TLL 20:

53.4K 1.6K 139
                                    


I gave my right, don't ask for my left..

#unedited

...

20.

Dexter had been very vocal about his intentions to his sister. Kahit pa nagbanta na siya dito, kahit pa maaring maging kapalit noon ang kanilang pagkakaibigan, hindi ito nagpatinag. He punched him once to prove his point, pero may isa pa na parang linta kung makaaligid sa kanya kakambal.

Si Yuan.

He hate his guts to the core, mula pagkabata hindi na talaga niya ito gusto, lalo na ngayon. He is a pain in the ass, noong una ay balewala lamang kay Ran, pero.sa huli nagbabago ang kanyang kapatid dito.

Love must really hit his stonehearted twin. Minsang nainis ito, ibinato ang kanyang cellphone sa labas, maliit na bagay lamang ang ikinainit ng ulo nito. Si Yuan lang naman, pero agad uminit ang ulo nito.

"H'wag mo na kasing ipilit," dinig niya ang usapan nina Josh at Dexter, mahina lamang iyon, pero sapat na para makarating sa kanya. Topic kasi ng dalawa si Ran at Yuan, kahapon naglaro sila ng basketball sa mansion nila. Dumating si Yuan na hinamon nila ng basketball. Tulog pa si Ran kaya sinamantalag niya ang pagkakataon. Pinahirapan nila si Yuan pero nakikisabay pa rin ito sa kanila. Audience si Josh at ang dalawa niyang kapatid na lalaki. Ilang oras pa may tumama ng bola sa kanya, hindi niya ba kailangan pang isipin kung sino yun, umuusok sa galit ang kanyang kakambal. Napangiti siya ng lihim.

He might be a bad friend for Dexter, pero gusto niyang may marealize ito. At iyon nga ang pilit ipinapaintindi niya sa kanyang kaibigan.

"Why don't you find someone else? Baka meron dyan na mas para sa'yo," singit niya sa dalawa. Matalim na tumingin sa kanya si Dexter.

"Would you take that same advice..hindi pala,"napatawa ito ng bahagya. Hindi niya na inintindi ang sasabihin nito dahil tumagos na papunta sa gate ang kanyang mga mata.

Hindi ito nag-iisa, mukha itong nakikipagtalo sa lalaking kasama. Ito ang nakita nila noon sa canteen na kasama ni Darnang Flat. Now that he mention it, napakunot siya ng noo sa suot nito, nakasleveless kasi ito na black at ragged na jeans. Wash day ngayon, hindi ganito pumorma ang babae, malaki ang pinagbago nito. Tuloy tuloy lamang ang dalawa papunta sa kanilang building, nagtatawanan. Kita niya kung paano hampasin ng makapal na libro ni Candice ang katabi.

Pukpukin mo pa. Hindi sapat.

Pero imbes na gumanti, tumawa lamang ang lalaki.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ni Josh alam na marahil ng mga ito ang dahilan kung bakit di siya mapaalis sa kanyang pwesto.

"Mauna na kayo," pagabi na pero wala pa rin siyang balak umuwi. Gusto niyang manatili sa school.

"Kung nararamdaman mong espesyal na sa'yo, wag mo ng kimkimin, walang mangyayari kung nakatingin ka lamang sa malayo," si Josh habang nilalaro ang susi ng kotse.

"At least ako, sinubukan ko..."si Dexter na kumilos na rin, aalis na nga ang mga ito.

Mabuti na iyon, para walang maingay para mas makapag isip siya.

...

"Sinong peg mo sa histura mo?" Usisa ni Jo, medyo kumawala siya sa mga tee shirt, nagsleveless top siya ngayon para maiba naman. Ang kaso, nalimutan niya na panggabi siya at medyo.mahina ang katawan niya sa lamig. May pagkatanga lang.

"Rockstar?Bad chick? Sino sa tingin mo ang kamukha ko?" Nakangisi siya dito.

"Hmm let me see....ex ni Mario Maurer, Cacai ng Your Face Sound Familiar season 2!" Humagalpak pa ito ng tawa, kaya ang siste hinampas niya ng hawak na libro. Hindi naman ito gaganti, takot lamang nito na ibagsak niya sa panliligaw kay Michelle. Syempre kinunstaba niya ang kanyang bestfriend na wag muna itong sagutin. Pahirapan muna nila ito, pero kahit ganoon parehas naman nilang alam na mabait si Jo, mabuti rin ang pamilya nito. Minsan na silang naimbita sa bahay nito. Bunso ito sa tatlong magkakapatid kay medyo baby sa bahay.

Nagkaroon din siya ng instant kaibigan, nagtatanggol sa kanya, gumigising kapag nakakatulog sa klase, nagpapaalala kapag may exam or quiz, nanlilibre kapag wala siyang pambili. Very resourceful.

"Masakit na, sumbong kita sa fgf ko," binelatan niya lamang ito. Nagtungo na sila sa klase, may oras pa at may time pa siya para magbasa.

"Pustahan tayo kung kanino siya kakampi?" She said playfully, ngumiwi naman ito.

"00 na talo na ko, ikaw lagi.." tampo tampuhan pa ito at naunang maglakad. Nag eenjoy talaga siyang inisin si Jose, pikon pero galante. Tiyak niya na swerte ang kaibigan kapag sinagot ito. Pero sabi nga sa tamang panahon, darating din iyon sa para dalawa.

Mas enjoy ang paggabi, mas matured ang mga kaklase at puro sense ang talakayan, hindi naman sa minamaliit niya ang nasa morning class. Mahigit sampu lamanb sila, karamihan kasi ay second course o kaya mga o working din kagaya niya. Si Jose naman dakilanh gaya gaya lang, nahihirapan daw kasi itong gumising ng maaga. Mas gusto nito ang malamig na gabi. After nito ihahatid siya sa paradahan ng bus, parang boyfriend lang ang peg. Akala tuloy ng iba sila, pero hindi na nila kinokorek yun, hindi naman nila obligasyon hindi naman kasi pinaniniwalaan kapag nagsasabi sila ng totoo. So bakit pa mag aaksaya ng panahon na mag explain.

Hindi na lang.

...

Kung tatanungin kung hanggang anong oras siya doon. Wala siuang ideya, hindi rin naman siya mapapalagay kapag wala siya dito. Kanina pa siya balisa,minsan nasa loob, ngayon nasa labas habang nakasandal sa kanyang kotse. Natanaw siya sa bukana ng building....naghihintay. Nagring ang kanyang phone, ng mapagsino ay agad niya itong sinagot.

"Eunice,'"

"Hi Ren, are you busy, I want to.invite you for dinner sana," sabi nito.

"Ahm, so-sorry Eunice, I'm busy right, may ginagawa akong project na deadline tomorrow. Some other time, ok?" Tanggi niya dito.

"All right, next time then," sabi nito na ibinaba na rin. Lingid sa kanyang kaalaman ay nasa di kalayuan lamang pala si Eunice at nakamasid sa kanya.

Ilang sandali pa, nakita na ni Ren na lumabas si Candice, napakuyom siya ng kanyang kamao dahil kasama niya pa rin ang lalaki kanina. Naglalakad lamang ang dalawa. Dahan dahan siyang sumusunod sa mga ito. Naghiwalay sa bus stop, hinintay ng lalaki na makasakay si Candice bago ito umalis. Nagpatuloy naman siya sa pagsunod dito. He looks so desperate, pero wala na siyang pakealam doon. Gusto niyang sundan kung makakauwi ng maayos si Candice, na mimiss niya na ang pagiging madaldal nito. Wala na siyang maasar di gaya ng dati, hindi na nagkukrus ang kanilang landas.... o siguro tama ang mga kaibigan niya, umiiwas ito.

...

"Anyong haseyo!" Bati niya sa babaeng cashier. Tumawa naman ito.

"Alam ko yan mam, napanood ko sa commercial," nilapag niya ang kaniyang cup noodles na order, saka bayad sa siopao na order, binigay sa kanya ang sauce at ang pinamili. Doon na rin siya kakain para pag uwi, matutulog na lamang siya.

"Akala ko pa naman makakaisa na ako..." panunukso niya, kinuha niya ang siopaa saka nilagyan ng hot water ang cup noodles. Naupo siya highstool, nasa ibabaw ng mesa ang pagkain, nakaharap siya sa labas. Past 9:00 na ng gabi. Nilalamig din siya sa aircon , tama lamang na may sabaw ang kanyang pagkain.

"Ok na," humigop agad siya ng sabaw, seafoods flavor, kinagatan niya na rin anh siopao, isa siya sa mga nabola na pusa ang laman ng siopao. Matagal din siyang natrauma doon, pero ngayon hindi na, bola bola flavor din ang kanyang paborito.  Bumukas ang main door, hindi niya iyon nilingon dahil busy sa pagkain. Tumabi naman ang lalaki sa tabi niya. Lalaki ito base sa postura.

"Dahan dahan sa pagsubo, wala kang kaagaw sa pagkain," napahinto siya pagnguya niya ng marinig ang boses na iyon. Lumingon siya dito, hindi niloloko ng kanyang pandinig. May mayabang ngang nakatabi sa kanya, may siopao at cup noodles din sa harapan katulad ng sa kanya.

Manggagaya.

Sinikap ni Candice na wag mag paapekto sa presensya nito.

"Di ka ba tinuruan ng parents mo noong bata ka pa?" Napakunot noo ito sa kanyang tanong.

"Tinuruan ng ano?" Takang taka ito.

Nilingon ito ng bahagya ni Candice.

"Don't talk to strangers, ako kasi tanda ko pa," iniwan niya itong napanganga. Nawalan na rin siya ng gana.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon