TLL 71:

53.5K 1.4K 74
                                    

4/26/2016

#unedited

...

71.

"Boss, tapos ka ng magkasakit pero mukhang nasisiraan ka naman ng bait." Puna ni Portugal sa kanya, paano'y nakadungaw siya sa bintana , sinisilip niya kung anong ginagawa ni Candice. Lunes ngayon at maaga itong naghahanda sa pagpasok, may flag ceremony kasi kapag lunes.

"Nabili mo na ba?" Tanong niya dito, imbes na patulan ang sinabi nito kanina.

"Opo boss, isang naka boquet tapos yung mga bulaklak na naka paso...kakaiba ka talaga magbigay ng bulaklak, mga nakatanim na bulaklak talaga, sa bagay mas tipid yun, kasi pipitasin mo na lang kapag namulaklak na." Mga 12 na paso ang pinabili niya, baka hindi na kasi kasya kapag dumami pa.

"Candice dislike flowers, hindi ko lang alam kung iba na ngayon." Natatandaan niya pa rin ang sabi ni Candice noon, kahit gusto niya itong lagi bigyan ng bulaklak , hindi naman tinatanggap nito.

"Seryoso ka boss?" Hindi ito nakapaniwala sa narinig," Sinasabi niya lang yun siguro nahihiya siya, iba iba kasi ang mga babae ng personalidad, kaparehas ng iba iba din ang kahulugan ng bawat bulaklak...pero sigurado ako na gusto niyang makatanggap ng bulaklak, nahihiya lang sya." Napatingin siya dito , kung maka salita ito akala alam na alam ang lahat...pero totoo nga kaya?

"Hayan na boss lumabas na siya, magpasalamat ka na sa pag aalaga  niya sa'yo kahapon." Encourage nito, mabilis naman siyang lumabas ilang sandali pa ay nakatayo na siya sa harap nito na ikinagulat naman nito. Napahawak pa nga ito sa dibdib, gusto niya ring mapahawak doon....pero magpapakabait muna siya.

"Good morning Candice , papasok ka na ba?" Todo ngiti na bati niya dito, ipinilig naman nito ang ulo.

"Well obviously." Sarkastikong sabi nito.

"Ihatid na kita!" Alok niya, kanina pa siya bihis at hinihintay lang ito.

"Hi-hindi na," nauutal na sagot nito, kay sarap isipin na presensya niya ang dahilan noon, pero ayaw niya muna na pangunahan ang lahat. "Dala ko ang kotse ko, saka baka mabinat ka, magpahinga ka na muna." Lalo pa siyang napangiti sa sinabi nito, kung napupunit lamang ang bibig, kailagan ng tahiin ang sa kanya.

"Okey na ako, magaling ang nurse ko eh, salamat nga pala kahapon, hindi mo ako iniwan." He said with sincerity, ito ang unang nag iwas...

"Boss!" Lumapit si Portugal dala ang boquet, may truck din na pumarada sa tapat nila.

"Para sayo, pasasalamat ko kahapon." Nag aalalangan pa nitong abutin ang bulaklak.

"Saan po naman ilalagay to?" Tanong ng dalawang lakaki na may mga dalang paso na may nakatanim na iba't ibang bulaklak, roses, sunflower at iba pa.

"Papasukin ko na ha?" Tanong ni Ren saka inutusan na ayusin sa bakuran ni Candice...

"Para saan yan?"

"I know hindi mo ganoon kagusto ang bulaklak, siguro yung mga nakikita mo na tumutubo hindi mo matatanggihan. Originally, I wanted to give you a farm of flowers , yung hindi mo matatanggihan at lagi kong maipapakita sayo, pero makakarating din tayo doon."

"Ren hindi ko kailangan nito." Nandoon ang pag kailang sa mukha nito pero gusto niyang malaman nito kung gaano siya kaseryoso sa bawat maliit na bagay.

"I know...pero kailangan ko nito at gusto kong gawin ito, I am courting you Candice, yung maayos na ligaw at hindi dinaan sa biglaan di gaya ng dati...Let me fix our memories, can we?"

...

"Ano bang nangyari? Bakit grumpy yata si Greg noong tumawag ako para makibalita?" Break time at pinasok siya ni Aimee para sumagap ng balita, saan ba siya mag uumpisa na magkwento. " Hindi kita makontak kahapon, ano bang balita?" Nakaharap na ito sa kanya, siya naman ay seryoso ang mukha.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon