TLL 28:

53.9K 1.4K 104
                                    

A/N: dedicated kay pinky_mitch
Na makulit, na bolero, na madalas kung tulugan...

Para nga kayong ninang ni Ren, kasi nasubaybayan nyo pag laki niya... feeling ko kapag namali siya ng desisyon, lahat kayo papalo sa kanyang pwet.

Tsss. Kawawa naman pwet ni Ren, sa dami ninyong yan?

P.S. mahal ko si Topher...at si Dexter

#Unedited

...

28.

"Sino yun?"nagulat siya sa kanyang ate, ito ang bumungad sa kanya pagkapasok ng pinto. Mabuti at nakaalis na rin ang baliw na makulit na lalaki.

"Kaklase ko lang ate," sagot niya dito. Dati naman na 'yun, noong first year siya,pero yun lang naman ang naiisip niyang relasyon nilang dalawa.

"De kotse." May ibang ibig ipahiwatig ang tono nito, pati ang pag arko ng kilay nito sa kanya. Hindi na siya sumagot, may idinugtong na rin ito. Mukhang hindi naman nito hinihintay ang paliwanag niya, mukhang  may sarili na itong nabuong konklusyon.  "May project si Britney."

"Opo ate." Alam niya n ang gagawin, hindi kasi hilig ng ate niya na magturo at gumawa ng kung anu anong requirements ng mga anak. Sadya talaga na maikli ang pasensya nito. Iniintindi niya na lamang dahil toxic siguro sa trabaho, kaya pagod na pagod. Umakyat na ito sa kwarto.

"Ano yan?" Nasa kwarto naman niya ang tatlo, gumagawa ng mga homework. Inaabangan talaga siya ng mga ito. Pasalamat na rin at maaga siyang umuwi.

"Yehey nandito na si tita Dice," naguunahan na ang mga ito sa pagpapakita sa  kanilang mga assignments. Hindi niya nga alam kung sino uunahin, dahil lahat gusto makuha ang atensyon nya. Naiiling na lamang siya pero nag eenjoy naman siyang turuan ang mga ito.

...

Nilolock na niya ang gate, ngayon pa lang siya papasok, wala siyang OJT ngayon, dahil may maaga subject siya ng pang 10:00, pagpihit niya ay literal na nanlaki ang kanyang mga mata.

Paanong nandito to?

"Ang tagal mo naman lumabas, kanina ka pa nila iniwan ngayon ka lang aalis?" Tanong nito sa kanya, na wari'y inip na inip. Hindi pala kunwari, mukha talagang inip na inip.

"Anong ginagawa mo dito?Bakit ka nandito?Nababaliw ka na ba?" Napatingin siya sa paligid, yung mga kapitbahay nila nakatingin sa kanila,nakakahiya.

Sarap magtalukbong.

"Isa lang naman ang sagot sa mga tanong mo, ikaw." Tinuro pa siya ng index finger nito."Ikaw lang ang dahilan kung bakit nandito ako, ikaw ang dahilan kung bakit nagtyatyaga ako kahit kanina pa ako inip na inip." Sinalubong niya ito ng pagtataray.

"Sino kasing nagsabi na puntahan mo ako dito, kung hindi ka ba naman sira at kalahati." Napangisi ito, sarap palisin ng ngisi nito.

"Wala namang nagsabi. Puso ko lang." Nang aasar na sabi nito. Pumipick up line pa. Sarap sampalin ng gwapong mukha.

"Sakay na, hatid na kita sa school." Yaya nito sa kanya.

"Ayoko nga!" Tanggi niya dito. Tiyak na pag-uusapan oras na magkita sila na magkasama lalo ba school. Maraming mga mata ang manghuhusga kahit wala ka naman ginagawa.

"Hay kulit,"frustrated na sabi nito. Aalis na naman siya sa harap nito pero hinila nito ang kanyang braso. Napaaray siya. Kaya mabilis nito siyang binitawan.

"Alam mo, kung nalambot ang braso ko matagal na itong natanggal sa kakahila mo!" Reklamo niya, malapit na siyang mapilayan.

Lumabi naman ito, nagpapaawa. Pero wala siyang awa.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon