TLL 39:

44.7K 1.2K 26
                                    

#unedited

...

39

"Salamat sa paghatid." Paalam ni Eunice kay Ren at sa girlfriend nito. Kumaway pa siya habang paalis ang kotse ni Ren, hindi niya mapigil ang mapahawak sa kanyang puso ng mawala ito sa kanyang paningin.

Napakasakit. Parang bibiyak at hinahati sa ginto. Pinili niya ito, desisyon niya ito mula ng namulat siya sa katotohanan,kaya lamang, sariling damdamin niya rin ang kanyang kinakalaban. Matagal niya ng mahal si Ren, pero kailangan niyang magpanggap na hindi at paulit-ulit itong tanggihan. Masakit na baka matulad siya sa kanyang ina, ayaw niyang gawin iyon sa pamilyang nagmahal sa kanya.

Pero heto siya...gumagawa ng paraan dahil sa kanyang makasariling dahilan at paghahangad ng pagmamahal buhat sa nag-iisa niyang pamilya.

Sino ba ang anak na hindi naghangad na mahalin o makatikim ng pagmamahal buhat sa kanyang ina?

Kung iba, ang sagot ay hindi, para sa kanya na pinagkaitan niyon at araw araw na nakakaramdam ng kakulangan...walang araw na hindi niya pinangarap na makaranas ng pagmamahal at pag-aalaga mula dito.

"Anong nangyari sa mansion?" Iyon agad ang bungad sa kanya ng kanyang mommy Amanda, alam nito ang code sa kanyang unit kaya naman malaya itong nakakapasok. Buti na lamang at hindi umakyat si Ren, pero hindi nga naman talaga dahil kasama nito ang nobya. Ang babaeng kinaiinggitan niya ngayon.

Lumapit siya dito para halikan sa pisngi, pero agad itong umiwas.

"Wag na, amoy alak ako ay sigarilyo." Naamoy niya nga, pero hindi nya mapigil na madismaya, gusto niya lamang maglambing at iparamdam ang kanyang pagmamahal, pero wala pa man ay dagli na itong nag iiwas.

Maganda ang kanyang mommy, hindi nakapagtataka kung bakit maraming nahuhumaling dito, alam niya din ang nangyari sa nakaraan nito at ng kanyang tito Jett. Ayon dito, inagaw daw ng kanyang tita Clem ang pamilya na dapat ay sa kanila. Sila daw dapat ang nasa mansion, sila daw dapat ang nagbubuhay reyna, hindi ang mga mang aagaw na pamilya ngayon ng kanyang tito. Matindi ang galit nito, pero hindi naman niya magawang magalit sa kanyang tita Clem dahil sa napakabuti nito sa kanya.

"Kinamusta po nila ako, ang pag-aaral ko at ang-"

"Yun lang? Hindi ka ba nila binigyan ng pera?Kailangan ko ngayon!" Nagmamadali ang boses nito, hindi naman nagkulang ang pamilya Romualdez sa pagbibigay ng suportang pinansiyal sa kanya, kung tutuusin sobra sobra pa nga. Halos apat na taon na rin na nagkita muli sila ng kanyang mommy, mula noon wala ng mintis ang pagbibigay niya ng pera dito. Nag-iingat nga lamang siya na hindi mabuko, buti na lamang at naibebenta niya ang kanyang ibang mga painting kaya nabibigyan niya ito ng pera, hindi na mahirap isipin kung saan nito iyon dinadala....Adik na ito sa casino, handa naman siya ibigay ang kailangan nito, pero ngayon may mas matindi na itong hinihiling.

"Meron po, bibigyan ko kayo bukas kapag nag withdraw ako,"

"Kailangan ko na ngayon!" Matigas na utos nito.

"Sige po, lalabas ako mamaya."wala na siyang magagawa.

"Yung pinapagawa ko sa'yo? Ano na ang balita?" Akala niya mawawala na iyon sa kanilang usapan, pero mauungkat pa rin pala....hindi niya kayang gawin, wala siyang lakas ng loob na manakit ng napakabait na pamilya.

"Hindi ko po kaya mommy, may girlfriend na po si Ren at mahal na mahal nila-" hindi pa siya tapos magsalita ng makatanggap siya ng sampal mula dito, napakalakas na halos mabingi siya at mamanhid sa lakas noon.

"Isa kang tanga!Naunahan ka tuloy, kung noong una pa lamang sana sinunggaban mo na, hindi na sana tayo namomroblema ngayon!" Galit na galit ito habang nanlilisik ang mga mata.

"Mommy," mugto na ang kanyang mga mata.

"Gawin mo ang lahat,Tayo dapat ang nandoon, naiintindihan mo ba ako anak? Kailangan natin gawin ito para maging maayos ang buhay natin, para magkasama na tayo...para hindi na ako magtago." Lumamlam ang boses nito hinawakan siya sa mukha at naging maamo. "Gawin mo ito para sa akin...mahal na .mahal kita." Kinabig siya nito at niyakap, ang akala niya magiging palagay at payapa ang kanyang pakiramdam kapag nayakap ito.

Mali pala, dahil mas naging magulo....mas nakakararamdam siya ng takot.

...

"Good afternoon po, ako po si Ren Romualdez," hindi inaasahan ni Candice na magkakasabay ng dating ang kotse ni Ren at ng kanyang ate. Wala na siyang nagawa ng mabilis na lumabas ang binata para ipakilala ang sarili sa kanyang ate. Seryoso ang hitsura nito, hindi man lamang inabot ang kamay ni Ren. Salamat sa kanyang kuya Rico na tumanggap noon para hindi mapahiya ang kanyang boyfriend.

"Doon tayo sa loob." Yaya ng kanyang kuya Rico, yung kanyang mga pamangkin ay tahimik lamang habang nakatingin sa kanya at sa kanyany bisita.

"So nakabingwit ka na pala ng mayaman?Tignan mo nga naman....so kailan ka na lalayas sa bahay ko?" Mataray na sabi nito, napatingin naman si Ren sa kanya, halata na hindi gusto ang narinig mula sa kanyang ate.

"Si ate talaga, hindi naman po." Sinikap niyang pasiglahin ang boses, umakyat din naman ito sa kwarto dahil hindi rin naman magtatagal si Ren.

"Ganoon ba kapangit ang trato sayo ng ate mo?"

"Hindi, pagod lamang siguro,"sabi niya para mapawi ang pag-aalala nito. Ayaw naman niya na magkaroon ng bad impression ang kanyang ate kay Ren, pero sa susunod ipapaliwanag niya rin ang parte na iyon ng kanyang buhay. Magkukwento siya para balikan ang lihim ng kanyang pamilya na ikinahihiya ng dalawang pamilya na bahagi ng lihim na iyon.

Isang kahihiyan na siya ang naging bunga.

"Drive safely," hinalikan niya sa labi si Ren para maging okey ito.

"Tita, aalis ka na ba kasi may boyfriend ka na na rich sabi ni mommy, iiwan mo na ba kami?" Tanong ni Justin na nakalabi, pagpasok niya ay naka upo na sa kanyag kama ang kanyang mga pamangkin.

"Hindi no, hindi ko kayo iiwan kasi love ko kayo. .saka boring ang life ni tita kapag wala ang mga makukulit kong pamangkin!Group Hug nga!" Lumapit naman ang mga ito sa kanya. Okey lang kahit may ate siyang masungit, may tatlo naman siyang mga pamangkin na sobrang sweet.

Marami pang tinanong ang mga ito,kung paano sila nagkakilala ni Ren, syempre she only said the good part.

"Tita ang pogi ng boyfriend mo." Sabi ni Bea, may crush na din daw ito at alam na mag appreciate ng pogi at magaganda.

"Diba pretty si tita?" She wants to know kung anong sasabihin nito.

Nagtinginan ang dalawang babae. Ouch dahil mukhang alam na niya ang isasagot ng mga ito.

"Pretty si Tita Dice!" Sabi ni Justin na yumakap sa kanyang beywang.Hay, si Justin na talaga ang favorite niya, ang lakas makabola eh.

Kiniliti niya ito na kinatawa naman, naiinggit ang dalawa kaya nakisali na rin.

Naikwento niya ang nanyari kay Michelle at Jose, nakatanggap na naman siya ng mahabang tukso. Ibang level na raw sila, kaya lamang nainis ang mga ito ng malaman ang inasal ng kanyang ate Joana. Hindi rin naman niya kayang umalis dahil mahal niua ang tatlong bata. Sana talaga hindi magbago ang mga ito.


....

Tbc

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon