TLL 49:

43.8K 1.3K 90
                                    

#unedited

...

49.

Natapos ang graduation pero hindi dumating ang kanyang ate, ang kuya Rico niya ang nandoon at ang tatlong pamangkin na may kanya kanyang dalang regalo. Si Justin ay may dalang bulaklak na agad inabot sa kanya.

"Akala ko ayaw mo sa bulaklak?" Naka busangot ang mukha ng gwapong nobyo habang tinitignan siyang inaamoy ang bulaklak na bigay ni Justin, mula daw kasi yun sa ipon ng bata na dinagdagan lang ng konti ng daddy nito.

"May okasyon kasi kaya gusto ko."paglalambing niya dito para hindi mainis. Sa engrandeng hall ng school ginanap ang graduation nila, mas naging elegante pa iyon dahil sa design, mayaman talaga ang school na ito...iiwan na niya, maraming ala ala ang nabuo dito na babaunin niya saan man siya magpunta.

"Cumlaude ang girlfriend ko," sigaw ni Ren sa mga kaibigan nito habang nakayakap sa kanya...proud na proud ang loko, ganoon din naman siya, nakakatuwa na dahil sabay silang nagtapos sa kabila ng mga nangyari. Kahit busy si Ren, humahanap pa rin ito ng oras para magkasama sila, o kaya man siya ang gumagawa ng pagkakataon.

"Kailan ang Law Qualifying? Mukhang magreview ka kaagad di ka na magbabakasyon." Tanong ni Jose .

"Right, three weeks from now, review na naman ako!" Excited niyang sabi, sa di niya alam na dahilan ay biglang natahimik ang maingay na si Ren.

"Wow, ikaw na! Mapapasa mo yan!" Cheer ni Michelle, pumunta ito para sa kanya at aa nobyong si Jose, ang tagal na nang dalawa pero sweet pa rin...magka problema naman ay naayos agad, ideal relationship.

Napalingon siya sa kanan, nakita niyang nakamasid doon si Teacher Andrew, tumango siya dito...nalaman niya kahapon na nagresign na ito at pupunta na sa ibang bansa. Hindi niya alam kung saan, iba iba naman anh impormasyon na nababalitaan niya, kahit paano masaya at nandito sa kanyang mahalaganh araw ang kanyang kuya, kahit sa huling pagkakataon. Gusto sana niya itong lapitan, pero alam naman niya na itataboy lamang siya nito, kaya naman kuntento na lamang siya sa tingin.

"Tinitignan mo na naman siya, nagseselos na ako!" Kinulong ni Ren ang kanyang mukha sa kamay nito saka hinalikan. Gumanti na rin siya ng halik dito, baliw lang. Napatigil sila ng may mag untog sa kanilang noo.

Sabay silang napa aray.

"Get a room guys," si Jose iyon, alam niyang naiinis si Ren kaya naman niyakap na lamang niya ito lalo bago pa man masuntok si Jose.

Mali ba na gusto niyang ipangalandakan sa lahat na boyfriend niya si Ren, na ang mga mata nito ay sa kanya lamang nakatingin?

...

Nagdinner silang dalawa, napag usapan nito ang pagkuha ng Masteral Degree, kailangal dahil future CEO ito...hindi nga lamang nabanggit ni Ren kung saan school.

"Sa school na papasukan ko, meron din silang ganyang program para magkasama tayo!" Ngumiti lamang ito sa kanya.

"Alam na pala ni Eunice na buntis siya,"napatigil siya sa pagsubo sa narinig, nag aalala siya sa naging reaksyon nito.

"Anong sabi niya?"

"Ok."

"Ha?"

"She said ok, Eunice have a soft heart...sa kabila nang nangyari hindi niya naiisip na ipalaglag ang bata...I know hindi niya yun kaya." Hindi niya mapigil ang humanga kay Eunice, napakalakas nga nito sabi ni Ren, nakakalungkot lang na kasama sana nila itong nag martsa. Ang problema nga naman, pag dumating minsan, sunod sunod, parang bagyo.

"Dad wants to bring her abroad, sa hospital na pinagtatrabahuhan ni Tito Warren, doctor siya dati ni Ran, my mother's ex suitor, doon na siya  nakatira kasama ang family niya. He suggested to take care of Eunice and her unborn child,  maghahanap din ng eye donor para kay Eunice kung hindi na makuha sa operasyon."

The Law of Love (completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora