TLL 2:

70.4K 1.7K 45
                                    

***

TLL2.

"Aray!" Malakas na ang hiyaw nito kaya naman bumitiw na si Candice sa pagkagat dito.

Hinihimas nito ang braso habang masamang nakatingin sa kanya.
" Alam kong masarap ako, pero wala kang karapatan na kagatin ako! " singhal nito sa kanya.

Hindi na lamang inintindi ni Candice ang kaberdehan na lumabas sa bibig nito, kunwari na lamang hindi niya naintindihan iyon.

" sinundan mo ba ako dito?" Tinaasan niya ito ng kilay, ang kulit kasi , hindi naman talaga siya pwede ngayong araw dahil may trabaho siya, tiyak naman na kapag libre na siya, libre rin ito. Hawak nito ang sariling oras, hindi kagaya nya.

" kapal ng mukha, asa naman na ikaw pinunta ko dito." Galit itong tumalikod. Naiwan pa si Candice doon na malalim ang iniisip
, simula ng maging kaklase niya ang Ren Romualdez na ito, umapaw na ang kanyang stress sa katawan, madali lamang sa kanya ang mga pag-aaral, kayabangan lamang talaga nito ang nagpapakumplikado sa bagay bagay.

Mababait ang kanyang mga nagiging kaklase, ito lang talaga ang nasilat na may kademonyohan sa katawan. Paano niya ba papatawarin ang paghahamak nito sa kanyang kahirapan? Na isa lamang siyang iskolar at pera nito ang nagpapaaral sa kanya? Pagalitan siya dahil sa pagnanakaw kuno ng kuryente sa school, madalas kasing nakakatulugan niya na lowbat ang kanyang phone, kaya sa school na lamang siya nakakapagcharge.

Big deal yun para kay Ren, paborito siyang asarin nito. Hindi niya nga maintindinhan, sinubukan niya rin mag pa change sched, yun lamang di maganda ang oras. Kaya no choice, tiis tiis kasama ang mongoloid na si Ren.

Minsan naisip niya kung may gusto kaya ito sa kanya? Parang ganoon kasi ang dating, pero ng makita na kung sino ang kasama ni Ren sa table.

Nagising siya sa katotohan.

"Tss, bakit ko ba naisip na may gusto sa akin yung bugok na 'yun?"  Mahinang bulong niya.

" sinong bugok?"nagulat si Candice sa pagsulpot ng kapwa Crew na si Michelle sa kanyang gilid.

" wala" hindi na lamang ito sinagot at pumunta sa kanyang pwesto. Cashier sya ngayon, rotation kasi. Hinanda niya na ang kanyang ngiti, iniiwasan niya na mapadako sa mayabang na si Ren ang kanyang mga mata, dahil baka mag mukhang peke ang kanyang mga ngiti kapag nakita niya ito.

Kung sabagay , hindi naman siya makikita nito ngayon dahil kasama nito sa Eunice, lahat ng nag-aaral sa kanilang university, alam na may something si Ren dito. Maganda naman kasi talaga si Eunice, na kahit babae siya , hindi niya mapigil na humanga dito.

Pero hindi siya tomboy, o ano...humahanga lamang at naiinggit na rin.

Kahit kasi ulila nito, maraming , nagmamahal , napaka swerte.

***

"Are you listening?"

Bumaling ang tingin ni Ren kay Eunice, kanina pa pala ito nagsasalita sa kanyang harapan. Hindi niya maintindihan kung bakit ang napapadpad na naman ang mga mata niya kay Darnang Flat na nagpapacute na naman sa mga customer.

"Sorry, may naisip lamang ako." He should be happy right now, lalo na at si Eunice mismo ang nang-imbita sa kanya.

"Don't worry about Ran, alam mo naman na ganoon lamang siya, i know she will be happy if you go in our birthday," pagtatanggol ni Ren sa kapatid. Natatakot kasi si Eunice na pumunta sa debut ni Ran,  hindi alam ni Ran na malaki ang takot ni Eunice dito. Tingin pa lamang ng  kanyang kakambal, nanginginig na ito. Tahimik lamang ito at hindi alam kung paano magpapasalamat sa kanilang pamilya.

The supposed to be enemy pero itinuring na anak? Wala na sigurong babait pa sa kanyang mga magulang.

"Do you think? Tayo pa ba ang maglolokohan Ren? Your sister hated me the moment I stepped in your house."

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon