TLL 53:

58K 1.4K 117
                                    


Dedicated kay iminpenieljoy14 - hirap bigkasin name mo, nabubulol ako...LOL!

Nabitin kayo sa 52? Prologue lang ng S2 yun, kaya naman maaga ako na update dahil wala kami klase, kaya maaga ako nasa bahay...

Mahilig talaga ako sa pagtalon ng taon...gusto ko kasi all in one.

Welcome new characters! :)

...

53.

December 30,20**
Balanga Cityhood Anniversary
Plaza de Mayor

Maraming tao sa plaza, anniversary kasi ng syudad, may programa na inihanda, may banda at artista kaya naman maraming tao ang nandoon, kabilang na sila.

"Gwapo talaga ni Mayor diba? Ilang taon ko na siyang crush, kapag nakikita ko siya lalo na sa malapitan, naiihi pa rin ako sa kilig." Bulong sa kanya ni Aimee, habang hawak hawak ang isang jolly hotdog na pinabili nito kay Jeiko.

She rolled her eyes,"Lagi mo na lang sinasabi sa akin yan, sa tingin mo hindi ko na saulado?"

"Hahaha, Ganoon ba?" Tatawa tawa pa ito.

"Anong pinag -uusapan nyo?" Si Jeiko na nag abot sa kanilang dalawa ng inumin.

"Thanks Jeiks,"

"Wala naman Mahal ko." ngiti ni Aimee dito, umakbay naman ito kay Aimee at tumingin na rin sa stage. Sinimangutan niya ang pagngisi sa kanya ni Aimee, yung endearment talaga ng dalawa, iyon pa, kinikilabutan siya kapag naririnig yun.

"Ang tagal ng fireworks, saan daw ba kasi nakaset up?" Tanong niya, yun din kasi ang kanyang inaabangan, sa pitong taon na pamamalagi nya dito, naging nakagawian niya na ang pagpunta sa mga ganitong okasyon, ganoon niya na rin katagal na kakilala si Aimee, abogada rin itong katulad, magkakalase sila sa Bataan Law School, kung saan sila parehas nagtapos. Masyado kasi itong makulit at madaldal para hindi niya mapansin, which is a good thing, kailangan niya ng magpapakilala sa kaniya sa estranghero na lugar na iyon.

Napadpad sya sa Balanga City, lungsod ng Bataan na walang wala, ni hindi nga siya sigurado kung ano ang kapalaran na naghihintay sa kanya. Iyak siya ng iyak habang nasa bus, iniisip niya kasi si Justin, napalagay naman siya ng magtext ang kanyang kuya na okey na daw ito...guminhawa ang kanyang pakiramdam kahit paano pero hindi pa rin siya nahinto sa pag-iyak...naawa nga sa kanya ang katabi niya noon, baon niya noon ang isang sulat na may kasamang address.
Balak niyang puntahan ang kangang ninong, kaibigan ng  kanyang daddy na isa ring abogado.

"Salamat po ate," paalam niya sa babae dahil talagang sinamahan pa siya nito sa mismong address, Dona Francisca, sumakay sila sa tricycle.

"Naku wala yun, malapit lang naman ang bahay ko dito...sa Cupang lang, isang sakay lang din ng tricycle...kasiyahan ko na matulungan ko, paano maiwan na kita?" Natuwa siya ng niyakap siya nito...hindi niya akalain na makatagpo ng isang mabait na tao sa kanyang unang araw sa lugar.

Kinakabahan may ay nagdoorbell siya, isang ginang na naka duster ang lumabas, may katabaan ito at maputi.

"Anong kailangan nila?"

"Magandang gabi po, Ito po ba si Attorney Teofisto Magpayo?" 

"Dito nga siya nakatira, anong kailangan mo?"

"Ano..ako po si Candice Calatrava, anak po ako ni Atty Calatrava, may dala po akong sulat." Pinakita niya ang sulat na panandalian na binasa ito...nakuha niya iyon mula sa gamit ng kanyang daddy, itinago niya ang alaala ng kanyang mga magulang, iyon na lamang ang kanyang nagsisilbing kayamanan.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon