng sasakyan sa mansion ng kanyang kakambal na si Ran ay mabilis na nagtakbuhan palabas ang kanyang mababait na tsikiting. Habang tumatakbo ay malakas na sigawan ang ginagawa ng tatlo sa kanilang paboritong pinsan...nag -iisa pa nga lamang pala ang pinsan ng kanyang mga anak sa ngayon, pasaaan ba at tiyak madadagdagan din, lalo na at nagmamadali na ang isa.

"Miyami!" Sigaw yun ni Ravin na nauna sa lahat.

"MiMi,we're here!" Si Raven na excited na kanina pang mag swimming, kinuha niya ang bag na pamalit ng tatlo. Pinagdala pa rin sila ni Candice kahit may gamit na ang kanyang mga anak dito.

"Miyatot!" Si Robin iyon, hindi niya tuloy mapigil na mapakomento sa sarili.

"Ang lakas magpangalan ng ganoon, samantalang siya naman ang ututin."

Natatawa na lamang siya habang naalala ang tagpo sa sasakyan kanina, makailang beses na iyong nangyari, immune na yata ang mga kakambal nito sa ganoong ugali ng kanilang bunso. Sana nga lamang kapag dumating na ang kanilang bagong bunso ay mag remedyo na ito.

"Sir, kuhanin ko na po ang gamit ng triplets." Sinalubong siya ng isang kasambahay kaya naman inabot niya na ang dala niyang bag dito. Sumunod siya papunta sa poolside kung nasaan ang tatlo, doon nakatayo ang kanyang kakambal na giliw na giliw sa kakulitan ng kanyang anak. He tapped Ran and kissed her cheeks.

Malapad naman itong nakangiti sa kanya.

"Your kids are so adorable!" puri nito kasama ang isang marahang hampas sa kanyang braso. He rolled his eyes, some things never change.

"Adorable is not the right word to describe them. Sobrang kukulit 'ka mo." Protesta. Alam naman niya iyon, kanino pa ba magmamana ng kapogian ang mga iyon kung hindi sa kanya.

"Tsk. You're just experiencing what you did to dad when we were kids. Yun lang malala ang karma mo. " asar nito sa kanya, napanguso na lamang siya. Ilang beses na ba niyang narinig iyon mula kay Ran, pero iba kapag sa daddy niya naririnig, sobrang asar ang nararamdaman niya kapag ang daddy niya ang nagsasabi noon. Tapos sobrang pamper pa nito ang kanyang mga anak, hindi niya tuloy maiwasang isipin na kinakuntsaba ng daddy niya ang mga anak niya.

"Hello uncle, I want to kiss you!" bati ni Miya na nasa kanyang harapan, nakataas ang mga kamay nito at ang cute cute sa swimwear na pink.

"Of cource little princess." Masuyo siyang yumuko para mahalikan nito.

"Kung sana kasing bait mo lamang ang mga anak ko." He smile at that, matapos ang kiss ni Miya ay ti nap niya naman ang ulo nito.

"Why Tito? Aren't they nice?" tukoy nito sa mga pinsan na nasa tubig na at mukhang nag wrewrestling, ngumiti siya kay Miya.

"They are...lalo na kapag tulog." Hindi maintidihan ng bata, ilang sandali pa ay lumapit na si Raven at hinihila na ang kamay ni Miya pabalik sa kiddie pool. Tili ng tili naman si Miya dahil hinhabol sila ng team ni Ravin at Robin. Nakasakay kasi Robin sa likod ni Raven, kunwari monster daw ang dalawa. Pati ang mga bantay na nakamasid ay tawa ng tawa sa likot ng apat na bata, ang tutor naman ay nakaalalay lamang din sa mga ito.

"Buti hindi nagmana sa kasungitan mo ang anak mo no? Kung nagkataon..." pinutol ni Ran ang kanyang sasabihin, pinaalala nito na uuwi na dapat siya. Si Yuan na raw ang maghahatid sa mga bata , pagkabalik nito galing sa biglaang meeting.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon