TLL 35:

53.7K 1.5K 111
                                    

#unedited

...

35.

She let him kiss her, para  na rin pagbigyan ito sa kabaliwan nito. Formally start their relationship huh? May ganoon pala. It was a sweet and loving kiss. Siya ang naglayo sa kanilang labi sa sobrang kahihiyan, and true mayroon ngang mga nakatingin sa kanila. Sarap sipain ng kaharap bago lumubog sa kanyang kinatatayuan.

"Abuso ka na." Saway niya dito. Kinurot naman nito ang kanyang pisngi.

"Ganda mo kasi eh." Hindi siya naniniwala, kumapara sa mga babae sa paligid nito? Kay Eunice na lang na una nitong minahal.  Mommy at daddy niya noong bata pa siya ang nagpaparamdan sa kanya na siya ang pinakamagandang bata sa buong mundo, bukod sa kanila,wala ng nagsasabi sa kanya na maganda siya. Meron pa pala, yung kanyang tatlong pamangkin niya kapag may mga gustong ipagawa. Binobola siya kumbaga.

"Tss." Sagot niya para maitago ang nararamdaman na kahihiyan. "Satisfied?" She question, kahit na mukha itong humihiling pa.

"Very much, pero pwede pa rin naman umulit-" Mukha na itong ninja turtle sa haba ng ngisi. She wants to rephrase that, isang gwapong ninja turtle na magaling mag ninja moves.

"Tse ka! Yan ka na naman eh, dinadaan mo ako sa mga paganyan ganyan mo!" Nakanguso na siya dito, bumaba na siya sa skateboard, dinampot niya na iyon, hindi na rin naman siya matututo dahil nilalandi siya ng lalaking kaharap.

Inawan niya ito, nauna na siyang maglakad.

"Girlfriend, wag mo naman akong iwan." Maktol nito, ang mga kamay nito ay nasa bulsa...saka niya kang napansin ang pawisan din nitong mukha, yung braso nito na may pawis na din. Nakakatulala din pala ang kagwapuhan ng mayabang na ito, kahit naka formal, uniform o simpleng damit lamang, lahat binabagayan. Tinanggal niya ang panyo nito na inipit sa kanyang buhok, lumapit siya para punasan ito. Mataman naman itong nakatitig sa kanya habang ginagawa.

"Wag kang mag- isip ng kung ano, " he chuckles.

"Ano ba sa tingin mo iniisip ko?" Tiyak niyang may naglalaro na naman na kung ano sa isip nito.

"Gumaganti lang ako kasi pinunasan mo ako ng pawis kanina,"nakanguso niyang katwiran dito. Nakalabi naman ito habang marahang tumatango.

"Ah, palaganti ka pala."hinawakan nito ang kamay niya na pumupunas sa noo nito, ngayon niya lang narealize na magkasalo na ang pawis nila sa panyo na hawak. Nakakahiya. "So dapat pala, gumanti ka ng halik kasi hinalikan kita, so nasaan na?" Pinatulis pa nito ang nguso sa kanya, marahan niyang tinampal ang nguso nito.

"Ang manyak mo talaga!" Tawa ito ng tawa , inakbayan siya nito at sabay na silang naglakad. Nakahawa rin ang malutong nitong halakhak, kahit pa puro kabaliwan ang dahilan ng pagtawa nito. Wala eh, nagkagusto siya sa baliw.

"Saan tayo next?" Tanong nito sa kanya, nag-iisip pa sana siya ng kumalam na ang kanyang sikmura. Nang marinig nito ang ingay na likha ng kanyang panirang tiyan ay agad na nakatanggap na naman siya ng asar dito.

"Gutom na ang mga anaconda ng girlfriend ko." Hindi pa ito nakuntento doon hinimas pa talaga ang kanyang tyan. "Don't worry susunod hindi lang anaconda ang ilalagay natin diyan...lalagyan natin ng miracle tapos kahit anong gusto mong kainin, isang pitik ko lang nasa harapan mo na!" Nilingon niya ito ng nakakunot noo..Ano daw? Medyo nag hang ang kanyang utak pero ng marealize niya ang ibig ipahiwatig nito, agad siyang kumalas siya dito at hinampas sa braso.

"Ang baliw mo!" Sigaw niya dito at bahagyang lumayo.

"Wag ka ng mahiya girlfriend doon din naman tayo pupunta ,sure yun!" Napahawak siya sa kanyang namumulang pisngi. Sinong hindi mahihiya...mali pala, boyfriend niya pala ay isang walang hiya.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon